Bad Girl 9

693 20 0
                                    

Jenjen Khy

Susunduin ko ulit si Rie ngayon. Nung nasa tapat na ako ng bahay nila kumatok na ako sa pinto nila. After 3 knocks binuksan na yung door saktong si Tita Rhian (mama ni Rieyel) ang nagbukas nito.

"Magandang umaga po Tita." -masigla kong bati.

"Magandang umaga iha. Tuloy ka nag-aayos palang si Faye (Rie)." -sabi nito.

"Ah sige po salamat po." -sabi ko.

Pumasok na ako at umupo sa may couch sa sala nila. Mayamaya pa eh bumaba na si Rie. Ang ganda niya! Ngayon ko lang naappreciate yun kasi naman ang bully ng babaeng to tsk.

"Huy tara na." -sabi niya tyaka hinawakan ako sa pulso.

"Ma, punta na po kami." -paalam niya sa mama niya.

Hinila niya na ako paalis doon at hanggang sa makapunta kami sa school hila hila niya pa rin ako paano malelate na kami. Hayy buhay. Pagkapasok namin ng classroom wala pang prof. Tumingin ako sa relo ko which is yung hawak na kamay ni Rie kaya na iangat ko yun. Tumingin si Rie sa akin at sa kamay namin tyaka yumuko at binitawan yung kamay ko. Ayts.

"S-sorry." -she stuttered at napanisin ko nagblublush siya.

"Ayie. Kayong dalawa ha." -sigaw ni Syn.

"Kayo na ba?" -tanong ni Kiarra.

Lalong namula si Rie at di makatingin sa kanila o sa akin.

"I think malapit na." -nakangising sabi ko.

"So Tol liniligawan mo nga siya?" -tanong ni Syn.

"Di pa ba halata?" -balik tanong ko sa kanya.

Siniko naman ako ni Rie at pagtingin ko sa kanya ang sama ng tingin niya.

"Ayun naman kaya pala halos hindi na siya pumaparty at nambubully eh." -sabi ni Kiarra.

"Tumahimik ka Kiarra kung ayaw mong pagdiskitahan kita." -pagbabanta ni Rie sa kanya.

Tumawa lang si Kiarra.

"Sige pag ginawa mo yun kukunin ko si Khy sayo." -sabi ni Kiarra at nakainosenteng ngiti ito.

"Wag na wag mong gagawin yan kundi!" -galit na sabi ni Rie at tinaliman ang mga tingin na ibinigay niya kay Kiarra.

"Haha confirmed nga." -tawatawang sabi ni Syn.

"Yung alin?" -takang tanong ni Rie sa kanya.

"Wala magdedeny ka rin lang naman eh." -sabi ni Syn.

"Guys wala daw si Prof." -sabi ni Class pres.

"Yes." -sigawan naman nila.

"Paano ba yan Rie wala daw si Prof?" -husky sexy voice nabulong ko sa kanya.

Nahalata ko naman na nagstiffen siya sa ginawa ko at namula.

"Huy Khy ano sinabi mo sa kanya nangangamatis na siya oh." -tukso ni Kiarra.

Ngumiti lang akong nakakaloko.

"Wala." -sabi ko.

"Kayo ah may pabulong bulong pa kayo sus." -kantyaw ni Syn.

"Una na kami baka makasira pa kami sa plano niyo. Sige bye." -pagpapaalam nila.

Tahimik lang si Rie at di tumitingin sa akin.

"Hoy ano na lumayas na sila lahat." -sabi ko.

Tumingin na siya sa akin at pinaghahampas ako ng books na hawak niya.

"Aray." -ungol ko.

"Ikaw *hampas* na *hampas* babae *hampas* ka!" -sabi niya.

"Aray Rie naman." -sabi ko habang sinasangga yung mga palo niya.

"Nakakahiya tuloy sa kanila. Arrgh Khy!!" -sabi niya tyaka hinampas ulit ako.

"Sorry na po. Di na po mauulit." -sabi ko at saka hinuli yung kamay niya para matigil na siya.

Ang sakit kaya. Ang lakas lakas pa ng babaeng to. Hayss pasalamat siya mahal ko siya. Wait mahal ba yung sinabi ko? Mahal ko na siya?

"Tara na kain na lang tayo." -sabi niya tyaka siya na unang lumabas ng classroom sumunod na lang ako.

Pumunta kami sa may convinient store at naghanap ng makakain tyaka kami upo sa pinakadulo na upuan ng store.

"Khy may ano..." -sabi niya habang sinesenyas yung sa labi niya.

"Ha?" -sagot ko.

"Here let me." -sabi niya tyaka siya kumuha ng tissue at pinunasan yung gilid ng labi ko.

"T-thanks." -nahihiyang sabi ko.

Ngumiti lang siya sa akin tyaka niya kinurot yung pisngi ko.

"So tayo na?" -tanong ko sa kanya.

"Ha?" -takang sabi niya.

"Tayo na?" -pabirong tanong ko.

"Ayaw. Ayusin mo magtanong." -nakangiting sabi niya.

"Maayos naman ako na nagtatanong." -nakangiti ding sabi ko.

"Heh. Hindi kaya. Lagi mo nga akong tinatanong eh kaso naman pabiro tss." -sabi niya.

"Eh lagi mo din naman akong binabasted. Pang 43 na yun na tanong ko eh." -kunwaring hurt na tanong ko.

"Kasi naman di ka maayos magtanong tss." -siningkitan niya ako.

"Eh anong gusto mo luluhod pa ako maglalabas ng singsing ganun? Movie lang? Wattpad?" -tanong ko sa kanya.

"Heh. Basta." -sabi niya.

After namin kumain pumunta na kami sa classroom namin.

The Bad GirlWhere stories live. Discover now