Bad Girl 6

775 22 0
                                    

Rieyel Faye

We stood in front of each other in silence. I wanna say a lot of things but it seems my mind went blank and my heart is pounding harder than it usually do. When i found my voice to speak...

"Khy?" -sabi ng isang girl.

Napatingin kami parehas ni Khy sa nagsalita. Lumapit na ito sa amin at saka nilingkis niya yung kamay niya sa braso ni Khy saka tumingin ito sa akin at ngumiti.

"Hi i'm Sie." -sabi niya tyak inabot yung kamay niya sa akin.

Pilit akong ngumiti at inalinis ang tingin ko sa kamay niyang nakalingkis sa braso ni Khy. I need to get away from here. Feeling ko kasi nasa lalamunan ko na yung puso ko eh. Inabot ko yung kamay nito.

"I'm Rieyel. Khy i need to go." -sabi ko tyaka mabilis na umalis doon.

Pagkatalikod ko nagmadali akong lumakad palabas ng store. I felt anger, sadness and another emotion i also felt when i saw her last night in the dance floor with that girl tapos ngayon she is with her. This wierd overwhelming emotions is building up in my eyes. Naramdaman ko naman na ang lungkot at galit noon ah. Actually nasanay na nga ako sa pakiramdam na nun to the point na nagnumb na ako pero bakit ganito ngayon? Bakit ganito sa kanya? Bakit bumabalik ang pagiging malabot ko pag nakikita ko siyang may kasamang iba?

"Rieyel..." -may humawak sa balikat ko.

Tumingin ako sa taong yun siya. Bakit niya ako sinundan? Akala ko ba kasama niya si Sie na yun.

"Are you okay?" -tanong niya in a very worried tone.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko then i felt something intense na galing sa pagkakahawak niya sa akin. Hindi ko alam pero mas lalong nag-intensify lahat ng nararamdaman ko. The next thing i knew is that she is hugging me and i am crying my heart out.

Jenjen Khy

"Hi i'm Rieyel. Khy alis na ako." -sabi ni Vause at saka nagmadaling umalis.

Why do i get the feeling of her getting jealous? I start following her when...

"Hey where are you going?" -sabi ni Sie tyaka niya hinila ung kamay ko.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam pero napabitaw siya kamay ko at may hint ng takot sa mata niya.

"I-i need to go." -she stuttered saka umalis.

Lumabas na ako ng store at nakita ko si Vause and she is crying? Why? Tinawag ko siya pero di siya tumigil or tumingin sa akin kaya mabilis akong naglakad para abotan siya. Hinawakan ko yung balikat niya kaya napatingin siya sa akin. Bakit ganito ang nararamdaman ko? I hate seeing her cry.

"Rieyel... Are you okay?" -i asked worriedly.

Nagpatuloy lang siyang umiyak. Yinakap ko siya at hinagod yung likod niya. Ang sakit naman makita siyang ganito. Pwede ko bang kunin nalang lahat ng sakit na nararamdaman niya kukunin ko eh. Napapalapit na ata ako sa kanya.

"I hate you Khy. I hate you..." -sabi niya habang patuloy siyang umiiyak.

Nabigla ako sa sinabi niya. This is the second time she said those words.

"What did i ever do?" -i asked pero di siya sumagot.

She continued crying for more minutes until she stopped. Bahagya niya akong tinulak para makawala siya sa yakap ko. Huminga muna siya ng malalim at saka pinunasan niya ang kanyang mukha.

"I'm sorry nabasa pa yang damit mo." -sabi niya.

"Umm. Okay lang. Ayos ka na?" -tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya habang nakatingin sa ground.

"Hatid na kita." -sabi ko.

"Wag na okay na ako." -sabi niya.

"Di ko naman tinanong kung ihahatid kita eh. Ang sabi ko ihahatid kita." -sabi ko tyaka ngumiti sa kanya.

Hinawakan ko na siya sa pulso saka hinatak sa sakayan ng jeep. Nagbayad na ako ng pamasahe namin.

"Here." -sabi niya tyaka inabot sa akin yung pamasahe niya.

"Binayaran ko na." -sabi ko.

"This is my payment." -sabi niya.

"No need. Its on me." -sabi ko.

"Ehyyy... Nakakahiya naman." -sabi niya na ikinatawa ko.

"Bakit ka tumatawa?" -kunot noong tanong niya.

"Ngayon ka pa nahiya sa akin eh halos ipahiya mo ako araw araw noon eh. Haha." -sabi ko.

"Heh. Sige na nga wag na." -pagtataray niya sa akin.

Lalo lang akong tumawa sa ginawa niya. Paano kasi namumula yung ears niya halatang nahihiya siya.

"Tama na Khy." -sabi niya tyaka ako tinignan ng masama.

"Ha? Ano tinawag mo sa akin?" -tanong ko sa kanya kunwaring di ko narinig.

"Wala. Para kuya." -sabi niya.

Huminto yung jeep at lumabas kami. Naglakad pa kami unti hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay nila. Tumigil muna kami saglit.

"Pasok ka muna?" -sabi niya.

"Ah hindi na kasi late na. Hehe." -sabi ko sabay kamot sa batok ko.

"Ah sige thanks ulit." -sabi niya at saka akmang papasok na siya pero hinila ko siya sa kamay at yinakap.

I kissed her forehead then smiled at her.

"Goodnight Rie." -sabi ko tyaka mabilis na umalis doon.

Di ko din alam bakit ginawa ko yun. I just felt doing it and my heart is beating so hard. Is it possible? Am i?

The Bad GirlWhere stories live. Discover now