Chapter 7

24.6K 414 9
                                    

Kainis hindi ako makakaing mabuti!Kanina pa kasi tingin ng tingin yung unggoy na yun!Ano nga ba yung pangalan non!Hindi kasi ko mahilig magtanda ng pangalan lalo na't hindi ako interesado.Bwisit baka may plano na naman s'ya.Sa daming estudyante dito ako pa yung pinili nilang pagtripan!

"Chad!"Tawag sa kanya ni singkit.May hinagis syang parang notebook.

Ah Chad pala pangalan ni tisoy hehe.Ano kaya yung hinagis sa kanya.Nakita 'kong may lalaking lumapit sa kanila at nakikiusap na ibalik.Pero ayaw nilang ibigay kinuha ulit ni singkit yung notebook.

"Please Cris balik mo na sakin yan oh."Sabi ng lalaking medyo may kalusugan ang katawan hehe.

Ah s'ya si Cris.Tandaan ko nga ang mga pangalan ng mga lokong 'to.

"Dear diary."Sinimulan nyang basahin yung nasa notebook.Diary pala yun.

"Please Cris ibalik mo na sa'kin yan."Pilit inaagaw ng lalake yung diary n'ya pero tinataas ni Cris yung kamay n'ya.Mga sira ulo talaga.

"Huwag kang magulo at nagbabasa ko!"Sabi nya at tinulak nya yung lalake."Dear diary ,Alam mo ba kapag nakikita ko si Amanda ang bilis talaga ng tibok ng puso ko."Nagtawanan yung mga nasa canteen yung may ari ng diary naka yuko lang."Dude you're so gay hahaha."Sabi nya sa lalake at nagpatuloy sa pagbabasa."Madikit ka lang sa'kin pakiramdam ko nagtama na yung mga labi natin."What the f**k hahahaha ang cheesy mo dude haha."Habang enjoy na enjoy sya at nagtatawanan yung mga nasa canteen yung lalake naman hiyang hiya.

"Cris please."Sabi lang nya.

"Wait hindi pa'ko tapos.Nakatawa parin sya."Eto eto ang malupit"Sabi pa nya.."Nakatago parin sa'kin yung ninakaw kong underwear mo nung minsang nagpalit ka ng damit nung may p.e swimming tayo."Nagtawanan ulit sila.Tumayo pa sya sa mesa na pa parang artista na kailangang pakinggan at panoorin."Guys eto pa..At hanggang ngayon hindi ko parin yun nilalaban."Nagtawanan na naman sila.Aaminin ko natatawa rin ako pero pinigilan ko kasi naman nakakaawa yung lalake.Biglang may tumayong babae at lumapit sa lalakeng may ari ng diary.

PAK! PAK!

Mag jowang sampal ang ibinigay nya sa lalake.!Shit s'ya si Amanda?Oh my gosh!Saka tumalikod yung babae.

"Amanda I'm sorry."Kitang kita ko yung kalungkutan sa mukha nya.Kawawa naman.

"Sa susunod huwag ka kasing nagsusulat ng kalokohan."Binalik ni Cris yung diary saka umiling.Wow parang mabait ah eh sya nga yung naglantad ng katotohan!

Pagkatapos kong kumain nag punta muna ko sa cr para mag retouch haha.Maganda pa naman yung lipstick 'kong nabili kahapon.

Pag balik ko ng room may naupo sa upuan ko!Si Chad!

"Excuse me."

"Sa iba ka nalang maupo."Sabi nya sakin.Bah ginagalit talaga ko ng unggoy na'to ah!

"Hindi ba may sitting arrangement tayo!Kaya dun ka sa upuan mo!"Mataray kong sabi.

"Bro lumipat kana kasi baka mangawit yan kawawa naman."Yung Cris.

Tiningnan n'ya lang ako sa'ka s'ya tumayo.
Buti naman at marunong din s'yang sumunod.

Hinawakan ko agad yung upuan at feel na feel kong umupo.Huh kala nya ha!Pagmamalaking sabi ko.Biniling biling ko pa yung buhok ko na parang nagmamaganda haha.

SHIIIIT! #&@!#!

Napahiyaw ako ng sobrang lakas ng biglang may bumuhos sa buhok ko hanggang likod!Ang lagkit!Napatayo ako sa upuan ko habang kinakapa ko yung nabasa sa'kin.Yung mga classmate ko nmana nagtawan lang!Bwisit wala ba silang alam gawin kung di ganito!

Umusok ang tenga ko sa galit at yung mga mata ko parang nagbabaga sa init biglang nag apoy!Humarap ako sa mga grupo ng mga mababait kong kklase!Makakatikim kayo sakin!Magbabayad kayo!

Mabilis akong nakarating sa harapan nila.Sobrang galit at gigil ang naramdaman ko!Inipon ko lahat yung natitirang lakas ko sa kamao ko.

(SLOW MOTION)

"EHHH TTTOOOO AANNNNG BBBBAAGGGGAAAAAAYYYYYYY SSSSSSAAAAAAAAYYYYYYYYO!!"

PAK!!!

Pero hindi ko sya sinampal sinuntok ko sya sa mukha ng sobrang lakas.Matapos kong gawin yun sa Chad na yun pakiramdam ko hinanghina ako.Tumitig ako sa kanya at hanggang ngayon nakatulala parin sa sa ginawa ko sa kanya.Nakahawak sa gawing mata nya.Bagay lang sayo yan isip isip ko.Saka ko siya tinalikuran.Hindi ko alam kung bakit sya yung dinagukan ko sya kasi yung naupo sa upuan ko at isa pa sya yung leader nila!Lumabas ako pagtapos non.Hays.. Wala pa naman akong baong damit!Paano ko magpapalit niyan amg lagkit pa naman!Coke yata yung laman ng plastic na pinasabog nila sakin.Mga walang modo talaga!

Ngayon lang ako nanuntok ng lalake masakit sa kamay pero ang sarap pala ng pakiramdam hahaha.

The Badboy's First Love  (COMPLETED) TBBC#2Where stories live. Discover now