CHAPTER 47

64.4K 1.3K 86
                                    

 The end is near. And so I face the final curtain... Nasa Chapter 47 na pala tayo, guys!

Sabi ko sainyo, eh. NAIBUGAW KO NA SI MARTIN. Matagal na! Hahaha Hi kay Rochelle Meana na tuwang-tuwang sa kaniya ko ibinugaw si Martin.

Unedited.

Hindi ko pa rin maiwasang isipin ang mga pangyayari kahapon. I still feel guilty over it kahit na ba hindi ko naman kailangang maguilty. Martin is a good guy and he doesn't deserve it. Sana talaga makahanap na siya ng babaeng magmamahal din sa kaniya.

"Hello, Schulaika. Nakikinig ka ba?"

Napukaw ang pag-iisip ko nang magsalita si Cexchia. Shit! Nakalimutan ko! Magkakasama pala kami ngayon ni Cexchia at Dominic para sa isang racket na naman ng restaurant ko.

"I'm sorry. What was that again?" tanong ko.

Dominic's forehead creased as if he didn't like what he heard. "I really hate repeating myself."

"Ay sorry naman, no?" ngiting-aso kong sabi sa kaniya. "Pwede naman sigurong ulitin, di ba?"

"Hayaan mo na nga si Schulaika. May pinagdadaanan yan, eh." saway naman ni Cexchia sa katabi.

Dominic smiled at her and kissed her temple. "Okay, baby."

And Cexchia smiled like a love-struck puppy. Hay naku, itong si Dominic kaunting sabi lang ni Cexchia naniniwala na agad. Ibang-iba sa ugali niya dating ikinukwento sa akin ni Cexchia. Nagagawa nga naman ng pag-ibig.

"Tinatanong ni Grae kung papayag ka na raw bang magcater sa anniversary ng kumpanya niya two weeks from now." ulit ni Cexchia.

"But he has restaurants. Bakit hindi na lang doon? Libre pa dahil pag-aari naman niya. Kung sa akin, may bayad pa." ang sabi ko naman.

"I can pay you, Schulaika." sabi ni Dominic na nakaakbay na kay Cexchia ngayon. "So, you don't have to worry about it."

"Alam ko naman yun, Dominic. But what I am saying is, bakit ka pa magbabayad sa akin kung pwede ka namang makalibre sa restaurant mo?" ang tanong ko pa.

"Because I am doing someone a favor," makahulugang sabi nito na may misteryosong ngiti.

Napatulala ako sa kaniya. Shit! Ang gwapo ni Dominic kahit ganyan lang na ngiti! Makalaglag panty mga bes. Kaya siguro hulog na hulog si Cexchi dahil nakakahalina ang mga ngiting Dominic.

Bigla naman tinakpan ni Cexchia ang bibig ni Dominic kaya napakurap ako. Dominic's eyes were dancing with amusement as he looked at Cexchia who was giving me daggers. Ang sama-sama niyang makatingin sa akin na pwede na akong bumulagta with fifty stab wounds kung sakali.

"Ilang beses ko bang uulitin sayo na akin lang ang ngiti mo, Grae Dominic Rodriguez? Kulit mo rin, no? I told you, do not smile to other people but me." galit na sabi nito kay Grae na tumango lang sa kaniya at parang nasisiyahan pa sa inaakto ng fiancee. Sa akin naman bumaling ang atensyon ni Cexchia, masama pa rin ang pagkakatingin. "At ikaw, wag mong pagnanasaan tong baby ko, ha? Utang na loob, may Xrizcianno ka na. Makuntento ka sa ngiti niya tutal maganda naman ang kaniya, di ba? May dimples pa siya!"

"Baby..." may pagbabanta sa boses ni Grae na masamang nakatingin kay Cexchia.

Nginitian lang siya ng babae at hinalikan ng mabilis sa labi. "I love you, baby."

Nangiti na rin ang kasintahan nito at hinalikan ang kaibigan ko sa labi ng matagal. "I love you, too, baby. Only you."

PDA! Pagmultahin ko rin kaya ang mga nagpi-PDA rito sa restaurant ko? 500 titigan, 1000 nginitian, 1500 holding hands, 2000 akbay, 2500 yakapan, at 5000 halikan! Peste!

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Where stories live. Discover now