05.

1.1K 55 8
                                    

05.


 

Wala naming nangyaring orientation tungkol sa discrimination kahapon. Minove daw dahil sa activity na binigay ni sir. Tsaka, si Ms. Markess ang speaker naming dun. Wala daw siya, kaya yung activity yung nangyari.

Wala naman masyadong nangyari dun sa pinagawa kahapon. Magkwentuhan lang daw, yung makakapagpagaan sa nararamdaman na problema ngayon. Mostly si Avon lang yung nagkwento, habang si Chanyeol at Hanes naman nagtitigan lang. Hindi naman ako nakinig kay Avon kasi, wala talaga akong pakialam sa mga nawawala niyang stuff toy.

"Hey, Calvin!" Napatigil ako sa paglalakad. Hindi talaga ako swerte ngayon, ano? Aish!

"Hi, Chanyeol."

"Kain tayo sa labas? My treat." Ngumiti siya, yung tinatawag na Killer Smile. Pero hindi ako namatay. Asa naman, hindi yan gumagana sakin.

"Sure, saan ba?" Hindi naman ako makakatanggi sa grasya.

"Um, doon sa hindi matao. Alam mo naman..." Napatawa siya ng konti. Hindi lang naman kasi ako ang hinahabol ng mga paparazzi eh.

Pumunta kami sa pinakamalapit na makakainan sa labas ng school. Uwian naman na eh, at buti hindi ko na nakita si Hanes. Pumasok kami sa loob ng Kyuster's. Hindi kasi matao dun, at mukhang kami lang ang tao. Masarap naman ang pagkain sa kanila, pero ayun nga, mahal, kaya di masyado afford. In Malcolm's case, afford niya. Kaya dito siya.

"Good--" Naputol yung sasabihin nung babaeng babati dun sa may pinto nang makita niya kami. Kuminang pa yung mata niya, at halos malaglag na yung panga niya.

"Hindi ako si Sandara," singit ko rin.

"Siya si Calvin, at ako si Chanyeol. Pwede bang isikreto mo nalang 'to? First date namin eh. Please, just lead us to our table. And please shut your mouth about us."

Wala nang nagawa yung babae kundi sumunod nalang kay Chanyeol. Wala eh, siya si Chanyeol eh

"Hey, what do you want to eat?" Nginitian ako ng matamis ni Chanyeol.

"Um, anything on the menu will do."

Tinawag niya yung waitress. "Um, we'll have a double-patty burger and iced tea. That's all." Binigaw na niya yung menu at bumalik na yung waitress para i-punch yung order namin.

Fanboy ChanyeolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon