Chapter 6

32 3 4
                                    

Xena's POV

Napabuntong hininga ako nang matapos ang isang napaka habang araw, nakauwi na rin kami. Sumalampak naman ako sa sofa dahil sa pagod. Kadarating lang rin namin sa bahay at mukhang wala pa si Tita Fyna.

"Hay nako. Kala ko naman machachallenge tayo dun sa mga yun. Yun pala di man lang tumagal ng ten minutes, tigok na." Reklamo ni Xynie na may kasama pang irap.

"Ano ka ba. Mas mabuti na rin yung ganun, no. At least di tayo natagalan dun. Malay mo kung nagtagal tayo dun may makakita satin." Sagot naman ni Xyla.

"Siya nga pala, di na natin natuloy yung paghahanap sa emblem. Pano na yan?" Tanong ni Xarina.

"Let's just look for it tomorrow. Tska magsasarado na rin yung school kanina eh. We wouldn't have enough time kung pinagpatuloy pa natin yung paghahanap kanina." Sabi ni Xyzha habang papunta sa kusina.

Sumunod naman kaming lahat sa kaniya. "At isa pa, mukhang naremember ko na kung saan ko nawala yung emblem." Sabi ni Xerine.

Napatingin naman kaming lahat sa kaniya.

"Nasa Hidden Garden ata yun. I was there to obtain some supplies, and then an annoying piece of dog shit appeared, so I left. Nahulog siguro yun galing sa bag ko kanina."

"Hmm, okay. Tomorrow, first thing when we arrived at school. Hanapin natin yun don. Kundi lagot talaga tayo kay Sir." Napabuntong hininga si Xyzha.

Dumiretso naman kami sa kusina at nagsimula na akong magluto. Yung lima naman nakaupo lang sa dinner table at nakatunganga. Well, nas mabuti nang ganyan lang sila kesa tumulong sila sakin. The last time that I made them assist me, kamuntik nang sumabog yung bahay namin.

Matapos maluto ng Italian food na pinrepare ko, tinulungan ako ni Xerine na ihain yun.

Tahimik naman kaming kumain, which is unusual since when we eat we always bicker, ay biglang dumating si Tita Fyna. She looked stressed. Binati naman namin siya.

"Tita, mukhang pagod na pagod kayo ah. Kain po muna kayo." Nakangiting sabi ni Xyzha.

Napatingin naman kaming lahat sa kaniya. Wow. Kahit alam naming bipolar tong babaeng to, I am still amazed at how quickly her mood changes. It's kinda creepy though.

Nginitian naman kami ni Tita.

"It's okay girls. I already ate at work. Magpapahinga na ako. If you need anything, I'll be at my room." Sabi niya, at tska umakyat na sa kwarto niya.

Nang matapos kaming kumain, pinaghugas ko ng pinggan yung kambal, which was not a good idea kasi nakakalimang platong nabasag na sila. Lalapitan ko na sana sila pero nauna si Xerine at binatukan yung dalawa. Siya na rin ang naghugas since baka raw maubos yung plato kapag pinagpatuloy pa nila.

Nakita ko namang tumalikod yung kambal sa kaniya at lihim na tumawa. Napailing nalang ako. Tong dalawang to talaga.

Binaling ko naman ang tingin ko kay leader at kay Xyla, na kasalukuyang naka upo lang sa sofa sa sala. Si Xyzha, may kung anong sinusulat sa papel habang si Xyla naman ay nanonood lang ng Asia's Next Top Model sa TV at nagbibigay ng side comments like pangit yung hairstyle nung model, di marunong rumampa, and etc na para bang naririnig siya nung nasa TV.

Dahil wala naman akong magawa dun sa baba, minabuti ko nang umakyat sa kwarto ko. Nilock ko ang pinto at nahiga sa kama ko.

Kinuha ko naman ang isang photo book sa loob ng drawer ko. Binuklat ko ito at tinignan ang mga litrato. Biglang nanikip ang dibdib ko nang makita ko ang mga ito.

"Mama.."

Kinabukasan...

Zed's POV

Naglalakad ako sa hallway ng academy habang nakapasak ang earphones ko sa mga tenga ko. Rock music blasted in my ears on full volume but I didn't really care. Sanay na ako. Most of the time, nakapasak sa tenga ko ang earphones ko, telling the world that I didn't want to engage in any useless conversations. And it worked perfectly. Habang naglalakad ako, walang nagtatangkang kumausap sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 14, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Xen Institute: School Of MonstersWhere stories live. Discover now