Chapter 14 Harold's Graduation

11.5K 350 19
                                    

Belle's POV

Halos hindi kami mag imikan ni Harold habang pauwi kami galing ng bar. Nang makarating kami ng garage ng bahay. Dali dali kong binuksan ang pinto ng kotse. Nagulat ako ng hinawakan ako ni Harold. "Please don't go yet. Ayoko ng nakikita ka with that Phillip again." Sabi nitong puno ng pagsusumamo ang boses.

Tumingin ako dito. "Iniwan mo akong mag isa doon Harold. Dapat magpasalamat ka pa nga kay Phillip at sinamahan ako, habang mag isa ako doon sa sulok ng bar." May pagtatampo ko pang saad dito.

Binitiwan nito saglit ang mga kamay ko. Nakita kong nakahawak na sa manibela ang mga kamay nito. Tumagilid ang ulo nitong tumingin sa akin. "I'm so sorry for that. That will be the last time that you will go to such place." Ang sabi pa nito.

Narinig namin ang mga yabag ni Mommy at Daddy papunta sa sasakyan kung kayat bumaba na kami. "Hope you guys had a great time." Sabi pa ni Daddy.

"Opo Dad. Kuya Harold was so kind enough to take care of me. Thank you po Mom and Dad for allowing me to go there." Pahayag ko pa na puno ng pagsisinungaling kay Daddy at Mommy. Samantalang tahimik lang si Harold.

"O siya. Matulog na kayo at ng makapagpahinga kayo bago bumalik ng Maynila." Sabi pa ni Mommy habang inaakbayan ito ni Daddy.

Hindi na kami nag usap pa ni Harold. Maaga akong gumising kinabukasan.
Nakita kong nakaupo na ito sa sala at nanunuod ng tv. He was staring deeply into me ng magtama ang aming mga mata. 'Huh? May dumi ba ako sa mukha?' Ngumiti na lang ako sa kanya. "Good morning!" Sabi ko pa dito.

"Plano kong bumalik ng Maynila ng maaga." Seryoso nitong turan. I guess wala naman akong choice di ba. Kaya umoo na lang ako sa kanya.

Mabilis lamang ako nakapagliglit. I am wearing my above the knee floral dress ng sumakay ako ng sasakyan ni Harold. "Kailangan bang ganyan kaigsi ang damit mo? Tsk! Kailangan mong malaman na hindi ka pwedeng humanap ng iba habang nag agree ka sa deal na to." Sabi pa nitong nakakunot pa ang noo.

Tumingin ako dito. "Wala namang iba." Ang mahina ko pang sagot dito. Nakita ko na lang na sumilay ang ngiti sa labi nito.

Nakatulog ako ng buong biyahe at hindi ko alam nasa condo na pala kami. "Sorry at nakatulog ako." Antok ko pang sabi dito. "Thanks for the ride." Dagdag ko. Nag offer si Harold na ihahatid na niya ako sa unit ko. Alam kong pagod na rin ito. So I refused his offer.

Maya't maya pa nag text ito sa akin. Harold: Just checking on you. Hope you are home safe.

Ako: I'm okay. Thanks for checking on me. Goodnight.

Ilang araw ding hindi kami nagkita ni Harold. Today is his graduation day at excited na akong dumalo sa pinaka importanteng event sa buhay nito. Maagang dumating ang parents ko to celebrate with Harold special day. Nandito na kami sa building kung saan gaganapin ang graduation ceremony. Harold received the most prestigious award. A summa cum laude award. My parents are so proud of him. "Harold is the son I wished to have. My brother will be so proud of him..." Usal pa ni Daddy na naririnig namin ni Mommy.

Sinalubong namin si Harold kasama ko ang parents ko. Nag congratulate kami sa kanya at muling nagtama ang aming mga mata. Nagulat na lang kami na may sumalubong dito sabay halik kay Harold sa pisngi. "Congratulations Harold." Sabi pa nito sa malambing na boses. Maganda ang babaeng sumalubong sa kanya. Simple lang ang suot nitong damit at mahinhin ang dating.

"Kaibigan ko po pala at kaklase si Misty." Pinakilala niya kami isa isa kay Misty at halatang naka focus lang ang attention ni Harold para dito. I am not use to this. Seeing him with someone and him giving his special attention to. With Julia, alam kong Harold was not serious about her. Kumbaga, she is just a fling. Misty is beautiful, matangos ang ilong nito at makinis ang morenang balat. Kahit simple lang ang suot nitong damit, she still looks stunning in her own way. Ngumiti ito sa amin at nagmano sa magulang ko.

"We have a reservation in a restaurant. Magdala ka ng mga kaibigan mo Harold. We will meet you there at 8:00 pm." Sabay pa paalam ni Daddy.

We left the auditorium with my parents, leaving Harold and the girl Misty together. I can't understand myself why I have to feel this way. I really don't have to! Pero mas nanaig itong puso kong magselos.

Dinala ni Harold sa dinner ang bestfriend nitong si Vincent at si Misty. Kasama ang iba pa nitong kaibigan na sina Frank, Drake and Nathan. "Hi Belle. You look so lovely." Bati ni Vincent sa akin na naririnig naman ni Harold. Umismid lamang ito at napatingin sa aking nginingitian si Vincent. Nag agree naman sina Frank, Drake and Nathan sa sinabi ni Vincent.

"Well, I agree Vincent. You're getting more lovelier Belle." Dagdag pa ni  Nathan.

"Thank you." Ang tanging nausal ko habang tumitingin kay Harold na ngayon ay nakakunot na ang mga noo. Naaaliw lang si Daddy at si Mommy sa pakikinig sa mga usapan ng mga boys. Nagpaalam na silang umuwi ng maaga at didiretso na sila sa probinsiya. Mabuti at kasama nila ang driver at may maghahatid sa kanila.

"Isasama na lang namin si Belle at ihahatid namin sa condo nito. Bago magtulak pauwi ng Cabanatuan." Paalam pa nila.

"Don't worry po. Ako na lang ang maghahatid sa kanya." Sagot naman ni Harold sa kanila. Habang nakatingin sa akin ang seryoso nitong mukha.

"O siya umuwi kayo ng maaga. Goodnight baby girl." Paalam pa ni Mommy at Daddy sa amin. Sabay yakap ng mahigpit sa akin.

We took our time eating at a restaurant. Parang walang katapusan ang pag uusap ng mga magkakaibigan. Si Harold naman ay busy sa pag aasikaso kay Misty. Sweet itong nilalagyan ng pagkain ang plato nito. Halos alas 10:00 na rin ng gabi ng makauwi kami ng condo. Si Vincent na ang naghatid kay Misty. Hinatid ako nito sa pintuan ng condo ko. "Congratulations and goodnight." Ang tanging naiusal ko sa kanya.

"Hindi mo ba ako papasukin?" Sabi pa nito sa boses na puno ng pagtatampo.

TO BE CONTINUED

Please vote and make comments para maganahan akong mag update.

Sana Mahalin Mo Ako (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon