Chapter 25

18K 293 2
                                    

Pagkagising ko isang pamilyar na lugar ang naaninag ng mata ko kahit medyo nasisilaw ako sa sikat ng araw.

Babangon sana ko pero nakaramdam ako ng sakit.

"Ahhhhh."Ibinalik ko yung ulo ko sa unan.

"Bro Gising ka na pala."Napalingon ako sa lalakeng kanina pa pala nakaupo sa gilid ng bintana.

"Perrie ikaw ba yung nagdala sakin dito?"

"Tumawag sakin yung may ari ng tambayan natagpuan ka raw sa labas na walang malay."Hitit buga sya ng sigarilyo.

"Nakita mo ba si Andrea?"Umiling lang sya."Si Cris?"Hindi may biglaan daw syang lakad nun kaya hindi sya nakapunta.

Pinilit kong makatayo.

"Bro magpahinga ka muna."Napaka seryoso ng mukha nya ngayon pagtataka ko.

"Kailangan kong puntahan si Andrea ."

"Magkikita rin kayo non."

-

Pero bakit ngayon parang pinanghihinaan na ko ng loob magkikita pa nga kaya kami.Hindi sya mawawala nalang ng walang dahilan.Hindi na rin sya pumapasok sa school.Kaya nagdesisyon akong pumunta sa bahay nila.Alam kong hindi ako kakilala ng mga magulang nya pero kailangang makita ko sya.Kailangang masigurado ko na ok sya.

Halos anim na oras ang naging byahe gamit ang motor ko.Madali kong natagpuan ang lugar nila minsan kasi nung magkasama kami pinakita na nya sakin yun sa google map at sya mismo yung nag save para daw kapag nagpunta kami ng naka motor.

Iginala ko yung mata ko sa paligid.Isang malaking gate ang nakita ko na may malalaking punong nakapalibot.Tama si Andrea hindi tanaw ang bahay nila kapag nasa labas yung tao.

Ilang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko pindutin yung doorbell.

"Sana nandito ka."Bulong ko sa sarili ko.

Ilang beses din akong pumindot ng doorbell bago may magbukas ng gate.Isang lalaki ang sumungaw sa may maliit na butas ng gate.

"Bakit?Sino yung hinahanap mo?

"Ah boss nandyan ba si Andrea Acosta?

"Wala po si Ma'am dito."

"Eh yung Mama nya o kaya yung Papa nya?"

"Eh sir sino ba talaga yung hinahanap nyo?"Lumakas yung boses ng guard.

"Paki sabi ako yung boyfriend ni Andrea."

Hindi na nagsalita yung guard.Narinig kong may kausap sya sa radyo.

Ilang segundo yung lumipas ng may nag bukas ng gate.

"Pasok daw po kayo."Sabi ng guard sakin.Malaki ang katawan nya na maitim.

"Salamat."

Inilibot ko yung tingin ko sa dinaraanan ko.Pakiramdam ko namamasyal ako sa isang park sa lawak ng tanawin.May sumalubong na isa pang guard sa sakin ng malapit na ko sa pinto.

Tahimik akong nakaupo sa sala habang iniintay ang pag baba ng Mama ni Andrea.

"Sana nandito ka sana nandito ka.."Paulit ulit kong sambit.Pero nabigo ako ng may katandaang babae yung bumaba ng hagdan.

Tumayo ako ng makalapit sya sakin.

"Magandang araw po."Bati ko sa kanya.May hawig sya kay Andrea lalo na sa hugis ng mukha.Ngumiti lang sya sakin at hindi sumagot."Ah Ma'am gusto ko lang po malaman kung nandito si Andrea?"Diretso kong tanong sa kanya.

Hindi sya agad sumagot sakin."Wala ang anak ko dito."

Pero hindi ako nakumbisi sa sagot nya.

"Ma'am please gusto ko lang pong malaman kung ok sya.Kung bakit bigla syang nawala nalang."

"Hijo hindi ko alam kung nasaan sya."

"Hindi nyo ho ba sya hinanap man lang?"Tinitigan ko sya at ramdam ko na alam nya kung nasaan ang anak nya.

"Hijo please umalis kana.Kung gusto ka nyang makita sigurado ako na tatawagan ka nya."Saka tumalikod yung Mama ni Andrea.

Wala akong nagawa kung hindi umalis.Pero sigurado ko na may alam sila at aalamin ko yun.Paulit ulit akong babalik dito para makita sya.

"Bro tama na yang kakainom mo hindi yan makakatulong sa paghahanap mo."Si Perrie na kinuha yung baso na sinasalinan ko ng alak.

"Kailangan ko 'to."Inagaw ko sa kanya yung baso.Kailangan ko to para makatulog ako.Para kahit papaano mawala sya sa isip ko.

"Ilang bwan ka ng ganyan eh pinapahirapan mo lang yung sarili mo."Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis sa sinabi nya.

"Ano yung gusto mong gawin ko ha!Mag enjoy!Ano ba alam mo sa nararamdaman ko ha!Tang ina!"Hinagis ko yung baso sa pader.Kaya nagtingin yung ilang taong nag iinuman.

"Easy ka lang bro ano ba lasing ka yeh."Tumayo sya para paupuin ako.

"Bitawan mo ko."Pilit kong inalis yung pagkakahawak nya sakin."O kayo ano yung tinitingin tingin nyo ha!"Tinuro ko isa isa yung mga taong nakatingin sakin.

"Wala ka talagang dala ah!"Napatingin ako sa may pumasok na mga lalake sa pintuan."Hindi ba sabi ko sayo teritoryo ko na to!"
p
"Tssk!"Sabi ko nalang habang nasinok ako.

"Aalis na kami"Si Perrie na inakay ako palabas.

"Hindi tayo aalis!Aantayin ko pa si Andrea dito!/s*# 😵.Namumungay na yung mata ko pero kaya ko pang makipaglaban.

"Iniwan ka na ng syota mo!"Sigaw ng isang lalake.Saka sila nagtawanan.

Sumugod ako sa kanila para makipagsuntukan.

Blaaggg!!

Wala na kong natandaan mula nun biglang nagdilim yung paligid ko.





PLEASE LIKE AND FOLLOW

The Badboy's First Love  (COMPLETED) TBBC#2Where stories live. Discover now