8

189 17 3
                                    

• ara •

"Tokyoooooo!" Sigaw ko paglabas na paglabas namin ng airport.

Hindi ako makapaniwala na nandito na ako ngayon at hindi lang ako, kasama pati ang mga kaibigan ko.

Nasa eroplano pa lang kami ay todo picture na ang lahat. Madaling-madali makababa para maunang makalasap ng hangin sa Japan. Hapon na nang makarating kami dito. Nilabas ko ang nirentahan naming wifi from TravelRecommends_PH. Si Mika ang nakakita nito sa Instagram niya. At ayun effective naman. Hindi na namin kailangan bumili ng sim dito.

Agad kong ininform ang pamilya ko na nakarating na kami sa Japan. Napapa-sana all naman ang kapatid ko dahil pangarap din daw niya makarating dito. Wag silang mag-alala dahil balang araw madadala ko rin sila dito.

"Ara, ano gumana ba?" Tanong ni Mika at chineck ang wifi niya.

"Oo, nice. Mukhang mabilis connection dito." Sagot ko naman. Sana sa Pilipinas din mabilis internet.

Lahat kami ay nasa labas ng airport para abangan ang tourist bus na sasakyan namin. Hindi naman nagtagal ay nakita na namin iyon.

"Ara!" Sigaw sakin ni Mika.

Tinatapik nito ang upuang katabi niya. Pumunta naman ako sa pwesto niya at tinabihan siya. Tinignan ko naman siya at mukhang masaya rin si Mika. Lalong kumikislap ang mga mata niya.

Ang unang destination namin ay hotel. Iiwan na muna namin ang ibang gamit at magpapahinga na muna sa unang araw namin dito. Hindi siya as in na pahinga pero dahil alanganin na ang dating namin, mag-iikot na lang muna sa Tokyo ang team at maghahanap ng masarap na kakainan.

"Hooh, napagod pwet ko don." Sabi ni Kim at humiga sa kama.

"So, sino pala ang magkakatabi?" Tanong naman ni Carol.

Kaming apat ang magkakasama sa kwarto. Tumabi naman si Carol kay Kim at humiga rin ito.

"Aba, syempre kayong magjowa ang magkatabi." Sabi nito samin.

"Nako, deliks baka mamaya maingay 'yang dalawa na 'yan." Sagot naman ni Kim dito at naghigh five ang dalawa.

Humiga na rin ako sa kama namin ni Mika at nag-unat unat. Halos three hours din ang naging biyahe namin. Parang Manila to Pampanga lang ang byahe. Hindi na rin ako sanay bumyahe ng malayo dahil sumasakit ang pwet ko.

Tumabi naman sakin si Mika at sumandal sakin.

"Nagugutom na ako." Bulong nito.

Pinalo ko ang noo niya at napa-aray ito.

"Kakain na rin tayo ng lunch sabi ni Coach." Sagot ko at tumayo na. Pumunta ako sa maleta ko at nilabas ko na ang first ootd of the day.

Pumasok ako sa comfort room at halos mapamura ako sa ganda ng CR namin.

"What the... may bath tub!" Sigaw ko at nagreact naman sina Kim at tumakbo papunta sakin.

"Shit, naiimagine ko yung hot bath 'dre." Sabi ni Carol at hinawakan ang bathtub. Natawa naman kami sa kanya dahil akala mo ngayon lang nakakita ng bathtub talaga.

Kahit ako excited na 'ko masubukan 'yang bathtub. Sana may mabilhan kami ng bath bomb para boom panes.

***

Maya-maya ay pinatawag na kami sa lobby ng hotel para pumunta sa kakainan namin. Hindi ako maki Japanese food pero dahil nandito na tayo sa Japan mismo, aba syempre kailangan natin subukan lahat ng pagkain dito.

Nakakamangha dahil kahit late na sinabi samin ni Coach Ramil ang trip to Japan namin ay well-planned ang trip. Siguro sinadya na rin nila na huwag sabihin samin para hindi magulo magplano.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : May 06, 2020 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Faking ItOù les histoires vivent. Découvrez maintenant