CHAPTER 20

66.7K 1.3K 21
                                    

Unedited.

Nagmamadali ang kilos namin sa loob ng kusina. Ilang daang plato ang kailangan naming lagyan ng pagkain, ilang putahe ang kailangan naming lutuin, at ilang daang tiyan ang pakakainin namin.

Ngayon kasi ang kasal ni Guadel. At oo, kami ang kinuha para sa catering. Sa isang hotel ni Dominic, na kapatid ni Guadel, ginaganap ang reception ng kasal. Katulong namin ang ilang chefs at kitchen staffs ng hotel. Bale ako ang head chef sa araw na ito.

"Hurry up, hurry up! Malapit na tayong magserve!" ang sigaw ko sa kanila habang naglalagay ng platong may pagkain sa rack.

Inilagay na namin lahat ng ise-serve na mga pagkain sa rack na syang ibibigay ng waiters sa labas sa mga bisita.

Nakahinga ako ng maluwag ng matapos kami. Kanina pa kasi kami walang tigil sa paggawa at ngayon lang medyo nakapag-relax.

"Let's take a short break muna. Kapag may request ulit for additional foods ay saka na tayo magtrabaho." ang sabi ko sa kanila.

Kaniya-kaniyang pahinga na nga kami. Alam ko naman kasing pagod na rin sila sa paikot-ikot kanina pa sa kusina. May extra servings pa namang nakaplate na pwedeng kunin kung sakaling magkulang ang isinerve sa labas.

Lumapit sa akin si Chef Martin na may dala ng isang basong tubig. Nakangiting ibinigay niya ito sa akin na tinanggap ko naman nang nagtataka.

"Salamat, Chef Martin." pasasalamat ko. "Ahm, bakit mo ako binibigyan nito?"

"Baka lang kasi nauuhaw ka dahil kanina ka pa busy, eh." parang nahihiya pang sabi nito.

Inulan tuloy kami ng tuksuhan dahil sa sinabi niya. Ngingiti-nguti lang si Chef Martin na nagkakamot sa likuran ng ulo niya na parang nahihiya. Ako naman ay nailang sa panunukso nila. Nainom ko tuloy bigla yung tubig na ibinigay ni Chef.

"Chef Martin, kami rin kaya pagod. Bakit wala kaming tubig?"

"Oo nga, Chef. Bakit si Chef Schulaika lang ang binigyan mo? Special treatment?"

"May favoritism ata to si Chef Martin."

"Kuh. Bakit, kayo ba ang gusto ni Chef Martin?"

Napatingin ako sa huling nagsalita. Nanunukso ang ngiti ni Bea sa akin. Sinimangutan ko tuloy siya. Kung ano-ano na naman kasi ang sinasabi.

"Tumigil nga kayo." saway ko. Ibinalik ko ang tingin kay Chef Martin. "Salamat sa tubig, Chef. Sana sila rin binigyan mo." pagbibiro ko pa.

He smiled at me as he reached for my face. Napaatras ako ng kaunti ng inipit niya ang ilang hibla ng buhok ko na kumawala sa hairnet sa likod ng aking tenga. Naso-sorpresang tiningnan ko siya.

"Walang anuman, Chef. Basta ikaw." nakangiti niyang sabi.

Inulan na naman tuloy kami ng tuksuhan. Dahil sa pagkailang na nararamdaman ko ay umalis muna ako sa umpukan at nagpaalam na sisilip muna sa nangyayari sa labas.

Dali-dali akong umalis. Ilang araw ko na ring napapansin ang pagbabago ni Chef Martin. Pagkatapos nung pagmumura niya sa kusina namin ay naging maganda na ang mood niya palagi. Para bang may isang magandang bagay na nangyari at tuwang-tuwa siya roon.

Sumilip nga ako sa pintuan ng kusina. Kitang-kita ko ang ganda ng lugar; halatang pinagkagastusan nga. White and pink ang theme ng kasal dahil na rin sa paborito ito ni Guadel. Pati mga damit ng bisita ay white at pink din.

Ipinalibot ko ang tingin sa venue. Ilang daan din talaga ang bisita at mostly ay mayayaman. Halata naman sa pananamit at alahas nila pati na rin sa aura.

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon