7

144 14 0
                                    

• ara •

Happy Graduation, Ara Galang!

Welcome to F2 Cargo Movers, Victonara Galang!

Ang daming nangyari ngayong linggo. Matapos ng graduation ko, kinabukasan ay PSL Draft pick naman. Masaya ako dahil sa huli ay napunta pa rin ako sa F2. Lagi naman akong naniniwala sa kasabihang 'if it's meant to be, it will be'. In the end, La Salle pa rin ang muling tutuluyan ko.

"Welcome to F2, Ara." Bati sakin ni Coach Ramil at niyakap ako.

Nandito rin sa PSL Draft Pick sina Ate Cha at Mama Aby. Tuwang-tuwa sila at niyakap din ako.

"Yes, anak! Makakalaro na kita ulit!" Sigaw nito at hinalikan ako sa cheeks.

Masaya talaga ako dahil malulupit na teammates si Mama Aby at Ate Cha. Both of them are one of the best players ng La Salle at isang karangalan sakin na makilala tulad nila. I don't want to be known like them naman, I want to make my own name and legacy.

After ng draft pick ay nagdinner ang F2 kasama ang ibang players nito.

"Aye, teammate!"

Napalingon naman ako at niyakap ako ni Kim. Nagfist bump naman kami ni Mika at kumindat ito. Parte rin kasi ng F2 sina Mika, Kim, Kianna, Desiree, Dawn at Majoy.

"Animo La Salle!" Sigaw ni Ate Cha at sumigaw na rin ang lahat.

Tumingin naman ako kay Coach Ramil dahil alam kong ito talaga pangarap niya. Matipon niya lahat ng players niya. Kung pwede lang talaga as in lahat-lahat, papayag 'yan.

"Coach, next week na ba agad training natin?" Tanong ni Mama Aby.

Ngumiti naman si Coach Ramil at tumingin saming mga bata niyang players. Base sa ngiti nito parang alam ko na gusto niyang sabihin.

"Nope. Sa susunod na linggo pa tayo magsisimula ng training sa PSL." Mahinahong sabi nito.

Kita ko naman ang pagtataka nila Mama Aby at nang ibang playes ng F2.

"Dahil pupunta kami sa Japan ng Lady Spikers!" Masayang sigaw ni Coach Ramil.

At dahil dun tumalon-talon kami nila Kim. Ang sarap talaga kapag nagcchampion sa UAAP. Grabe magbigay ng regalo ang La Salle. Lungkot lang dahil huling lasap ko na ng mga ganitong benefits sa La Salle. Swerte talaga ng mga atleta dito.

"Noong pinaasikaso satin yung Visa alam ko na eh." Sabi ni Kim.

"Pero ako, hindi ko inexpect na Japan." Natatawang sabi ko naman.

"Swerte natin, jusko." Banggit naman ni Kianna sa likod ko.

Masayang kumain ang lahat. Maraming napag-usapan lalo na sa darating na training namin bilang Cargo Movers. Excited si Ate Cha, na magsisilbing team captain, sa mga plano at strategies. Pero sinabihan siya ni Coach Ramil na kalmahan lang niya.

Maya-maya ay nagkanya-kanyang pwesto ang mga tao dito. Nakita ko si Mika na lumabas ng resto at papunta sa sasakyan niya. Sinundan ko naman ito para magpahangin sa labas.

"Oh, Ara." Tawag nito at sumandal sa sasakyan niya.

"Bakit ka lumabas?" Tanong ko at tumayo ako sa harap niya.

"Wala lang. Gusto ko lang sana mapag-isa muna."

"Pasok ba ako?" Biro ko at tumawa siya.

"Excited ka na ba?" Tanong niya habang nakatingin sa malayo.

"Saan?"

"Sa lahat." Sabay tingin niya sakin. "Biglang bumilis lahat ng nangyayari."

Sa oras na 'to, alam ko na kung saan papunta ang usapan namin. Here's another episode of Mika being deep af.

Faking ItWhere stories live. Discover now