HK&PQ 12

162 8 0
                                    

________CHAPTER#12________


Sabado ng hapon at halos nakikita ko na ang napapalapit na paglubog ng araw, masaya ang araw nato parasakin dahil first date namin to ni zhella. Pero sa hindi ko malamang dahilan bigla nalang syang tumakbo palayo, hindi manlang nagsabi ng dahilan. At ngayon heto ako kasama ang kuya nya na bigla nalang sumulpot kung saan, kung ano ang mga kaganapan aba'y hindi ko alam.

" Oi! Oi! kaede! ano bang ginagawa mo kasi dito at teka sa'n mo ko dadalhin?!!!! "

" tumahimik ka! sumunod ka nalang!! "

" pano ako susunod!! hindi ko naman alam kung anong nangyayari dito! "

" Hay naku!! oh! heto, basahin mo habang nasa loob ka ng sasakyan! tara na baka hindi mo na sya maabutan! mabili panaman tumakbo ang kapatid kong iyon! baka nasa sakayan na ng tren un "

" huh?! anong ibig mong sabihin? a-ano tong sulat na to?! "

" tsk! basahin mo nangalang!!! "

" Oo na sige na!! hmmm... ang ganda nmn ng sulat kamay ng sumulat nito malinis at pantay pantay hindi gaya ng sulat kamay ko parang kinahig ng manok! "

Nasa parking lot kami, bago paman kami makapasok sa loob ng sasakyan nya nasa labas ng parking lot ang driver nyang si mang gusting at mukang may kausap na babae, nakatalikod may mahabang buhok at wet wew sexy sa suot nitong backless dress na akala mo'y may pupuntahang party, mali ata ang napuntahan ng babaeng ito.

" mang gusting anong problema dito? " tanong ni kaede pagkalapit nya sa driver nya

" sir kaede ka-kasi! si miss maganda tinatanong kung.... " hindi paman natatapos ni mang gusting ang sasabihin nya ng humarap ang babae, nalaglag ang panga ko ng makita kung sino sya, napatalikod tuloy ako ng di-oras baka makilala ako lagot.

" uhm... miss ano bang kelangan mo? may maitutulong ba kami sayo? " si kaede na ang nagtanong habang ako nasa likod nya at nakatalikod hindi ako makaharap, pag nakita ako nito siguradong kukulitin nanaman ako.

" pogi! baka naman pwede mo kaming isakay diyan sa kotse mo, nagmamadali kasi kami ng kapatid ko "

" Ano? Okay kalang? pasensya na miss pero hindi kanamin matutulungan kasi nagmamadali rin kami may pupuntahan din kaming importante, sige miss! "

Tumabi ang babae sa gilid ng kotse, pinagbuksan ni mang gusting si kaede ng pinto sa harap hindi pa man sya nakakasakay....

" kaede!!!! " may tumawag sakanya, samantala ako naman pasimpleng pumunta sa kabilang side ng sasakyan para hindi ako makita ni kalefa ang babaeng sexy, mapang-akit ngunit mapanganib.

" ayame? anong ginagawa mo dito? " gulat na tanong ni kaede, akalain mo magkasama pa ang magkapatid, gaya ng tanong ni kaede ano nga kaya ang ginagawa nila dito.

" syangapala sya si ate kalefa, nakita kasi kita kanina na bumaba dito sa kotse kaya sinundan kita, ang totoo nyan kanina pa kami ni ate nandito sa amusement park sinundan kita pero hindi na kita naabutan "

" nag mamadali kasi ako, hinahabol ko ang kapatid ko ang ibig kong sabihin hinahabol namin! "

" Oh? may kasama ka pala? pasensya na sa abala, makikiusap sana kami na makisabay sayo, kasi itong si ate nagmamadali hinahabol nya ang oras ng pagdating ng tren, may pupuntahan kasing party eh, nasiraan yung dala naming sasakyan kaya nakikiusap si ate baka pede nyo kaming idaan sa stasyon ng tren "

" sa train station din pala ang punta nyo! tara sumabay na kayo saamin ni migz! "

" HA?!!! si-si migz?!! " gulat ni ayame, napasilip sya sa kabilang side ng kotse

Harem King & Popsicle Queen ( Unedited )حيث تعيش القصص. اكتشف الآن