HK&PQ 4

359 13 0
                                    

____________ CHAPTER #04 _____________

Uwian na, kasama ako sa mga nakatokang maglinis ng classroom bago umuwi. Kasama ko rin pala si captain jun at kaede, ngayon na gagawin ni kaede ang nakaplano nyang pagtatapat kay jun.

" uy migz, jun mauna na kami sainyong dalawa ha! bukas nalang ulit bye! " nagpaalam na ung iba naming classmate at naiwan kaming tatlo sa loob.

" migz samahan mo muna ako sa labas " tinawag ako ni kaede, at naiwan sa loob si jun na mag-isa.

********************

Junniper's Point of View :

At saan naman kaya pupunta ang dalawang iyon? iwan ba naman akong nag-iisa dito.

" ahem! "

" huh? ano nanamang pakulo yan ha? " may pumasok sa loob ng classroom, naka suot sya ng maskara sa muka, pamilyar ang maskarang iyon. Iyon ang ginamit ni migz noong sya ang pumalit kay kaede sa play namin. Ano nanaman kaya ang pumasok sa isip ng lalaking ito.

" hi-hi! a-ano kasi, jun may gusto sana akong sabihin sayo! na-nahihiya lang ako ka-kasi... " lumapit sya sakin, magkaharapan kaming dalawa, hindi sya mapakali at nauutal sa pagsasalita, teka! wag mong sabihing magtatapat na sya sakin ngayon! Gosh! anong gagawin ko! pa-pano ko sya sasagutin.

" A-anong gusto mong sabihin sakin? hindi mo na kelangang mahiya pa! nag suot kapa ng maskara! "

" Junniper! matagal ko nang gustong ipagtapat sayo na... " nabigla naman ako sa biglaan nyang pagsalita ng malakas. Kumakabog ang dib-dib ko, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

" Oo! gusto rin kita! migz! "

" HA?! "

" diba mag tatapat ka sakin? ang sagot ko ay Oo gusto din kita! "

" pero teka! hi-hindi ako "

" hindi ka seryoso sakin? "

" hindi ganun! hindi yun ang ibig kong sabihin, gusto kita jun! noon pa, una palang kitang nakita kahit hindi pa kita nakikilala alam kong gusto na kita, mula noon hanggang ngayon hindi na naalis ang mga mata ko sayo "

" Migz! " nilapitan ko sya sabay niyakap, wala syang imik, samantalang ako nakangiti at ramdam ang lakas ng pagpintig ng puso ko, may kakaibang init akong naramdaman habang kayakap ko sya.

****************

Miguel's POV :

Kinabukasan pagkapasok ko sa school si captain jun agad ang nakita ko sa labas ng gate, mukang may hinihintay sya sino naman kaya? baka si kaede, ano kayang nangyari sakanila kahapon nakapag tapat na kaya sya.

" Migz! "

" zhella ikaw pala! " biglang sumulpot si zhella sa gilid ko

" migz, wala bang nasasabi sayo si kuya na problema nya? nitong gabi kasi pag-uwi nya ng bahay, tulala lang sya tapus ang gloomy pa nya muka syang pinagbagsakan ng langit at lupa sa itsura "

" Oh? uhm.. wala naman syang nasasabi sakin na kahit anong problema nya " napaisip ako at pumasok sa isip ko ang pag-tatapat nya kay jun kahapon ano nga kaya ang nangyari nabasted kaya sya?.

" hi! migz! " lumapit sakin si jun, kakaiba ang kinikilos nya, para syang nahihiya, nag bublush ang pisngi at hindi mapakali.

" anong nangyari sayo jun? parang kakaiba ka ata ngayon? "

" ano kaba! nakalimutan mo naba kahapon? diba ano... ikaw... ako... " Teh-he! ang cute nya sa mga kinikilos nya pero hindi sya ang jun na lagi kong nakikitang nakataas ang kilay sa tuwing makikita ako.

Harem King & Popsicle Queen ( Unedited )Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt