Bad Girl 12

623 19 0
                                    

Jenjen Khy

Today is the day. Haha. 99th times na niya akong binasted. Weird ko noh? Binibilang ko haha. Tinawagan ko si Aron.

"Hello." -sabi ko.

"Oh? Anong meron?" -sabi nito.

"Wala man lang hi eh noh?" -sabi ko.

"So ano nga bro?" -sabi niya.

"Samahan mo ako." -sabi ko.

"Saan?"

"Mamamalengke." -sabi ko.

"Tsk! Mamamalengke ka lang magpapasama ka pa!" -sigaw nito kaya medyo linayo ko sa tenga ko yung phone.

"Shunga ikaw magbubuhat loko." -sabi ko.

"Sige na nga. Tsk. Sunduin kita dyan after 30 minutes." -sabi nito saka binaba yung phone.

After 30 minutes may bumusina kaya umakyat na ako sa kalsada. Sumakay ako sa front seat ng kotse.

"Oh saan tayo?" -tanong ni Aron.

"Sa palengke muna." -sabi ko.

Pagkarating namin doon pinark niya yung kotse at saka kami bumili ng para sa lulutuhin mamaya. Pagkatapos bumili pumunta kami sa flower shop at sa gift shop para bumili. Pagkatapos pumunta na kami sa bahay nina Rieyel. Pagkapark ni Aron lumabas ako para kunin yung mga pinamalengke namin.

"Khy anak. Teka tulungan na kita dyan." -sabi ni tita ng salubungin kami.

"Ah tita si Aron po pinsan ko. Aron si Tita Rhian mama ni Rie." -sabi ko.

"Nice meeting you iho. Tara pasok na tayo."  -sabi ni tita.

Pagkapasok namin nastart na kaming magluto. Alam ni tita lahat kasi sinabi ko na. Wala si Rie kasi may pasok kami at hindi niya alam na nandito ako sa bahay nila. Kanina pa nga txt ng txt eh. Tumawag din siya kaso di ko sinagot part ng surprise yun. After namin magprepare para sa dinner. Sinabi ni tita na maligo muna ako. Pinagamit niya yung kwarto ni Rie para makaprepare ako.

Ang plano kasi eh dudukutin ni Aron si Rie at saka dadalhin dito sa bahay nila. After ko magprepare sinabihan ko na si Aron na sunduin si Rie.

Rieyel Faye

Pagkalabas ko ng classroom may biglang humablot sa akin at hinila ako palabas ng school. Arrgh sino to?

"Hey bitawan mo nga ako." -sabi ko.

"Sorry Rie but its an order." -sabi niya at saka binuhat ako papunta sa parking.

Nagpapapalag ako kaso malakas siya at walang tao dito sa parking. Sinakay niya na ako sa kotse niya. At nagdrive paalis doon.

"Saan mo ba ako dadalhin? Sino nag-utos sayo? Anong balak niyo sa akin?" -sunod sunod kong tanong.

"Sa bahay niyo. My cousin. Wala." -yun sabi niya.

Wait sa bahay? Oo nga noh ito yung daan papunta sa bahay. Sinong cousin kaya sinasabi nito? After ilang minutes nakarating na kami sa tapat ng bahay. Anong meron bakit mukhang wala si mama? Pinagbuksan naman ako nitong kumag na kumidnap sa akin. Ay hindi na pala ako kid. Gentelman siya pero i still don't trust him. Pagpasok namin ng bahay. Nakita ko si Khy nakatayo at may hawak na flowers. Lumapit siya sa akin at iniabot yung flowers kinuha ko yun pero bigla akong nakadama ng inis sa kanya.

"Ikaw na bata ka! Arrgh kanina pa kita tinatawagan at tinetext pero di ka sumasagot! Tapos-tapos andito ka lang pala!" -sabi ko tyaka hinampas sa kanya yung flowers.

"Aray. Aray. Rie naman. Sorry na." -sabi niya tyaka hinarang yung hampas ko.

Tumigil ako at sobrang inis ko napaiyak ako. Bakit ba pag dating sa kanya ang babaw ng luha ko? Grabe naman kasi nag-alala lang naman ako eh. Naramdaman ko nalang na niyakap niya ako.

"Sorry na Rie. Shh..." -sabi niya saka hinagod yung likod ko.

Kumalas na ako sa yakap niya at pinunasan ko yung luha ko.

"Kasi naman nag-alala lang ako sayo eh." -sabi ko sa kanya.

"Sorry na po. Di bale worth it naman pag-aalala mo eh. Tara na sa dining room. Nagugutom na ako." -sabi niya tyaka niya ako hinila papunta sa hapag.

Andoon na si mama at yung si Aron daw napinsan ni Khy na sumundo sa akin. Pinagsilbihan ako ni Khy na parang Reyna. Siya naglagay ng makakain sa plato. Lahat ng nakahanda fave ko. God gutom na talaga ako. Thank you Lord. Habang kumakain kami inasar kami nina Mama at si Khy di ako tinigilan sa kasweetan niya. Nakakahiya nga kina mama eh pero si Khy confident overflow siya porket boto si mama sa kanya. Tss. After ng dinner sinabi ni mama na ihatid ko na daw sina Khy sa labas late na din kasi eh. Nauna na sa kotse si Aron kaya kami lang ni Khy yung andito sa labas.

"Rie..." -sabi niya kaya tumigil kami sa paglalakad.

Tumingin siya sa akin ng seryoso at saka huminga ng malalim. Hinawakan niya yung dalawang kamay ko.

"Rieyel Faye Vause be my girl." -sabi niya.

Tanong ba yun? Lumapit ako sa kanya at saka ko siya hinalikan sa labi. When i broke our kiss tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Finally. You're serious in saying it." -sabi ko.

Kumunot lang noo niya.

"So is that a yes?" -sabi niya.

Tumango ako at yinakap niya ako. When she move away from me napansin kong may nakasabit ng kwintas sa leeg ko. Its a red heart shape and inside it inscripted RK.

The Bad GirlWhere stories live. Discover now