twelve

108K 2K 21
                                    

"Pwede ba akong magpunta ng school ngayon?" Tanong ko kay Dylan na nagkakape sa may dining at may nirereview'ng mga papel.

Simula kagabi, ay naging maamo ako sakanya. Ayoko ng maisumbat pang muli ang pera niya saakin. Masakit. Kagabi rin ay hindi na dapat ako lalabas pero tinawag niya akong kumain. Napansin kong puro deliver nalang ang mga kinakain namin.

"Pupunta akong office ngayon." Long term lang niya sa sagot na 'no'

"Okay." Maikling sagot ko. Tahimik naming kinain ang kanya kanya naming agahan. Kapag simple ang ulam ay niluluto niya. Yung mga hindi time consuming lutuin. Pero pag lunch at dinner ay puro orders.

"Anong oras ka uuwi?" I queried. Para maipagluto ko siya.

Simula kagabi, feeling ko ay obligado na ako sa lahat ng gawain na patungkol sakanya.

"Before dinner."

Nang makapagbihis na siya ay tapos ko ng linisin ang hapag at pinagkainan. Nakita kong tabingi ang kurbata niya kaya lumapit ako tsaka inayos yun. Feeling asawa lang. Lol.

Nagulat nalang ako ng hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ako sa mata.

"You don't have to do this, you know?"

"Let me." I smiled. Para naman mabayaran ko ang utang ko. I resumed fixing his neck tie. Nang matapos ay pinagpag ko ang bandang balikat niya. Nag tip toe ako at humalik sa kanyang panga. Ang paborito kong parte ng mukha niya.

Ngumiti akong uli sakanya at nagpaalam na maliligo na. "Don't worry. Maliligo lang ako pero di ako aalis. Mag iingat ka." I smiled again. Na parang okay lang lahat. N prang okay lang ako. Na parang di ako nasasaktan. Oo, kunwari okay lang.

Nang nasa kwarto na ako ay dumiretso akong banyo at hinayaan kong umagos ang malamig na tubig sa katawan ko. Hindi ko na in-on ang heater dahil namanhid naman na ata ako.

Kasabay ng pag agos ng tubig sa katawan ko ay pagbagsak ng mga luha ko. Ano ba tong pinasok ko? Hindi ako ito eh! Hindi si Ayesha Reyes to!

Paglabas ko ang nag-beep ang cellphone at binasang lalabas na ng ospital sila mama. Buti nalang. May dahilan pa rin ako para maging masaya!

Gusto kong puntahan sila mama sa bahay. Gusto kong datnan nila ako dun pag uwi nila.

Tinext ko si Dylan na magpupunta ako kila mama dahil nakalabas na siya. Hindi siya nagreply kundi tumawag siya.

"Hi. Pwede ba ako umalis?" Bati ko sakanya. Wishing na sana ay pumayag siya.

"Wait me there. Magbihis ka na. Sasamahan kita."

"Pero-- ah okay sige." Magrereklamo sana ako dahil siguradong di pa yun nakakarating ng office niya pero naalala ko, siya nga pala lagi ang dapat masusunod.

Maong shorts at loose top ang suot ko tsaka yung sneakers na suot ko kahapon. Nakita ko rin ang sunnies sa may closet ko kaya sinuot ko rin iyon. Nasa sala lang ako at hinihintay si Dylan. Ilang saglit lang ay nagtext na siyang nasa baba na.

Bumaba ako at pinasadahan ng tingin ang sarili sa elevator. Natatakpan na ng suot kong loose top ang shorts na suot ko pero ayos naman ang dating.

Nang humudyat ang elevator na nasa may lobby na ako ay agad akong lumabas. Nakita kong nakababa ang bintana at andun siya sa loob.

Ang gwapo niya talaga. Pwede mo siyang ihanay sa mga hollywood na artista. Ang polo niyang puti ay naka tupi na hanggang siko at naka wayfrayers siya.

Tumingin siya saakin at napakunot ang noo niya, pumasok na ako sa kotse niya at humalik sa pisngi niya.

"Hi. Bat hindi ka nalang tumuloy sa office mo?" Tanong ko sa ng kaswal. Parang hindi kinakabahan. Parang hindi apektado na pogi niyang awra.

Hindi siya sumagot bagkus busangot na sinimulan ang engine at dumeretso sa isang kilalang botique.

"Anong ginagawa ntin dito?"

"Magpapalit ka ng damit. Wala ka manlang pangbaba!" Galit niyang sabi.

"Anong wala? Meron!" Sabi ko tsaka itinaas ng bahagya ang suot na pantaas. "Please huwag na. Dun lang naman tayo kila mama eh." Pakiusap ko. Gagastos nanaman siya? Tapos ano? Isusumbat niya?

"Psh! Ayoko niyan, masyadong maiksi."

"Di naman tayo aalis ng bahay. Kaya wag na tsaka baka kasi maisumbat mo nanaman." Wala na. Huli na. Nasabi ko na.

Napayuko nalang ako at sinabing, "sorry." Nakita ko mula sa periphiral vision ko na nagstiffened ang katawan niya at tumigas ang panga. Walang sabisabi ay pinaandar niya ang sasakyan at dumiretso na sa bahay.

Nang marating namin ang bahay namin ay andun si papa sa sa labas na nagbubuhat ng gamit.

"Papa!" Lumapit ako sakanya ng patakbo nagmano at yumakap sakanya. "Nsan po si mama?" Tsaka ko kinuha ang buhat niyang gamit.

Kita ang pagtataka sa mga mata ni papa, dahil kasama ko si Dylan at isa pa, yung suot ko. Hindi ito ang usual na sinusuot ko nung dito pa ako nakatira.

Pero kahit nagtataka siya ay hindi na niya pinansin ang mga pagbabago.. "Nasa loob siya. Sa kwarto."

"Sige po. Deretso na ako dun." Pumasok ako at nakalimutang kasama ko si dylan. Binalikan ko siya ng maipakilala ko sana si Dylan just to found out na tinutulungan niya si papa na magdiskarga ng mga gamit.

"Dylan.."

"Hmm?"

"Halika, pakilala kita kay mama." Nginitian ko siya tsaka tumayo. Binuhat rin niya ang ilang gamit papasok tsaka siya sumunod saakin. Nagpaalam naman siya kay papa.

Nang marating namin ang kwarto ni Mama ay masuyo kong hinaplos ang pisngi niya. Payapa palang siyang natutulog. Si Dylan ay nasa may gilid pinagmamasdan lang ako.

unti-unting nag mulat si Mama at nasilayan niya agad ang mukha ko. "A-anak..." kahit okay na siya ay alam kong hirap pa rin siya sa pagkilos. "B-bakit ngayon k-ka lang? H-hinihintay k-kita ee." Hirap na sabi ng mama. Ang luha ko'y unti unting lumalandas sa pisngi ko.

"Mama..." niyakap ko siya. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Pag tumatawa lang ang mama ko ay naririnig ko ang paborito kong musika. "Kamusta ka po? Ayos ka na ba?"

"Oo anak. S-sino yang k-kasama mo? Napakakisig niya, anak." Namula naman ako sa sinabi ni mama. At dun ko lang naalalang meron pala si Dylan.

Tumayo ako at kumapit sa braso ni Dylan.

"Dylan, ang mama ko. Ma, si Dylan po. Uhm.. uh.." di ko alam kung paano ko siya ia-address. "B-boyfriend ko po." Sinulyapan ko si Dylan. He's trying to suppress his smile! Damn it!

"Good Morning, maam. I'm praying for your fast recovery."

"Thank you hijo. Naku, dalaga na ang aming Ayesha." Mahinang tumawa si mama sa panunukso.

"Mama.." i warned. Tumawa lamang siya at narinig ko rin ang munting tawa ni Dylan. Minsan lang to tumawa. Humawak siya sa bewang ko tsaka ko siya siniko.

"What?" Tanong niya na natatawa pa. Inirapan ko lang siya tsaka narinig ang yapak galing sa likod. Si papa.

"Boyfriend mo na pala siya?" Malamig na turan ni papa tsaka niya kami sinamaan ng tingin ni Dylan.

"Gusto ko kayong makausap." Puno ng autority na sabi niya.

Nilingon niya si mama at nilapitan. Hinalikan niya sa noo tsaka hinaplos ang buhok, "magpahinga ka na mahal." Tumango lang si mama. Tsaka siya hinalikan ni sa labi.

Napangiti nalang ako kahit sobrang kinakabahan na ako. Ano kayang pag uusapan namin.

Naramdaman ata ni Dylan ang pagka-kaba ko, hinuli niya ang kamay ko tsaka pinisil ang mga iyon. Tsaka ako binulungan. "I got your back"

Sold For A Million Dollar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon