6

104 12 0
                                    

• ara •

Dumating na ang araw na pinakahihintay ni Mika, ang graduation niya. Ngayon ko pa lang ulit siya makikita dahil umuwi siya kahapon para maghanda.

Naexcite naman kami nila Cienne at Camille dahil si Mika ang unang gagraduate sa batch namin. Bale nandito kami sa Henry Sy Sr. Hall para abangan siya. Nagsuot naman kami ng damit na maayos para makapagpapicture kami kay Mika.

"Beh, otw na raw si Ye." Sabi ni Cienne habang binabasa nito ang text ni Mika.

"Oy, congrats pala sa inyo ni Mika ah." Sabi naman ni Camille na parang nang-aasar. Hindi pa ito natigil at talagang sinundot-sundot pa ako.

"Oo na, Cams. Tigil na." Sabi ko naman dito at hinuli ko ang mga nanunundot niyang mga daliri.

"Sabi ko na noon, may chance talaga na magiging kayo." Singit naman ni Cienne.

Napabuntong hininga na lang ako sa kambal na ito.

"Idol talaga si Ara." At kinindatan ako ni Camille.

Habang pinagkakaisahan ako ng dalawa, maya-maya ay may sumisigaw ng pangalan namin. Pagtingin ko sa likod ay si Mika na ito.

Hindi ko sure kung another slow motion effect na naman ba ito o sadyang mabagal lang tumakbo si Mika. Nakasuot pa ito ng toga pero kita ang dress niya sa loob. Maganda ang mga mata niya lalo. Suot niya ang favorite gray contact lenses niya. Dagdag mo pa ang cute smile nito.

Tinignan at nginitian ko siya habang papalapit samin. Hindi ako makagalaw. Pati yata ako nagslow motion din. Nahinto ang aking pagslow mo nang itulak ako ni Cienne.

"Huy, Ara." Sabay pitik nito sa may mata ko.

Napaiwas naman ako agad at hinampas ko rin siya.

"Ganda ni Mika noh?" Sabi naman ni Camille at nagtawanan ito sa harap ko.

Napailing naman si Mika at tinignan ako ng nakakaakit na titig. Nako Mika, ano 'yang ginagawa mo?

"Huy, Galang. Wag ka nga. Nakakahiya sa kambal." Hirit naman ni Mika at tinulak ako ng bahagya.

"Sapakin ko kayo isa-isa eh." Sabi ko naman at tinawanan lang ako.

Maya-maya ay nakita ko naman ng family ni Mika na sumunod sa kanya. Nagpasuyo naman sila na kunan namin sila ng family picture.

Masaya ako para kay Mika dahil finally nakatapos na siya. Lahat naman kami nahirapan. Kung alam niyo lang dinanas namin. Pagod ka na sa training tapos may class ka pa. Bihira naman yun mangyari pero mapapamura ka na lang sa antok na mararamdaman mo.

"Picturan mo naman kami, Miko." Sabi ni Mika sa kapatid niyang lalake.

Pumwesto naman kaming magkakaibigan. Nasa kanan ako ni Mika at yung kambal naman kaliwang side niya. Nagpose kami ng formal at hindi mabilang na wacky.

"Kayo naman, Ate."

Napatingin naman ako sa kapatid ni Mika. Tinuro niya kaming dalawa ng ate niya dahil gusto niya kami picturan. Bigla akong nahiya dahil syempre kami lang dalawa 'to ni Mika. Inayos ko ulit ang sarili ko dahil baka i-pose ito ni Mika at masama ay pagkaguluhan ng fans namin. Syempre, mas mainam nang maayos itsura ko 'di ba?

Nagpaalam na kami ng kambal kina Mika dahil syempre, family time and dinner ang kasunod nito. Hindi ko sure kung makikita ko pa si Mika mamaya pero tingin ko bukas ko na siya makikita ulit.

***

Nagising ako sa ingay na naririnig ko. Hindi ko pa na imumulat mata ko dahil antok na antok pa ako. Pero nakakainis dahil bakit may maingay sa oras na 'to? Kaya minulat ko na ang mga mata ko.

Faking ItWhere stories live. Discover now