00.

2.1K 96 20
                                    

00.


"Calvin! Hoy, bilis na!"
sigaw ng kaibigan kong si Jea. Hinila niya ako papasok ng coliseum habang ako, patuloy parin na nagpupumiglas. Pero wala naman na akong nagawa, kasi mas malakas siya sakin. Mas malakas yung drive niya na manood, kaya wala talaga akong laban dito.


Pagpasok namin, ang daming napatingin since kami ang last na pumasok sa loob. Ang daming naglabasan ng camera at nagsimulang picture-an ako. Nakasuot na nga ko ng shades, nakikita pa nila ang mukha ko? I mean, natabunan na nga yung mata ko eh. Hindi ba, hindi naman na nila ako makikilala?


"Calvin? Anong ginagawa mo? Bilis na! Sayang naman, VIP tayo! Bilis!" Halos magkanda-sira sira na ang damit ko dahil sa kapipilit ni Jea na pumasok.


Naka-three-fourths ako na stripes at shorts na may flag ng America. Naka-Vans din ako at may sling bag pa. May scarf akong red, since medyo malamig na dahil first week na ng December. Tinanggal ko na yung shades ko, kasi madilim na sa loob. Mags-shades pa ako sa lagay na yun?


Naglalakad kami papunta sa VIP section at naghihiyawan na yung mga kapwa-manunuod namin dito sa loob ng coliseum. Halos tanggalin ko na ang tenga ko dahil sa lakas ng sigaw nila. Ang dami pa ngang nakakabangga sa akin; ni hindi man lang mag-sorry.


"Excuse me," sabi ko sa isang nakabangga. Kanina pa siya, napupuno na ako. "Pwede bang pigilan mo muna ang pag-galaw? Hindi ka na nahiya, wala pa nga sila."

"Hoy miss--" Napatingin siya sakin at napanganga. "Sandara Park? Ikaw ba yan?"

"No," nagtitimping sabi ko. Why the hell would I be?  "I'm Calvin Klein Sy."


Nakanganga parin siya habang inaabot ang mukha ko. Hinimas himas niya yun at pinalo ko naman yung kamay niya. The hell?


"Ang ganda mo!" sigaw niya.

Pinandilatan ko siya ng mata. "Don't ever touch me."


Nilayasan ko siya at sumunod na kay Jea. Umupo ako sa tabi niyaat kinuha ang phone ko at nag-Twitter.


Bigla nalang nag-boom yung speakers at sumigaw ang lahat ng tao sa loob ng coliseum. Iritang irita na ako kasi ang sakit sakit na sa tenga. May mga nahimatay pa. Hindi pa nga nagsisimula.


"Ayo waddup!" Napatingin ako sa stage at lumabas ang anim na lalaki. EXO-K daw yun, tapos yung EXO-M naman daw, wala. Wala naman akong ka-alam alam sa mga Kpop ewan ewan ngayon. Napilitan lang akong sumama dahil kay Jea, na patay na patay sa sexy na Jongin daw. Mas sexy naman ako dun eh.


Kpop Republic daw 'to. Hay ewan, busy ako mag-Twitter hanggang ngayon, at wala akong paki.


Nagsimula nang kumanta ang EXO-K ng Wolf. Napakinggan ko na yan, dahil sa bestfriend kong sobrang obssessed na sa mga yan.


Dahil nabore na ako sa Twitter, napagpasyahan kong manuod. Mga gwapo naman sila. Pero, wala parin akong interest sa kanila.

Tiningnan ko sila isa isa habang kumakanta at sumasayaw sila.


"Awoo!" Nakisabay yung mga tao sa pag-awoo ng EXO-K.


Napataas kilay ko at napatingin sa paligid. Ang weird talaga.


Pagbalik ko ng tingin sa stage, nakatingin sakin kanina pa ang isang lalaking may malaking tenga, magandang ngipin at may pangalang Chanyeol sa shirt.


"Matutunaw na ata ako! Tiningnan niya ako! Tiningnan niya akoooooo!"


Yelo ka ba para matunaw? At tiningnan ka nino? Ni Chanyeol? Apoy ba yan kaya ka natunaw? Hindi ba dapat nasunog ka? O baka feeler ka lang talaga. Ako kaya yung tiningnan.


Biglang lumapit sa may pwesto ko si Chanyeol at ngumiti sakin. Maraming tumili dahil lumapit siya at as usual, may mga nahimatay pa.


Nilahad niya yung kamay niya sakin at tinitigan ko lang siya. Anong nangyayari?


Tinulak ako ni Jea kaya naman napahawak ako kay Chanyeol at hinila na niya ako sa stage.


"Sandara Park, everybody!" Naghiyawan yung mga tao sa coliseum. May mga umiyak, and I'm sensing na fans yun ni Chanyeol.

"No, no, I'm not Sa--"

"When did you come back here in the Philippines?" pabulong niyang tanong.

"I'm not--"

"You know, I'm a huge fan!"

"I'm not Sandara!" sigaw ko. Nakuha pala sa mic, kaya narinig ng lahat. Napatahimik ang buong coliseum.

Nagulat si Chanyeol. "Then, who are you?"

Umalis ako sa stage bilang sagot. Dire-diretso akong lumabas ng coliseum at hindi ko pinansin kung susunod ba sakin si Jea o hindi.


Basta ako, uuwi na.

Fanboy ChanyeolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon