Unedited.
Xrizcianno's Point of View
Excited na excited ako habang papalabas sa sasakyan ko. I even have a silly grin stretched across my face as I hurriedly walked towards the restaurant's entrance.
Excited din ang puso kong masilayan ang babaeng nilalaman nito. I just feel ecstatic and happy and... and... and whatever. Basta, gusto ko na siyang makita.
"Wow, ha? Hindi naman halatang excited kang makita si Schulaika." sabi ni Nashien na nasa likuran ko. Nakalimutan ko na ngang kasama ko pala siya sa sobrang excitement na nararamdaman ko.
"Siyempre. Kahapon pa kaya ng huli kaming magkita." ang sagot ko.
"Nemen. Akala mo ilang taon."
Hindi ko na lang siya pinansin. Kulang lang yan sa love life kaya hindi niya gets kung bakit ganito na lang ang pakiramdam ko ngayon. Hmm... ibigay ko kaya si Martin sa kaniya? Well, that's hitting two birds with one stone. Mawawalan na ako ng karibal, magkaka-love life pa ang first love ko.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay sumalubong ang punumpunong loob nito. Well, it's understandanble dahil lunchtime na.
"Good morning, Sir Ian!" bati kaagad ni Carmela ng makita ako. "Good morning, Ma'am Nashien."
"Hello, Carmela." nakangiti kong bati pabalik. "Is Schulaika there?"
"Ay naku, Sir. Kaaalis lang nila ni Chef Martin." ang sagot nito.
Natigilan ako. Parang may dumagan na kung ano sa aking dibdib dahil sa bigat ng naramdaman ko, yung excitement ko kanina ay napalitan ng pagkabahala, yung ngiti kong abot hanggang outer space ay bumagsak, at yung puso kong mabilis ang tibok sa pag-asam na makita ang babaeng nilalaman nito ay biglang tumibok dahil sa kaba.
Shit! Magkasama sila?! Silang dalawa lang?
"S-sila lang na dalawa?" kinakabahang paninigurado ko.
Tumango naman ito. "Yes, Sir. May pupuntahan ata sila ngayon. Kaya nga pinagreport na ni Chef Schu ang pang-nightshift na chefs. Magpapalit daw muna sila ng sched."
Fuck! Hindi sila pwedeng makapagsolo! Paniguradong gagalaw na ang hinayupak na Martin na yon. And I can't just let him!"Saan daw ba sila pupunta?" I asked with urgency.
"Yan lang, Sir Ian. Hindi nila sinabi. Basta importante raw po." ang sagot naman nito.
Napapikit ako ng mariin kasabay ng pagkaramdam ko ng sobrang pagkabahala. I also felt a twinge of jealousy with the thought of them together. I just can't let them be together. Ako lang ang nararapat kay Schulaika. Ako lang!
"Kakain pa ba kayo, Ma'am, Sir?" Napukaw ng tanong ni Carmela ang atensyon ko.
I shook my head no. "No. But can you please call me if they arrived already?"
"Sureness overload, bossing!" malapad ang ngiting sabi ni Carmela. Ibinigay ko naman ang isang calling card ko sa kaniya bago nagpasalamat at umalis.
"Grabe, hindi man lang nagyayang kumain ng lunch? I'm starving, you know?" reklamo ni Nashien ng makasakay kami sa sasakyan ko.
"Pwede ka naming magpaiwan at kumain." naiinis kong sabi sa kaniya habang nagda-drive pabalik sa opisina ko.
"Ay. Grumpy si Koya? Hindi lang nakita ang babaeng nilalaman ng isip at puso niya, nainis na agad?"
"Fuck it, Shien! Magkasama sila ng Santiago-ng yun! They are alone together! Anong gusto mong maramdaman ko, maging masaya? Magpa-party? Pucha!" Hinampas ko pa ang manibela sa sobrang inis na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔
Romance2nd installment of The Billionaire Bachelors Series SCHULAIKA GONZALES, restaurateur and a chef. Sikat ang kanyang restaurant dahil sa masasarap na pagkain na siya mismo ang nagluluto. Enter XRIZCIANNO MONTERO in her kitchen, literally. Isa ito...