Chapter 28

18.5K 278 30
                                    


Unti unti kong idinilat ang mata ko ng may naramdaman akong bigat na nakapatong sa katawan ko.Nakita kong nakahubad si Cris habang inaangkin niya yung katawan ko.Sinubukan kong lumaban pero sinakal nya ko ng mahigpit at muli nya kong sinuntok sa tyan.Wala akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak ng umiyak ng sandaling yun.Lahat ng pangarap ko biglang nawala.Sa isang iglap nasira nalang ang buhay ko.

"Tingnan ko lang kung matanggap ka pa ni Chad at sabihin mo sa kanya patas na kami."Saka sya tumawa at pinulot isa isa yung damit nya at umalis.

"Pinilit kong maglakad papalayo sa lugar na yun kahit hindi kaya ng katawan kong maglakad sa natamo kong sugat at sa ginawa nya sakin.Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko ng gabing yun hanggang mapadpad ako sa simbahan kung saan mo ko nakita."Pinilit kong pigilan ng umiyak.Dahil alam kong puro poot na yung nararamdaman ni Chad habang nakikinig sya sa kwento ko.

Sinuntok nya yung pader."Mga hayop sila!"

"Diring diri ako sa sarili ko nun Chad gusto kong magpakamatay na nung mga oras na yun.Pero naging matapang ako.Inisip ko yung pamilya ko at ikaw."Tuluyan ng tumulo ang luha ko ng sabihin ko sa kanya Yung bagay na ayaw ko ng maalala pa. Yung mga bagay na matagal ko ng kinalimutan.

"Sana sinabi mo sakin!Sana pinilit kong makatayo nun!"Hindi ko alam ang nararamdaman ko habang nakikita syang umiiyak sakin.Hindi ko alam na hahanapin parin nya ko pagkalipas ng dalawang taon.

"Sinubukan kitang tawagan nun pero bigla kong naisip na.."Saglit akong huminto sa pagsasalita."Na baka hindi mo na ko matanggap."

"Ganyan ba yung tingin mo sakin ha!Sa tingin mo ba ganon lang kababaw yung pagmamahal ko sayo!"Sinigawan nya ko at alam kong galit na galit sya.Pakiramdam ko tuloy kahapon lang nangyare ang lahat.

"Kaya sana hayaan mo nalang na itago sa damit kong to yung mga sakit ng nakaraan ko.Mas mabuti pang kalimutan mo na ko.” Alam kong mas mabuti yung ganon.Yun ang tanging naisip kong paraan.

“Kalimutan!Putsa pano kita kakalimutan ha!Paano ko kakalimutan yung babaeng minahal ko higit sa buhay ko!Yung babaeng unang nagpatibok ng puso ko!”

"Chad nakikiusap ako hayaan mo nalang ako."

“Andrea..Alam kong nahihirapan ka Andrea pero  hindi ako papayag na mawala ka pa sakin.

"Hindi ka ba nandidiri sakin ha!"Tinitigan nya ko ng matagal.

“Wala akong pakealam kung ano man ang nangyare sayo noon!"

"Hayaan mo na ko please tahimik na yung buhay ko."Umiiyak parin ako ng hawakan nya yung kamay ko.

Inakap ko nya ko ng mahigpit.”Mahal kita noon!At mahal kita hanggang ngayon.”Nadala ko sa nararamdaman ko.Bigla ko din syang naakap.Ang tagal kong hinintay yung sandaling 'to.

"Magbabayad sila."Maikli sabi nya habang nakaakap pa rin sya sakin.

"Ayokong mapahamak ka pa.Kung ano man yung iniisip mo please huwag mo ng ituloy."

Pero pakiramdam ko hindi nya ko pakikinggan.

"Tara."Hinawakan nya yung kamay ko.Hanggang makarating kami sa motor nya."Ibabalik muna kita sa simbahan."

Hindi ko na naisip kung ano man yung suot ko habang sakay ako ng motor nya.Inakap ko sya sa beywang.Unti unti tuloy nagbalik yung nakaraan.Napangiti ako naalala ko kapag sakay nya ko ng motor ny nung tinuruan nya kong magdrive ang sabi nga nya sakin madali daw akong turuang mag motor dahil isang araw lang natuto na ko kaagad.Chad kung alam mo lang kung ilang beses kong ninanais na makita ka at makasama.Ilang beses kung gustong puntahan ka.Pero pakiramdam ko wala na kong mukhang ihaharap sayo.Mahal na mahal kita Chad at sana matanggap mo na magkaiba na yung mundo nating dalawa.Na hindi na tayo pwede pang magsama.

Nang makarating kami sa simbahan.Sinabi ko sa kanya na huwag ng bumaba.Tutal naman na sa gilid lang ng simbahan yung kumbento.Ipapaliwanag ko nalang kila sister Antonnette  yung nangyare kanina.Alam naman nila yung buong istorya sa buhay ko.

"Huwag kang aalis dyan.Huwag mo na kong uling iiwan."Yun lang ang salitang sinabi nya sakin at tuluyan na syang umalis.Pero pakiramdam ko punong puno ng pagmamahal yung mga salitang yun.Punong puno ng pag asa.Pero kahit ganon yung sayang naramdaman ko alam kong hindi na pwede pa.Hindi na kami pwede pa.Sana huwag mong gawin yung bagay na makakapagpahamak sayo Chad.Taimtim akong nagdasal.

The Badboy's First Love  (COMPLETED) TBBC#2Where stories live. Discover now