HK&PQ 5

326 12 0
                                    

___________ CHAPTER #05 _____________

Kaede's Point of View :

Katabi ko ngayon si jun, ang babaeng una ko palang nakita nagkagusto na ako sakanya hindi pa nya ako kilala noon pero sya madalas ko nang sulyapan sa malayo. Kahit nagkakatama ang tingin naming dalawa balewala lang sakanya siguro sanay na sya dahil maraming nagkakagusto sakanyang mga lalaki sa buong campus.

" bakit ganun? bakit ang sakit?! " nasa magkabilang dulo kaming dalawa nakayuko sya at kahit hindi ko sya titigan sa muka dama ko ang sakit na nararamdaman nya ngayon.

"  hetong panyo kunin mo! " inabot ko sakanya ang panyo ko galing sa bulsa at hindi na ako nagsalita ng kahit ano, ayokong dagdagan pa ang nararamdaman nya ngayon.

Napadaan lang naman talaga ako dito sa park, nakita ko syang nakaupo mag-isa, malungkot at humihikbi, pinapahiran ang basang pisngi. Hindi na ako ang dalawang isip pa na lapitan sya at samahang umupo kahit na alam kong hindi ako ang lalaking gusto nyang makasama sa tabi nya.

" uhm.. gumagabi na, mabuti pa umuwi kana! "

" oo alam ko! " tumayo sya at humarap sakin

" salamat sa panyo! " iniabot nya sakin ang panyo

" sayo na muna yan! baka mapaluha kapa habang papauwi ka "

" salamat ulit! syangapala, pasensya kana kung nakita mo akong ganito umiiyak! "

" wala yun! natural lang na umiyak tayo kapag nasasaktan! mas nakakagaan ng loob ang pag-iyak "

" alam mo! nung sinabi sakin ni migz na hindi sya yung lalaking nagtapat sakin nung hapong iyon, nasuntok ko talaga sya sa muka! grabe! ang sarap sa pakiramdam, tapus sabay nag walkout ako hindi ko na sya hinayaang makapag salita pa ulit, ayoko nang marinig pa ang mga sasabihin nya sakin, ngayon ko ngalang biglang naramdaman ang sakit, ang sakit pala! " bumuhos ang luha sa mga mata nya gustong gusto ko syang yakapin, gusto kong sabihin sakanya na ang lalaking nagtapat sakanya ay nasa harap lang nya pero hindi ko kaya ang tanging nagawa ko lang ay hayaan sya sa pag-iyak.

" pasensya kana hindi ko lang napigilan bigla nalang tumulo ang luha ko nakakahiya tuloy sayo! "

" ayos lang sakin yun " pero sa loob ko gustong gusto ko syang hagkan at patahanin sa mga bisig ko, wala lang ako sa lugar para gawin yun sino ba naman ako.

" mahal ko si migz! sana sya nalang talaga yung lalaking nagtapat sakin, kung natuturuan lang sana ang puso na wag umibig sa taong hindi mo alam kung may gusto sayo o wala noh?" humarap sya sakin na may pilit na ngiti kahit bakas sa muka nya ang lungkot. Pero mas masakit ang nararamdaman ko ngayon, ganito pala ang pakiramdam na magmahal ka ng taong ni kunti walang pag-tingin sayo kahit siguro malaman nyang gusto ko sya at ako ang lalaking nag tapat sakanya si migz parin ang hahanap hanapin nya. Isa lamang akong maliit na bula sa paningin nya, na ano mang oras puputok at maglalaho sa mga mata nya.

Harem King & Popsicle Queen ( Unedited )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon