01.

1.5K 85 13
                                    

Paalala lang, FICTION po ito. Meaning, hindi lahat ng makikita mo dito ay totoo. Okay? Yun lang thank you.


01.


"Calvin!" Katok ng katok si Jea sa kwarto ko. "Calvin! Buksan mo 'tong pinto! Bilis!"

Bumangon ako sa kama ko at naglakad papunta sa may pinto. Matagal kong hinawakan yung door knob bago ko buksan. Tinulak nalang ako bigla ni Jea kaya tumama yung pwet ko dun sa computer desk ko at siya naman sumigaw sigaw habang tumatalon talon sa ibabaw ng kama ko. Suot suot pa niya yung rubber shoes niya, kaya pina-alis ko siya sa kama ko kaagad sa pamamagitan ng pagtulak. Kaya ayun, nadapa siya.

Tumayo siya nang parang hindi nasaktan.

"Nagkaroon ng Twitter si Chanyeol! May twitter na siya!" sigaw niya.


"Chanyeol? Sino yan?" tanong ko sabay kusot ng mga mata. Itinali ko yung buhok ko at nagtanggal ng muta.


"Si Lay ka ba?"


"Ha?" Lay? Ano yun? Diba yung pagkain yun? Paano ako naging pagkain?


"Nakalimutan mo na ba? Si Chanyeol!"


"Oh? Ano sa kanya?" Nagkunwari nalang akong kilala ko siya. Alam kong napakahaba ng explaination niya. At ayoko ng ganun, kakagising ko palang. Baka masapak ko siya pag nagkataon.


"May twitter na siya!"


"Alam ko."


"Paano mo nalaman?"


Napa-face palm ako. "You just said it like, a minute ago."


"Ah, talaga? Nagiging Lay na ako, OMG!" Ayan nanaman yang Lay na yan.


"Oh, ano nga kasi tungkol dun aa Chanyeol na yun?"


"May Twitt-- Himala, interested ka ata?"


"What do you mean?"


"I mean, interested ka kay Chanyeol?"


"What? No!"


"Defensive ka bestfriend ha!" Kiniliti pa niya ako.


"Hindi ako nakikiliti, Jea."


"Hmp. Anyway, ayun nga, may twitter ack na siya."


"Ack?"


"Account. Duh!" Inirapan pa niya ako. "So ayun nga, may twitter na siya, diba? Finollow ka niya! Ikaw ang una at kaisa-isa niyang finollow! Oh my gosh lang, Calvin!"


"What?" pasigaw kong tanong.


"Bingi ka na ba? Hearing aid please."


"Stop fooling around with me, Jea Ricks. I'm so not in the mood and if you keep doing your monkey business, I swear I'll kick you out! Literally!" Hingal na hingal ako sa sunod sunod kong pag-english. Nakakapagod din pala. "Hand me my phone, will you?"

Inabot niya yung phone ko na nakapatong sa side table ng bed ko. Inopen ko kaagad yung Twitter account ko at nanlaki yung mata ko.

From 256 followers, nagkaroon ako ng 36.7K followers.

Pagpunta ko sa interactions ko, ang daming nagt-tweet sakin na i-dm ko saw si Chanyeol na i-follow yung sila, yung iba shiniship na daw ang Vinyeol, yung iba nagsasabing umiiyak daw sila pero happy for me, at yung iba sinasabi na kamukha ko daw talaga si Sandara.


Sa mga followers ko, hinanap ko yung Chanyeol. At nahanap ko nga.

@prkchnyl ang username niya. At nung chineck ko yung profile niya, 8M ang followers (I thought kakagawa palang niya? Dami kaagad ha) niya at ang tweets niya puro sakin. Since marami na ang nagtweet sakin, hindi ko na nabasa yung sa kanya. Ang following niya ay iisa lang, at ako yun.

"Hoy!" Bigla kong napindot yung follow button ng profile niya.


"Ano ba, Jea!"

Sunod sunod na tumunog ang notification tone ko. Pagtingin ko sa interactions, ang daming nagsend sakin ng screencap ng pagfollow ko kay Chanyeol. Nasa Discover kasi.


"This is serious shit." Napasabunot ako sa buhok ko.


"Calvin! Alam mo namang ayaw ng mommy mo na magmura ka!" pagsermon sakin ni Jea.


"She's not here! And stop scolding me!"


"Right, kasi ikaw ang dakilang Calvin Klein Sy na kamukha ni Sandara."


"You know, Jea, because of my major frustration, your sarcasm didn't affect me that well. Please try harder." Inirapan ko pa siya.

Napahilata ako sa kama ko at tumingin sa kisame. Masyado akong naguguluhan sa mga pangyayari.

Dahil medyo Twitter Addict ako, nagtweet ako.


Frustrated as hell.

Tumunog ng maraming beses yung notification tone ko. I saw that coming.


Tiningnan ko yun at maraming nagretweet at favorite. May mga bagong followers nanaman, at may nagtweet sakin.

@prkchnyl: @cksy Hi Calvin!

Hindi ko siya nireplyan. Bahala siya sa buhay niya.

"Replyan mo kaya!" sigaw sakin ni Jea.


"Paano mo naman yun nalaman?"


"Duh, nagt-Twitter din ako!"


Inalis ko ang tingin ko sa kanya.


"Dali na, Calvin! Wag KJ!"


"Ayaw."


"Fine!"

Nakarinig ako ng tapping sounds sa phone niya at hindi ko nalang siya pinansin.


"Hashtag... Get... Calvin... To... Reply to... Chanyeol." Nakarinig ako ng isa pang click at Tweet Sent.


Nagsimula nanamang tumunog yung notification tone ko at ang daming tweets na may username ko at nung Chanyeol kasabay yung trend na ginawa ni Jea.


"Fine, fine! Magrereply na! Tsk."


Nagstart na akong magtype ng reply kay Chanyeol.

@prkchnyl Hi

Tweet sent.

"Ano ba yan! Hi lang? Wala man lang I love you or heart?"


"Tss." Inirapan ko ulit siya.


Sunod sunod uling tumunog yung tone at ang daming nagretweet. Pinatay ko na yung Wifi ko at nawala na yung tone. Buti naman! Rinding rindi na ako.


"Uy! Nagtrend siya! Calvin, oh my gosh, nagtrend siya!"


"Yay, great," monotone kong sabi.


"Number one pa!"


"Hurra!" sabi ko with matching hand gestures pa. Sinamaan niya ako ng tingin.


Is it my fault na kamukha ko si Sandara? Hindi naman, diba?

Fanboy ChanyeolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon