Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

▪ 12 ▪

72.2K 1.7K 232
                                    

Superhero

"Nabili na ba lahat ng kailangan mo?" tanong ni Uno habang pinapasok ang mga pinamili namin sa loob ng sasakyan niya.

Hindi ko maiwasang mapangiwi sa narinig na tanong niya.

"Sobra-sobra pa nga 'yan. Kung gusto mo, mag-uwi ka rin sa inyo," saad ko.

"No need, our house is fine," aniya.

"Sabi ko nga..." bulong ko sa aking sarili.

Napaurong ako nang ilagay niya ang huling plastic at isara ang likod ng kanyang sasakyan. Halos malula na ako sa lahat ng pinamili namin. Bawat kuha ko ng isa, siguradong daragdagan niya. Panlimang taon yata ang mga gamit na 'to.

"Are you okay? You're tired?" nag-aalalang tanong niya.

Maagap akong umiling.

"Inaantok lang..." mahina kong wika.

"Come... I'll bring you home," aniya.

Hinawakan niya ako sa braso kaya bahagya akong natigilan pero sa huli ay pinilig ko na lang ang ulo ko. Hinila niya ako papunta sa harap at pinagbuksan ng pintuan. Sumakay ako roon at napako na lang sa kinauupuan ko nang lumapit siya at inaayos ang seatbelt para sa akin.

Mas lalo pa siyang lumapit kaya nahigit ko ang aking hininga. Amoy na amoy ko ang pabango niya sa sobrang lapit niya at parang dumaloy 'yon sa buong pagkatao ko. Nanginig ang bawat ugat ko, marahil ay dahil hindi talaga ako sanay na may ganitong taong sobrang lapit sa akin maliban sa mga ilang kaibigan ko at pamilya ko.

Iba siya...

Siyempre ilang linggo pa lang kami magkakilala.

"If you want to take a nap, it's okay," aniya.

Inayos niya ang upuan ko para makasandal ako nang maayos. Nang makuntento na siya ay doon pa langsiya lumayo. Tinapat niya ang mukha niya sa akin at matamlay na ngumiti. Pagkatapos ng usapan namin kanina ay nag-iba siya. Nagbibiro pa rin pero alam kong may malalim siyang iniisip.

Inangat niya ang kamay niya at bahagya akong tinapik sa ulo. Napangiwi ako pero lalo lamang siya napangiti. Tuluyan na siyang dumistansya at sinara ang pintuan para sa akin. Mabilis siyang lumipat sa kabila at pinaharurot ang kotse niya.

Napahawak ako sa seatbelt ko sa sobrang gulat. Napasinghap ako dahil hindi ko inaasahan ang bilis niya sa pagmamaneho. Parang walang break ang kotse niya kung magmaneho siya. Namilog ang aking mga mata nang mapansing marami kaming sasakyan na mababanga kung ganito siya kabilis magmaneho.

Alam niya ba ang ginagawa niya?

May karapatan ba akong magrereklamo kung kotse niya 'to?

Mariin akong napapikit pero sandali lamang 'yon dahil naramdaman ko ang paghawak sa kamay ko at ang pagbagal ng sasakyan niya.

"I'm sorry, I forgot that I shouldn't be driving like a mad man. Okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong.

"Okay?" hindi makapaniwala kong tanong.

Tumango ako.

"Oo naman. Okay na okay lang," saad ko sabay ngiti.

Okay lang talaga ako.

Medyo nawala lang saglit ang kaluluwa ko.

"Really?" aniya.

"Oo," sagot ko.

"Gusto mo ng mabilis?" inosente niyang tanong.

Napabaling ako sa kanya.

"Hindi!" mabilis kong sagot.

MONTGOMERY 5 : Waiting For SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon