Bad Girl 10

683 22 0
                                    

Rieyel Faye

Pauwi kami ni Khy ngayon as usual hinatid na naman niya ako. Naisipan nalang namin maglakad para sulit.

"Ano ngay tayo na?" -pilyang tanong niya.

Ihh. Kailan niya ba seseryosohin yung tanong? Tsk.

"No." -walang emosyong sabi ko.

"57 na yun ah." -nakangiti pa niyang sabi.

"Binibilang mo talaga?" -tanong ko sa kanya.

"Oo para alam ko kung ano iikwekwento ko sa future kung ilang beses mo ako binasted." -nakangiting loko na sabi niya.

"Anong future future ka dyan?" -tanong ko sa kanya.

"Oo future kids." -ngiting ngiti na sabi niya.

"Heh. Di ka pa tapos mag-aral kids agad?" -sabi ko.

"Bakit ayaw mo magkakids tayo?" -tanong niya.

"Wala akong sinabing ganun." -sabi ko.

"So gusto mong magkakids tayo?" -sabay ngising aso.

"Heh. Manahimik ka nga ang daldal mo." -pagtataray ko sa kanya at saka tumingin sa dinadaanan namin.

I felt my cheeks burning kasi eh.

"So ilan gusto mong anak?" -ngising tanong niya.

"Pwede grumaduate muna tayo? Di pa nga kita sinasagot eh." -pagtataray ko ulit sa kanya.

"Eh so tayo na nga? Para naman mapagplanuhan na natin kung ilang kids gagawin natin at kung paano natin gagawin." -pilyang sabi niya.

"Heh. Ikawwww. Kung ano ano nasa isip mo." -sabi ko tyaka ko piningot yung kaliwang tenga niya.

"Aray naman gorgeous." -angal niya saka hinawakan yung namumula niyang tenga.

"Eh kung patinuin mo kaya kasi yang isip mo." -singhal ko sa kanya.

"Ang sadista mo talaga pasalamat ka mahal kita." -pagtatampo niya sa akin.

Mahal niya na ako? Weh? Ang bilis na naman ng pintig nitong pasaway na pusong ito. Akala ko ba like lang? Kinikilig ako fff. Tahimik na ulit kaming naglalakad hanggang sa may humarang sa amin.

"So ikaw pala yung bagong kinalolokohan ni JK (Khy)." -sabi nung tibo na mukhang leader ng grupo.

"Dane..." -banggit ni Khy at masamang tinignan yung tibo.

"Long time no see kapatid." -sabi ni Dane at nagsmirk ito.

"Stop whatever your thinking Baka (Idiot)!" -galit na sabi ni Khy.

Ito na naman yung aura niyang yun parang yung time na pinagtanggol niya ako kay Lance. Nakakatakot pati yung ibang kasama nung Dane medyo napaatras sila pero itong si Dane tumawa lang siya.

"You can't scare me away kapatid." -tumatawang sabi nito at saka akmang lalapit sa akin kaso humarang si Khy sa gitna namin.

"Woah chill kapatid. Magpapakilala lang ako sa girlfriend mo." -ngising sabi ni Dane habang nakataas yung kamay niya na parang sumusuko.

"Wag na wag mo siyang lalapitan." -galit at nakamamatay na sabi ni Khy.

Hindi natinag si Dane at lalo lang siyang tumawa.

"We'll see about that kapatid." -sabi niya saka naglakad paalis kasama yung mga alipores niya.

Nung mawala na sila sa paningin namin tyaka lang nawala yung nakakatakot na aura ni Khy. Akala ko talaga papatayin na niya yung Dane eh pero wait kapatid? Huminga muna siya ng malalim at saka ngumiting tumingin sa akin.

"Tara na." -nakangiting sabi niya at na unang naglakad.

I can sense that this isn't an ordinary fight and i can sense that Khy is in deep trouble. Hinabol ko si Khy tyaka siya yinakap mula sa likod niya. Huminga siya ng malalim at nanatili kaming ganun ng ilang minuto. Nung naramdaman kong okay na siya tyaka ako bumitaw. Lumingon siya at ngumiti sa akin.

"Tara na gorgeous baka patayin pa ako ni tita. Late na oh." -nakangiti niya sabi tyaka ginulo yung buhok ko.

Nagpout ako sa ginawa niyang paggulo sa buhok ko. Tumawa siya.

"Hey stop that baka mahalikan kita." -nakangising sabi niya.

"Khy!!!" -sigaw ko dito kasi naman nakakahiya kaya.

"Po?" -lokong tanong pa niya.

"Umayos ka kung ayaw mong patayin kita." -banta ko sa kanya.

"Sus di mo naman magagawa yun." -komportableng sabi niya.

"At bakit naman?" -tanong ko sa kanya.

"Mapapatay mo ba ang mahal mo?" -nakangiting loko na sabi niya.

"Paano mo naman na sabi yan?" -tanong ko.

"Kasi po nararamdaman ko. Ikaw kasi in denial ka pa." -with confidence na sabi niya.

"Hindi ako in denial." -asar na sabi ko.

Ay patay...

"So mahal mo ako?" -tanong nito with a smile.

Ano ba yan!! Ayan tuloy on the spot!! Hayy ano pa nga ba? Nahuli na niya ako. Yumuko lang ako.

"Uyy... Mahal niya ako." -pang-aasar nito.

Saktong nasa tapat kami ng bahay at nakita kami ni mama.

"Oh bakit late kayo?" -tanong ni Mama.

"Sorry po tita. Nagkwentuhan po kami eh." -sabi ni Khy at kinamot yung batok niya.

"Ah... Sige halina kayo at kumain muna tayo." -sabi ni Mama.

"Ah tita kailangan ko na po umuwi hinahanap na po kasi ako nina mama eh. Sorry po sa susunod nalang po." -sabi ni Khy.

"Ay ganun ba? Sayang naman. Pangalawa mo ng tumangi sa alok ko ah." -medyo nagtatampong sabi ni Mama.

"Sorry po talaga tita. Sa susunod po talaga." -sabi ni Khy.

"Sure?" -paninugurado ni mama.

"Opo. Sige po. Goodnight tita ganda. Goodnight gorgeous." -pagpapaalam niya tyaka lumakad.

"Ang bait talaga ng batang yun. Kayo na ba?" -tanong ni Mama.

"Ma!" -nahihiyang sabi ko.

"Uy okay lang naman sa akin anak eh. Mabait naman siya eh tyaka maalaga at mahal ka niya. Update mo ako pag kayo na ah." -sabi ni Mama.

"Mama naman eh. Tara na kain nalang tayo." -sabi ko tyaka na unang pumasok baka kasi kung ano pa sabihin ni Mama eh.

The Bad GirlWhere stories live. Discover now