Bad Girl 15

610 17 0
                                    

Rieyel Faye

Three days na akong school, hospital at bahay ang routine. Di pa rin kasi bumabangon si Khy eh. Naiintindihan naman ni Mama yun eh. Minsan nga sinamahan niya akong dumalaw kaya nagkakilala na sila ng parents ni Khy. Hindi pala nakakatakot si Tito Vin actually malakas din pala sense of humur niya. Minsan pa nga sabi niya bakit di nalang daw kami ikasal ni Khy para naman daw maiturn over na niya yung farm nila kay Khy. Sinang-ayunan pa ng magaling kong nanay. Hayy... Pero okay na yung ganito atleast tanggap kami ng parents namin. Ngayon ako magbabantay kay Khy.

"Khy... gumising ka na please... miss na kita." -sabi ko habang hawak hawak yung kaliwang kamay niya.

I miss her. I want her. Hayy...

"Khy... please..." -sabi ko ulit.

I felt her hands twitch and a minute after i saw her eyes open. Oh my Doc. Tinawag ko yung nurse at sinabi sa kanya. After a minute dumating yung doctor at chineck siya. Tinawagan ko na din sina Tita at Aron. Nung makaalis na yung mga hospital personels lumapit ako sa kanya at umupo sa upuan sa tabi ng bed niya. Tumingin siya at sinusuri niya ako.

"Wait... what's your name again?" -kunot noong tanong niya.

No... I swallowed a lump on my throat. Hindi pwede. I was about to speak when the door opened. Pumasok sina Tita. Kasama niya sina Aron at Skylfer pero wala si tito parating palang daw. Agad na yumakap si Tita kay Khy.

"Mom ouch!" -angal ni Khy.

Napabitaw naman si Tita.

"I'm sorry anak. Namiss kita eh." -sabi ni tita.

"Oh musta na bro?" -tanong ni Aron.

"Di ko pa masyado magalaw yung katawan ko." -sabi niya.

"Ate!!!" -sabi ni Skyl.

"Oh kiddo." -masayang sabi ni Khy.

Tumingin ulit si Khy sa akin.

"Ah Mom... who is she?" -tanong niya kay tita.

Sakto namang pumasok ulit yung doctor.

"Musta na Khy?" -lumapit ito kay Khy.

"Di ko po masyadong magalaw katawan ko." -sabi niya.

"Ah okay. Maalala mo ba nangyari sayo?" -tanong nung doctor.

"Medyo po. Napaaway po ako at nabugbug." -sabi niya.

"Okay okay tapos?" -tanong pa nung doctor.

"Di ko na po alam." -sabi niya.

"Bago yung pagbubugbug sayo saan ka galing?" -tanong ulit ng doctor.

"Hindi ko po matandaan pero alam kung galing ako sa importanteng tao kaso di ko alam kung sino." -sabi niya.

"Saan ka naman dapat papunta?" -tanong ulit nung doctor.

"Sa... Arrgh." -angal ni Khy saka niya hinawakan yung ulo niya.

She cried in pain. Agad naman na may tinurok na pampatulog sa kanya. Nung nakatulog na si Khy. Kinausap kami ng doctor.

"Ahm... I think she is still suffering from post-truamatic amnesia. We need to have her CT scan first to be sure." -sabi ni doc.

"Amnesia doc?" -tanong ni Tita.

"Opo ma'am. Di naman po long term ito usually it just last for months. Medyo disoriented po siya sa mga nangyari pero para po makasigurado tayo ipapaCT scan natin siya." -sabi ni doc.

"Ah sige po doc. Salamat po." -sabi ni Tita.

Nagpaalam na yung doctor at nung nakalabas na ito ng room. Nagpaalam muna ako kina tita na lalabas saglit. Pagkalabas ko ng room hinabol ko yung doctor.

"Doc wait." -tawag ko dito.

Lumingon ito at saka ngumiti.

"Yes?" -tanong niya nung makalapit ako.

"Ahm... Bakit po di ako maalala ni Khy?" -tanong ko sa kanya.

"Kasama ka ba niya nung mangyari yun?" -tanong nito.

"Magkasama po kami bago mangyari yun." -sabi ko.

"Ah bago kayo maghiwalay okay naman kayo?" -tanong ulit nito.

"May kunting tampuhan lang po." -sabi ko.

"Maayos ba siyang umalis?" -tanong ulit niya.

"Ah eh hindi po. Di ko po siya kinausap eh." -nahihiyang sabi ko.

"Hmm." -sabi niya tyaka ng nod ng head.

Napaisip muna ito.

"Doc ano na po?" -tanong ko ulit.

"I think kasama pa rin sa post-truamatic amnesia niya yun. Di bale let's wait for the CT scan and her recovery. Sorry but i have to go magrorounds pa ako." -sabi nito.

"Ah sige po salamat po." -paalam ko sa kanya.

Bumalik na ako sa room para magpaalam na uuwi muna ako. Pumayag naman sina tita at pinahatid pa ako kay Aron para sure. Pagbagsak ko sa kama ko napaiyak ako. Ano ba yang luhang yan di na naubos. Tsk. Khy...

The Bad GirlWhere stories live. Discover now