Chapter I: La Trinidad

103 3 0
                                    

A/N:

Hello readers, if you would like to share your thoughts regarding to this story. I don't mind. I will accept it with appreciation. To those who want to be dedicated in the story. Just comment in the comment box and type your account name.

I don't accept basher and those who did not undervalue my story..

thanks...enjoy reading

and don't forget to Vote and write your comment....

Copy right © 2018 All right reserved

****EDITED

" Love begins at home, and it not how much we do... but how much love we put in that action. "

-by Mother Theresa

Sirin POV****

" Ate, please wag mo kong iwan. Ayaw ko dito ate please isama mo ko." isang batang umiiyak at nagmamakaawa sa kaniyang kapatid .

" Hindi kita pwedeng isama, Sirin. Ako lang ang pinili ng mag asawa. Pero wag kang mag alalala babalikan ka ni Ate. Basta magtiis ka muna ngayon dito sa Bahay Ampunan. Babalikan kita Sirin, PANGAKO." Isang pangakong binitawan ng isang batang babaing umiiyak at pilit binibitawan ang kanyang kapatid.

" Huwag ate please ang sabi mo sa akin hindi mo ko iiwan. Nangako ka kila mommy at daddy na hindi tayo magkakahiwalay at hindi mo ko iiwan, Ate PLEASE..." Sigaw ng nagmamakaawang bata habang pilit siyang inilalayo sa kanyang kapatid ng mga madre .

" Paalam Sirin, pangako babalikan kita. maghintay ka lang kapatid ko, pangako." Isang patak ng luha ang tuluyan ng pumatak sa mga mata ng batang babae habang kumakaway sa kanyang kapatid.

at tuluyan na nga itong dinala ng mag asawa sa loob ng Sasakyan at tuluyan ng nilisan ang bahay ampunan.

" Ateeeeeeeee----." sigaw ng batang babae, habang sinusubukan magpumiglas sa kamay ni Sister Olivia.

" Sirin, halika na pumasok na tayo sa loob. Para ito sa ikabubuti niyo at para sa ate mo. Darating din ang araw na may mag aampon sayo at kukunin ka dito sa bahay ampunan." Sabi ng isang may edad na Madre habang sinusubukan niyang patahanin si Sirin.

" Pero ang kapatid ko, Sister Olivia. Ayokong iwan niya ko, gusto kong sumama sa kaniya. Hindi ba pwedeng kasama akong ampunin. Diba sabi niyo tutulungan niyo kami ng kapatid ko para hindi kami magkahiwalay." mahabang litanya ng isang batang babae.

" Pero mas makabubuti ito para sa inyo , Sirin. Maliit lamang ang natatanggap na pondo para sa bahay ampunan kung kaya't pinapayagan na naming ipaampon ang ibang bata para na rin sa kanila at sa ikagaganda ng buhay nila, Ayaw mo bang gumanda ang buhay ng kapatid mo." paliwag ni Sister Olivia sa batang tuloy parin ang iyak.

" Gusto, pero ayokong mapalayo sa kanya Sister Olivia." patuloy paring naghihinagpis ang batang babae.

" Sirin, Magkikita rin kayo ng kapatid mo. Maaari naman siyang dumalaw dito, para makasama ka. Magkikita rin kayo, magtiwala ka lang sa kapatid mo." pagpapakalma ni sister Oliva kay Sirin.

" Gagawin po ba yun ni Ate. Talaga bang babalikan niya ako, Sister Oliva." Nag susumamo niyang tinignan ang matandang madre at tinignan ito sa mukha kung totoo ba talagang babalikan siya ng kapatid niya.

Calympus UniversityWhere stories live. Discover now