Special Chapter 3

95.5K 1.7K 55
                                    

"Happy birthday to you~" they all sang for the birthday boy.

Ikalimang taong kaarawan ng aming mumunting anghel. And I can't help but smile seeing my two boys in front. Magkamukhang magkamukha sila.

"Mommy! Come here!" Tawag saakin ng anak ko mula sa crowd. Dito sa garden nila Mommy Mariabel isinagawa ang kaarawan niya dahil spacious. At tuwing may special events ay dito rin.

"Okay.." tsaka ako nagmartsa papunta dun sa harap. Five years old palang ang anak ko pero hanggang bewang ko na siya. Namana niya ang height ni Dylan.

Inalalayan ako sa pag-akyat ng mini stage ni Dylan tsaka niya ako hinapit sa bewang. Nasa gitna na namin siya ngayon ni Nathaniel.

"Daddy, you know it's my birthday? This should be an excemption!" Tsaka sinamaan niya ng tingin ang tatay niya.

Natawa nalang ako sakanila.

Lagi kasi nila akong pinag aagawan. They are both possessive to the point na ipagdamot na din nila ako sa isa't isa. Alam ko namang niloloko lang ni Dylan si Nathaniel pero ang cute cute lang kasi ng anak namin eh..

"She's my wife. I own her even it's your birthday." Sabay halik sa sentido ko. Natawa na talaga ako ng makita kung gaano kasama ang tingin ni Nathaniel sa daddy niya.

Humahalakhak akong nagpunta sa gitna ng dalawa.

"I love you both, okay?" Sabi ko tsaka ko sila hinalkan sa mga pisngi nila.

"But you love me more, right mommy?" Bulong saakin ng anak ko. Tumango nalang ako at isang malakas na,

"YES!!" Ang narinig namin mula sakanya. Kumunot naman ang noo ni Dylan sa inasta ni Nate.

"But that's our secret because your daddy will freak out!" Bulong ko din sa tenga niya tsaka siya masayang tumango tango.

"Picture po." Tawag atensyon saamin ng photographer which is Lloyd, yes he studied photography for the past 5 years. Second course. Akala ko nga mag aaral nalang siya habang buhay eh.

Biglang yumakap si Nathaniel sa bewang ko dahil alam niyang dun ako hahawakan ni Dylan. Nag-tongue's out siya. Sinuklian din yun ng tongue's out ni Dylan tsaka niya ako inakbayan. Tinawanan ko naman sila sa inasta nila.

Sa ganung posisyon ay narinig ko ang shutter ng camera ni Lloyd.

"Candid." Sabi niya tsaka niya sinuri ang pictire. "It's beautiful. Ipa-frame mo ha?" Sabi saakin ni Lloyd tsaka ko siya tinanguan.

Ang pagmasdan ang buong pamilya kong masaya ang siya lamang hiniling ko sa buong buhay ko.

Ang mama't papa ko na parang may sariling mundo kasama sila mommy at daddy sa isang table. Si Dyanara na hindi manlang maunat ang kunot sa noo dahil sa pang aasar sakanya ni Lloyd. Kanina pa kasi niya ito kinukuhanan ng litrato.

Si Jacob, kasama ang kanyang girlfriend na napakahinhin. Masaya ako para sakanya.

Yung sakit ni mama na hindi na nagpaparamdam. At masaya ako dun. Hindi na siya nahihirapan. Hindi na niya kailangang magwheel chair para lang makaalis.

Or not..

"Mama!!" Sigaw ko ng bigla nalang bumagsak si mama sa gitna ng kasiyahan.

"Shit." Mura ni Dylan na agad binuhat pababa si Nathaniel pababa ng stage.

Hindi na magkanda ugaga ang mga taong nasa event. Children are freaking out dahil hindi nila alam ang nangyayari sa paligid nila.

"Dyanara take in charge here. Antayin mong makaalis lahat ng bata bago ka sumunod saamin sa hospital." Wala ng nagawa si Yana kundi ang tumango tango. Bumaling naman si Dylan kay Lloyd. "Bustamante, never leave my sister here, are we clear?" Sunod sunod niyang sabi habang buhat na niya si Mama.

Sold For A Million Dollar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon