Chapter 11

22.5K 390 7
                                    

Hindi pumasok yung isang professor namin kaya nagpunta muna ko sa may gym para manood ng basket practice.Hindi ako mahilig manood ng basketball pero naboboring ako sa room isa pa wala naman akong makausap na matino sa mga kaklase ko.

"Uy Andrea."Napalingon ako sa babaeng tumawag sakin.Nakasuot sya ng p.e uniform

"Shane.Masayang bati ko sa kanya.

"Bakit ka nandito sa gym wala ka bang klase ngayon?"

"Hindi pumasok si sir eh."

"Hay nako ang tyaga mo dyan sa building niyong puro tarantando."

"Oo nga eh."

"Next sem sakin ka sumabay mag enroll ha."

"Sige ba."Oo nga mabuti pa nga ng makaalis ako sa building na yun.

Ilang sandali nagpaalam na rin sya at mag sstart na daw yung p.e nila.Kaya mag isa na naman akong nakaupo.Sabagay ok lang kesa naman na nasa room ako puro impakto makikita ko napalingon ako sa gawing kaliwa at nakita ko yung paparating.O M G speaking of the devil.Ano yung ginagawa nya dito?Saan ba sya pupunta?Bakit papalapit sya sakin?At wala yung mga kaibigan nyang katulad nya. Shit bigla ko tuloy naalala yung kahapon.Inalis ko yung tingin ko sa kanya kunwari hindi ko sya nakita.

SHIT AYAN NA SYA PALAPIT NA!!!

Kinuha ko yung phone ko para kubwari busy ang beauty ko.

"Andrea."Shit ano ba yung kailangan nya!Baka naman mag aaya syang mag date!Baka nga type nya ko!Paano gagawin ko ngayon?Huhuhu baka pag hindi ako pumayag baka abangan ako nito huhuhu.

Lumingon ako sa kanya ng dahan dahan.

"Bakit?"Nag fake smile ako sa kanya.

"Tungkol sa kahapon."Nahinto sya.Naku patay na magtatapat yata!Wala pakong naging manliligaw na badboy kaya hindi ko alam kung paano ko tatanggi.

"Ano yun?"Nakangiti pa rin ako pero sa totoo lang ang dami kong kaba sa buong katawan ko.

"Pasensya kana kay Cris ha."

"Ok lang nasasanay naman na ko sa inyo eh."Ayan smile lang Andrea wag kang magpahalata.

"Saka sa ...Sa sinabi ko kahapon."

"Ha?Ano ba yung sinabi mo kahapon?"Patay malisya kong tanong.

"Ahhh .."Nagnagkamot sya ng ulo .Teka namumula ba sya?Totoo ba yung nakikita ko hahaha.

"Ano nga yun?"Kanina natatakot ako pero ngayon parang natutuwa akong marinig na sabihin nya sakin yun hahahaha.

"Yung ano..yung gusto kita."Namula na naman sya."Sinabi ko lang yun para tigilan ka ni Cris."Ganito ba syang makipag usap talaga parang ang layo sa katotohan.

"Ah so hindi pala totoo?"Pinakita ko sa kanya na mawalam ako ng gana.

"Ha?"Nanlaki yung mata ng mokong at namula na naman.Hahaha ewan ko ba pero biglang nawala yung takot ko sa kanya.Parang ordinaryong lalake na mahiyain lang haha.Infairness gwapo nga pala sya lalo na kapag ganiyo yung itsura niya parang inosente hahaha.

"Ang sabi ko hindi mo pala talaga ko gusto."Pag uulit ko sa kanya.

"Ehhh."Naka ilang pag lunok sya.Badboy ba talaga 'tong kausap ko o nagpapanggap lang?Teka nga masubukan.May pagka pilya ko minsan kasi lalo na sa mga torpe hahaha.Pero never pa akong mag ka boyfriend ha.

"So Hindi mo ko type yun ang gusto mong sabihin?"Seryoso kong sabi pero charot lang haha.

"Hindi naman sa ganun a--.Hindi ko na sya pinatapos mag salita.

"Ok lang salamat nalang sa kahapon."Saka ako tumayo at tumalikod.Jusko ano ba yung ginagawa kong kalandian mamaya mapapahamak ako sa ginagawa kong to.

"Pwede ka ba bukas."Pahabol nya sakin.Lihim akong napangiti.

"Inaaya mo kong mag date?"Napangiti ako sa kanya.

"Lalabas lang tayo."Bakit ba ganyan yung pagmumukha nya ngayon.Gusto kong matawa talaga.Grabe isa syang badboy na torpe hahahaha.

Inikot ko yung mata ko kunwari nag isip ako."Hindi yun date?"Lumapit ako sa kanya.Hindi ko alam kung bakit ba ganito ko ngayon.Ang lakas ng trip ko hahaha.

"H..hindi ko alam."Jusmeng lalakeng 'to.Patay ka sakin ngayon pa badboy effect ka ah torpe ka naman pala haha.

"So it's a date."Nginitian ko sya.Kinuha ko yung ballpen ko at pumilas ako ng kapirasong papel."Eto oh."Inabot ko sa kanya.Napatingin sya sakin."Number ko yan para matext mo ko bukas."Saka ako ngumiti sa kanya."Sige una na ko"Sabi ko sa kanya.Pagkatapos nun umalis na'ko sa gym.

Shit tama ba yung ginawa kong yun!Baka umasa yun bukas!Huhu...Kasi naman nakakatawa yung reaksyon nya.Saan ka naman kasi makakakita ng ganong lalake tapos mahiyain pala?Kahit ng pagdating ko sa room nakita kong nahihiya parin sya kaya niloloko sya ng mga tropa nya.Baka naman pinagttripan ako ng mga yun ah!Pero hindi ibang Chad yung nakausap ko kanina.Parang sya yung totoo.

The Badboy's First Love  (COMPLETED) TBBC#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon