Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

▪ 9 ▪

79.1K 1.5K 75
                                    

Confused

Nanliit ang aking mga mata at umirap sa kanya.

"Sweet mo mukha mo," sarkastiko kong wika.

Anong akala niya sa akin? Tulad ako ng ibang babae riyan na sa simpleng mabulaklak na salita niya ay bibigay na agad? Sa simpleng kislap ng mga mata niya ay mahuhulog na agad?

Hindi 'no!

"I'm just joking," aniya sabay halakhak.

Napabuga ako ng hangin at binaling muli ang tingin sa kanya. Ngiting-ngiti siya kaya tinikom ko na lamang ang aking bibig at napaiwas na lang muli ng tingin.

"Pag hindi pa tayo umalis, uuwi na lang ako mag-isa," saad ko.

"Opo," rinig kong pag-ismid niya.

Napaurong ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking ulo at bahagyang tinapik 'to. Nahigit ko ang aking hininga at hindi na lamang umimik. Hinayaan ko siyang isara ang pintuan ng kotse at lumipat sa driver's seat.

Binalingan niya ako bago paandarin ang kotse kaya umiwas muli ako ng tingin. Nag-angat ako ng kamay at bahagyang tinapat ang blades ng aircon sa akin dahil pakiramdam ko, mauubusan ako ng hangin.

"Uno..." mahinang tawag ko sa kanya habang nagmamaneho siya.

"Hm?" aniya.

Nakatuon lamang ang tingin ko sa labas. Tinitingnan ang mga puno sa daan. Pakiramdam ko, lumiliit ang sasakyan na 'to para sa aming dalawa. Amoy na amoy ang kanyang pabango mula sa pwesto ko, hindi nakatutulong ang aircon at mas lalong hindi nakatutulong ang katahimikan.

"Salamat sa pag-aalala mo sa akin," mahinang wika ko.

"What?"

Napakagat ako sa aking labi.

Bingi ba siya o nagbibingi-bingian?

"Sa mundong 'to, madalang na lang yung taong handang tumulong kahit walang kapalit. Alam kong wala lang sa'yo ang mga tinutulong mo pero para sa akin ay sobrang laking bagay nito," banayad kong wika.

Naikuyom ko ang mga palad ko. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko may naglilikot sa kalooban ko. Sobrang likot nito na parang unti-unting nabubuhay ang bawat ugat sa aking katawan.

Ang puso ko ay bumabagal ang pintig pero mas naririnig ko 'to. Malakas ang kabog nito.

"Are you being sentimental with me?" aniya.

Nahigit ko ang aking hininga at maagap na napalingon sa kanyang gawi. Kahit nakatuon ang kanyang mga mata sa daan ay hindi makatatakas sa akin ang kanyang ngisi.

"Hah?"

"Don't say those things, I might cross the boundaries," mapanukso niyang wika.

"Boundaries?" naguguluhan kong tanong.

"Is this your apartment?"

Nawala ang aking atensyon sa kanyang sinabi nang tumigil kami sa address na sinabi ko. Napansin ko ring may dalawang taong nakatayo sa harap mismo ng aking pintuan at sigurado akong sina Kelly at Raffie na 'yon.

Nilingon ko siya muli at mabilis na napaiwas ng tingin nang makitang nakatuon sa akin ang kanyang mga mata. Hindi naman dapat ganito..

"Maraming salamat. Ingat ka, pangako... babawi ako sa'yo," magalang kong wika.

Wala na akong pinalipas na panahon at mabilis akong bumaling sa pintuan. Binuksan ko 'yon at dere-deretsong bumaba. Mabilis ang mga yapak ko sa paglapit kina Raffie at Kelly na mukhang gulong-gulo sanakikita.

MONTGOMERY 5 : Waiting For SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon