3

121 13 3
                                    

• ara •

"Mika, alam kong gusto mong tulungan kita pero bakit mo ginawa yun? Ye, sana tinanong mo muna ako."

"Sorry Ara, I am just so in desperate, sorry."

Hindi ko alam kung ano dapat kong gawin ngayon. Sobrang nabibigla ako sa mga nangyayare. Nagulat na lang ako na ipinakilala ako ni Mika na girlfriend niya sa harap ng ex niya at hindi lang dun, sa lahat na mismo ng tao! Damn it, yung mga reporters na nandon parang nataong nakaabang samin at saktong narinig pa yung sinabi ni Mika. Ang shit lang talaga, hindi ako makapaniwala. Dahil sa isang kasinungalingan, magkakaroon pa tuloy ako ng responsibilidad.

Hindi na ako muling nagsalita at nagdrive na ko pauwi sa dorm. Tahimik lang kami dalawa, tanging iyak at hikbi lang ni Mika ang naririnig ko.




"Huy, anong nangyari? Totoo ba kayo na?"

Pagkapasok namin ng dorm ni Mika, sinalubong agad kami ni Kim ng katanungan niya. Hindi na siya pinansin ni Mika at dumerecho agad sa kwarto namin kaya tinignan muli ako ni Kim.

"So ano pre, totoo ba?" Muli niyang tanong.

Napailing na lang ako at napaupo sa sofa.

"Uy 'tol, hindi ko inaasahan yun ah pero bagay kayo ni Mika promise." Muling salita ni Kim at nagcellphone ulit siya.

"Kim please, hindi kami ni Mika." Sabi ko sa kanya at nagulat si Kim.

"Weh, eh ano 'to?" Sabay pakita sakin ng balita sa Twitter. "Trending kaya kayo oh."

"Hindi kami ni Mika, okay?" Sabi ko ulit sa kanya at napailing na lang siya.

"Di Ara, okay lang sakin at feeling ko naman magigi--"

"Kulit mo naman, Kim. Sabing hindi nga eh."

Hindi ko na napigilan at pinutol ko na ang sinasabi ni Kim. Ang kulit naman kasi ng taong 'to. Sabing hindi nga kami ni Mika.

"Wait nga, paki explain 'to." Sabi niya at umupo sa tabi ko.

"Tangina mo kasi Kim eh, kanina pa kasi ako hindi ng hindi dito, pilit ka ng pilit dyan." Iritable kong sabi sa kanya.


Ikinuwento ko sa kanya lahat ng nangyare hanggang sa climax ng kaganapan kanina. Hindi na ako nagulat sa reaction niya dahil nakakagulat talaga.


"Pero di ba, yan naman talaga ang gustong mangyari ni Mika?"

"Oo pero di ba nga ayaw ko? Tutulungan ko siya pero hindi sa ganong paraan."


"Pwede niyo namang bawiin eh, kunware break na kayo."


"Pero paano yung pag ganti ni Mika sa ex niya? Kung nakita mo lang itsura non kanina, gulat din eh."

"Syempre, eh di ba nga isa ka sa mga pinagseselosan nong ex niya? Kung itutuloy niyo ni Mika 'yan, makakaganti siya sa ex niya pero kung hindi, hindi na siya makakaganti."

"Parang wala na kong choice Kim eh, eto na wala ng atrasan."

"Para naman sa kaibigan natin 'to, tiis na lang Ara kahit ikaw ang mahihirapan."



-
-
-

Kinabukasan, agad kaming pinatawag ni Coach Ramil sa office niya sa gym. Simula kagabi, hindi pa kami nag-uusap ni Mika. I know she's sorry pero wala lang talagang gusto magsalita samin.

After ng training namin kami kinausap ni Coach. Ang weird nga ng training namin dahil ang awkward talaga. Feeling ko gusto kaming asarin ng mga teammates namin hindi lang nila magawa dahil hindi kami nag-uusap ni Mika. Alam ng lahat, kami talaga except kay Kim na sinabihan ko. I told her na wag muna niyang sabihin ang totoo hangga't hindi kami nakakapag-usap nh maayos ni Mika.

Faking ItKde žijí příběhy. Začni objevovat