HK&PQ 3

381 12 0
                                    

______________ CHAPTER #03 ___________

Abala ang buong school sa paghahanda para bukas. Bukas na kasi ang unang araw ng school festival, at open ang buong school sa lahat ng gustong pumunta at makilahok, ang mga malilikom na pera sa tatlong araw na school fest. ilalaan sa pagpapaganda at pag dag-dag ng facilities sa school.

Whole day kaming walang klase at abala ang lahat sa pag-ppractice ng play na gagawin namin. Ako naman isa sa mga props man kaya wala akong kakabisaduhing linya.

" ang dami naman nitong pinapabuhat sakin, hindi ko naman kaya ang lahat ng ito! " nandito ako ngayon sa bodega na nasa likod ng school building, dito kasi tinatambak yung mga lumang gamit noong nakaraang school fest. pinadala nila sakin itong mga pinturang gamit na, sayang naman daw kasi kung bibili pa, nagpaalam naman sila sa student council na gagamitin ang mga ito kaya okey lang.

" WAG! ibalik nyo sakin yan! " habang bitbit ko ang mga pintura pabalik sa classroom bigla akong maynarinig na ingay hindi kalayuan sa bodega.

" teka parang pamilyar ang boses nayun ah! " mabilis kong pinuntahan ang pinanggagalingan ng boses na narinig ko.

" Sumama ka nalang kasi sakin, lagi mo nalang bitbit ang mga libro mo! halika na! " may tatlong lalaki at ang isa nakaakbay sa isang babae, sinilip kong mabuti kung sino ang babaeng iyon at agad ko silang sinita.

" Hoy! sino kayo?! lubayan nyo nga ang cute na babaeng yan! " napalingon silang lahat sakin.

" M-migz! " tumakbo papunta sakin ang babae, walang iba kundi ang super cute na si akane.

" ayos kalang ba akane? hindi kaba nila sinaktan? " nasalikod ko sya at nakakapit sa t-shirt ko

" Um-Um! " tumango sya at tinuro ang hawak nung isang lalaki

" Hoy! ikaw ibalik mo na ang libro nya, akina yan! " lumapit ako ng bahagya para iabot nila sakin ang libro ngunit hindi nila ginawa.

" at sino ka naman? boyfriend ni miss cute? ayoko ngang ibalik to! makipag date muna sya sakin! " nakangisi ang loko at itinaas ang libro.

" tsk! ibabalik mo bayan ng maayos o pipilitin kong kunin sayo yan?! " dahil nagmatigas sila sapilitan kong kinuha ang libro ni akane, subalit dahil hindi talaga ako ang tipo na pala away ayun at napag-tulungan nila ako. Sipa sa tiyan at suntok sa muka ang inabot ko.

" ang yabang mo! lampa kanaman pala! oh hetong libro ng shota mo! pwe! " pagkahagis ng libro sa muka ko sabay alis nilang tatlo

" Migz! okey kalang? " malungkot na tanong ni akane, habang nakahawak sa muka kong maypasa

" wag kang mag-alala ayos lang ako! pasensya na hindi manlang ako naka banat sa mga yun!  nakakahiya " napaupo ako at hiyang-hiya sa sarili.

" hindi totoo yan! matapang ka para protektahan ako ng ganun! salamat! " hinawakan nya ang muka ko, naramdaman kong dumampi ang labi nya sa pisngi ko.

" pasasalamat ko yan! " binigyan nya ako ng isang matamis na ngiti. 

Ibinalik ko sakanya ang libro nya at sabay kaming bumalik sa school building ng mapansin namin yung tatlong lalaki kanina, hindi sila taga dito sa school namin kaya ng masita sila ni manong guard agad silang pinagalitan.

*****************

" ayan okey na ang pasa mo, nilagyan ko na ng band aid " narito kami ngayon sa clinic at ginamot ang pasa ko sa muka,

" salamat! ayus na ako ngayon, sige babalik na ako sa classroom ko siguradong hinihintay na nila ako doon. " tumayo ako sa pagkakaupo ng biglang hinawakan ni akane ang kamay ko

Harem King & Popsicle Queen ( Unedited )Where stories live. Discover now