Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

▪ 5 ▪

85.1K 1.9K 93
                                    

Friends

"Hah? Anong ako? Sinisi mo pa ako! Kung gusto mong magsayang ng pera, sige lang pero wag mo akong idaramay."

Tinalikuran ko sila at humakbang paalis.

"What? No! Seryoso ako. I'm gonna help you. Sabi mo, you need a place to stay..."

Kusang tumigil ang paa ko sa pahakbang. Napabuga ako ng hangin bago sila muling hinarap. Hindi nakatakas sa akin ang litong-litong ekspresyon n'ong lalaking kaibigan niya, kung hindi ako nagkakamali... Jax yata ang pangalan.

Lumipat ang tingin ko kay Uno na inosenteng nakatingin sa akin.

Hindi ako makapaniwalang may ganito pala siyang side. Pag tumindig kasi siya, matikas at alam na alam niya ang ginagawa niya.

He's very proud.

Pero ngayon, parang hindi The Uno Montgomery ang nakikita ko kung hindi Uno lang na inosente, inosente sa parteng wala siyang alam sa kahirapan ng mga tao.

"Naka-drugs ka ba? Wala akong pera para rito. Hindi ko nga yata kayang bayaran ang isang araw na pananatili rito," saad ko.

"I'm gonna lend you money."

Ouch.

Normal ba 'to?

Normal ba talagang masaktan habang harap-harapan na akong tinutulungan? Dapat masaya ako dahil bukas palad na akong tinutulungan pero bakit nasasaktan ako?

Hindi ako natutuwa.

Normal din bang ganito kadaling mamigay ng ganitong klaseng bagay? Para siguro sa kanya pero...

"I think... I need to give you both some space and time to talk," ani Jax.

Binalingan niya si Uno at tinapik ito sa balikat ngunit ang mga mata ni Uno ay direkta pa ring nakatingin sa akin.

"I'll call you later for clarifications. May kailangan lang akong puntahan. Goodluck, man," huling wika niya bago siya tuluyang umalis.

Hinintay kong marinig ang pagtunog ng elevator bago huminga nang malalim para maghanda sa matinding palinawagan.

Napahawak ako nang mahigpit sa body bag na nakasabit sa akin.

"Lend?" panimula ko.

"Yeah, I'll lend you money then pay me in the future."

Kung lumabas sa bibig niya ang mga katagang nakagugulat para sa akin ay parang sa kanya... normal na normal 'yon.

"Bakit? Close ba tayo? Kilala mo ba ako para tulungan? Gaano ka kasiguradong mababayaran kita? Tapos pag hindi kita nabayaran, idaragdag mo sa mga kasalanan ko sa'yo? Hahanapin mo ako? Mag-iisip ka ng mga bagay na pwedeng iganti mo sa akin?"

Napakagat ako sa aking labi.

Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Ang napakaganda niyang mga mata ay litong lito habang nakatitig sa akin. Bahagya siyang humakbang paharap kaya automatic na napahakbang ako paatras.

Lalapit siya...

Lalayo ako.

"Okay... I'm sorry, Miss— Damn. I don't even know your name."

Rinig ko ang inis sa kanyang tono. His eyes are getting very unreadable.

Pinilig ko ang aking ulo.

"'Yon na nga eh. Hindi mo nga alam kahit man lang pangalan ko tapos tutulungan mo ako nang ganito? Naka-drugs talaga yata. Hindi ko rin alam kung bakit ako nandito, kaharap ka... naka-drugs din yata ako,"balik ko.

MONTGOMERY 5 : Waiting For SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon