06.

761 33 4
                                    

06.



"Calvin? Calvin!" Nalapabangon ako sa sigaw ni dad. Aba, himala? Tinawag niya ako ngayon? Ano naman kaya ang kailangan nito sakin? Agang-aga eh. Buti nalang at good mood ako.

"Yes, dad?" sagot ko habang pababa ng hagdan.

Tiningnan niya ako ng blangko, as always. "May bisita ka."

"Oh? Who is it?"

"How should I know?"

"Fine. I'll go," sagot ko.


Bumaba na ako ng tuluyan sa hagdan habang kumukusot-kusot ng mata. Sabadong sabado eh, nambubulabog agad. Kakagising ko pa nga lang, di pa nakakaligo. Ano ba yan.


"Hi Calvin!"

Nanlaki yung mata ko. Oh my god, hindi 'to nangyayari!

"Anong ginagawa mo dito?"

Ngumiti si Chanyeol. "Masama bang bumisita sa bahay niyo? Pinapasok na nga ako ng dad mo eh," sabi pa niya.

"Eh ikaw, pinapasok ba kita dito?"

"Kahit hindi, nakapasok naman na ako. Nandito na nga ako sa sala mo oh." May gana pa talaga 'tong sumagot sakin. Punyeta much.

Inirapan ko nalang siya at nagsimulang maglakad ulit pataas ng hagdan. Kesa mabadtrip ako buong araw, dun nalang ako sa kwarto ko, mag-isa. Ayokong makita ang pagmumukha niyang weirdo na yan, lalo na't mukha talaga siyang tanga. Seryoso, mukhang yanga siya. Nuknukan ang pagmumukha niya ng pagkatanga. Pero shit lang, ang gwapo niya pero mukhang tanga talaga.

"Calvin, where do you think you're going?" Napatigil ako sa paglalakad at napalingon kay dad. Ano naman ang pakialam nito kung saan ako pupunta? Paano kung sabihin kong babalik ako sa Korea, may magagawa ba siya? Diba wala naman?

"In my room."

"And you're going to leave your visitor here? It's your responsibility, not mine. So if anything happens to him, you're up to the consequences."


Ganyan si dad, ang hilig mamblackmail. Yun bang parang papakonsensyahin ka na para lang magawa mo yung ayaw niyang gawin. Sa bagay, di naman siya sanay sa mga friendly na tao. Dun siya malapit sa mga matataas na tao, mga co-levels daw niya. He's not much of a socialite.


"Fine. Just, let me take a bath. And we'll go out."

Napangisi siya. "Have fun on your date, honey."

Napairap ako. Kahit di kami close, may konting fatherly and motherly side naman siya. Ayos na rin yun, kesa naman wala, di ba?

Naligo na ako at nagbihis into something casual. Hindi ko naman obligasyon na magpaganda kay Chanyeol no. Pero maganda ako, effortless na yan.


"Darling, your visitor is getting impatient!" sigaw ni dad.

"Kick his ass out!"

"What did I say about foul words?"

"'Foul words are forbidden in this house unless it is actually needed.' But dad, kailangan ko talaga!"

"Baba ka na dito!"

"Bababa na nga po!"


Nakita ko so Chanyeol na naglilibot-libot sa buong bahay, at tinitibnan niya ang bawat sulok nito. Every single detail niya tinitingnan, kulang nalang pati yung bigas bilangin niya ng isa-isa. To be honest, mukha siyang tanga in a good way.


"Oy tangkad."

Napalingon siya sakin at tinuro niya yung sarili niya. "Hmm? Ako ba?"

"Sino pa ba?"

Nagderp-face siya. "Yes?"

"Tara sa labas."

"Saan sa labas?"

"Sa labas ng loob."

"Ah, okay, saan sa labas ng loob?"

Napa-face palm ako. "Tara nalang sa skating rink. Marunong ka bang magskate?"

"Ako? Oo naman! Ako pa!" masiglang sagot niya.

"Ge. If you say so."


✄ ————————————————


"Wag ka ngang kumapit sakin."


Kanina pa kasi siya nakakapit sa braso ko ng sobrang higpit, na parang ayaw na niyang maglet-go.


"Chanyeol, please. Umayos-ayos ka."

"Pero—p-pero... ayaw kong mahulog. Malamig pa naman yung ice." Nagpout pa siya sa harapan ko.

"Akala ko ba marunong ka?"

Ngumiti siya ng mahiyain. "Akala ko rin eh, hehehe...?"

Inirapan ko siya. "Bahala ka."


Iniwan ko siyang mag-isa dun sa gilid. Aba, kung mags-skate siyang kasama ako, dapat matuto siya! Hindi mo ako maaasahang tutulungan ko siyang magskate. Ano siya, swerte?


"CALVIN!!!!" sigaw niya.


Lahat napatingin sa kanya, at buti nalang naka-disguise siya. Medyo aanga-anga nanaman yan pag dinagsa siya ng fans niya.

Binalikan ko siya.


"Ano ba, wag ka ngang sumigaw."

"Eh tulungan mo kasi ako," sabi niya sabay pout.

"Ayoko."

Kumapit siya sa braso ko at muntik na kaming mahulog. "Please help!"

"A-ano ba, mahuhulog tayo!"

"Hindi kasi ako marunong!"

"Bakit ka pa sumama?"

"Malamang, kasi crush kita! Matatanggihan ba kita?"

Nagpoker-face ako. "Kikiligin na ba ako?"

"Hmm," sabi niya habang ngumingiti. "Pwede rin."


Tinuruan ko siyang magskate, pero para siyang puno. Ang tigas tigas ng katawan niya tapos hindi niya talaga magalaw yung mga paa niya. Lagi siyang umaasa sa kapit niya sakin at kapag bibitaw na ako, saka naman siya yung parang mahuhulog na.

"Chanyeol, kaya mo yan. Magsolo ka na."


Nagtry siya, pero hindi talaga. Nalaglag siya patalikod tapos nasagi nung paa niya yung legs ko kaya natumba na rin ako.


"Pucha, nahulog tuloy ako sayo!"


—-

cliff-hanger bye hahehe

Fanboy ChanyeolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon