Chapter II: New Classmate

68 3 0
                                    

A/n:

Ipagpapatuloy ko parin po ang kwentong to kahit mahina ang update ko. Basta guys keep reading lang sa story nato kahit ongoing pa siya.

thanks po, dont forget to comment and to vote!!!

******EDITED

" We are not the same persons this year as last; nor are those we love. It is a happy chance if we, changing, continue to love a changed person. "

-by W. Somerset Maugham

[Sirin POV]

Napabaling naman ang mga tingin nila sa bagong pasok na teacher namin. Kaya nawala ang atensyon nila sa akin kundi sa teacher namin, at makikita mo sa mga itsura nila na parang nagulat ng dumating ang teacher. Para namang mga langgam ito na nagsipagbalikan sa mga upuan at umupo na parang walang nangyaring milagro.

tsss, takot pala tong mga ito sa teacher namin, eh.

" You, Miss. You're not Familiar to us. Are you a transfer student. Why are you still standing. Go find your sit." maawtoridad na sabi ng English Insturctor namin. Kaya naman pla takot ang mga classmate ko. Istrikto pala ito at mukhang masungit. Grrr

" A-ah, yes Sir. Im a transfer student." nahihiyang paliwanag ko sa English Instructor namin. Saka ako tumalikod at naghanap ng mauupuan. Iniangat ko ang ulo ko para maghanap na ng mauupuan ko ng makita ko nanaman ang mga tingin sa akin ng mga kaklase ko. Ang weird nila.

Hindi ko nalang pinansin ang mga tinginan nila sa akin at umupo nalang sa may pinakadulo tutal wala naman nakaupo don.

" Okay class. Since Im your English Instructor. I will Introduce myself first before we start our discussion. Im Ricomano Montez or you may call me Sir Ric and im 45 years old and 7 years in teaching. Im very strict toward this Subject and i have rules and regulation in this Classroom. At ayokong tamad ang mga istudyante dito, maliwanag ba!." mahabang pakilala ng English Instructor namin or ni Sir Ric.

Nakita ko naman napa heavy sigh nalang ang mga Classmate ko at ang iba ay may ibinubulong pa.

" Anong pake namin sa rules and regulations mo, gurang." bulong ng babaeng nasa harapan ko at sabay tinaasan lang niya ito ng kilay.

" whatever, Old man." segunda naman nung isang lalaki, na nasa palagay ko ay mayabang, well base on his looks. He's definitely an ugly total jerk

Napailing nalang ako sa mga inaakto nila. What a spoiled brat!!

Patuloy parin sa pagsasalita si Sir Ric, hindi ko na nga alam kong anong mga pinagsasabi niya. Kesyo blah blah. pssh

Nagulat na nga lang ako ng biglang tumahimik ang buong Classroom, kaya tuloy napaangat ang mukha ko para tignan kung ano na ang mga nangyayari ng makita ko silang nakatingin sa direksyon ko.

" You! come here and introduce yourself in the class." pabulyaw na sigaw ni Sir Ric. Diko tuloy maiwasaan ituro ang sarili ko kung ako ba talaga ang kasusap ni Sir.

" Yes, sino pa nga ba eh, ikaw lang naman dito ang baguhan." naiinis na tugon sa akin ni Sir. " Hurry up, hija dahil magdidiscuss pa ako. Hindi ka exempted sa klase ko, porket baguhan ka pa lang dito."dagdag na dugtong pa ni sir sa sinabi niya.

Im really Doomed!!!

Napatayo tuloy ako ng di oras at pumunta sa Unahan kahit nahihiya pa ako dahil sa kahihiyan kanina. phew

" Good morning, everyone! Im Sirin Montenegro, 17 years old. That's all." matipid kong pagpapakilala sa kanila. Dahil hanggan ngayon nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina. Sana kainin na ako ng lupa!!

Calympus UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon