Chapter 24 The Chase

12K 307 27
                                    

Belle's POV

Pinahiran ko ang namumuong luha sa aking mga mata, as soon as I hang up with Harold. Bakit ba napaka fragile ng puso ko when it comes to him? I hate feeling weak and vulnerable. Kaso lang hindi naman napapakiusapan ang puso at isipan. Kaya apektado ako ay dahil mahal ko ito.

Oo nga mahal ko siya, pero siya ba may chance na mahalin niya rin ako? Feeling ko parang saling pusa lang ako sa buhay ni Harold. Kontrabida sa pag iibigan nila ni Misty. I wasn't expecting Harold to call me tonight. For what? Dahil responsibilidad niya ako? I am not anybody's responsibility. I am a grown woman. I can take care of myself. Enough of this overthinking about Harold. I should have taken him away from my system. Kailangan kong matutunan kung paano mamuhay ng wala ito. I just can't help to be this sentimental when it comes to him. Dahil sa totoo lang, umasa ako na sana mahalin niya rin ako. Pero, yun pala it was Misty all along. I am so hurt with the way he made me feel. I am so stupid to hope for the things that's not possible.

I'm in my deep thoughts when I saw my cellphone beeping from a text. It was Harold texting me. What does he need this time? I just hang up with him on the phone.

Harold: You left me so worried about you. Please don't leave me again like that. I will see you tomorrow.

Me: I am not going back there soon. I'm not seeing you tomorrow. I will stay here at home for the summer.

Harold: Goodnight and sleep early. I am seeing you tomorrow.

Me: Goodnight too. My decision is firm. I am staying here. I will not see you tomorrow.

Nagulat sila Mommy at Daddy kanina kung bakit dumating akong mag isa. Hinahanap nila si Harold kung saan ba ito at hindi ko kasama. "Busy po ang asawa ko Dad, Mom. Kaka takeover niya lang po ng company kaya nag aadjust pa po siya."  Ofcourse lahat na lang ng kasinungalingan sa mundo ay iniimbento ko para mapasaya ko lang sila. But, until when ang pagkukunwari ko? Hindi habambuhay maloloko ko ang parents ko. Eventually malalaman din nila ang pambabalewala ni Harold sa akin. Lalo na at lahat ng kailangan niya, lahat ng gusto niya ay mapapasa kanya na. He will just left me in a heartbeat.

Maaga akong nagising at ipagluluto ko sila Mom and Dad ng almusal. Nasa hapag kainan na kami. "Aba malaking improvement at marunong ka na talaga Belle sa mga gawaing bahay. Lalo na sa pagluluto." Saad pa ni Daddy.

"Sila Aling Mina po at Aling Tess ang nagturo sa akin." Proud ko naman na sambit sa kanila. "Hayaan niyo po habang nandito ako ay ako po ang magluluto sa inyo." Dagdag ko pa.

"Ang anak ko... Mas lalo kang mamahalin ng asawa mo." Ang usal naman ni Mommy. Na sana ay dudugtungan ko pa na 'sana nga ay mahalin niya ako.' Sana maging totoo ang sinabi ni Mommy. Sana...

"Kaya nga po, mahal na mahal ako ng asawa ko di po ba? Dahil nag ta try akong maging mabuting maybahay. Parang si Mommy. Inaalagaan po kayo palagi Daddy." Pagsisinungaling ko pa sa kanila.

Nagsalita si Daddy. "Alam naming mahal na mahal ka ni Harold. Tinawagan nga kami kagabi nito. Ipinagbilin nito na huwag kang pabayaan. He was so worried about you. Kaya kung ano man ang mangyari sa akin anak, ay kampante na ako. Alam kong may nagmamahal sayo at aalagaan ka." Sabi nitong sa seryoso na tono. Malungkot si Daddy ng sinabi niya ang mga katagang iyon.

"Si Daddy naman Oo. Bakit naman kayo malungkot? Nag asawa lang ako. May nagmamahal sa akin ng totoo. Kaya nga di ba dapat masaya? Nandito pa rin po ako." Sabi ko pa ditong pilit na pinapasaya ang boses.

"Alam ko, mahal ka ni Harold." Sabi pa nitong nagpatuloy na sa pagkain. "Hindi ako nagkamaling ipakasal ka sa kanya." Dagdag pa nito.

Naging abala ako buong araw. Nag grocery ako para sa lulutuin at the same time nagkita kami ni Valerie at ni Phillip. "Bestfriend! Mas lalo kang gumanda. Sana dito ka na lang ulit." Sabi nito sabay yakap sa akin. I hugged her back too.

Sana Mahalin Mo Ako (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon