Chapter 1

3K 60 2
                                    

Chapter 1: Yabang

Two more minutes...

Last two minutes at bababa na ako. Pangako!

Muli akong lumingon sa mga taong nasa harap ko. All of them have their eyes on me. Gusto kong mahiya. Gusto kong magtago ngunit hahayaan kong lamunin ako nito. Just for this time. I will endure it.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo. My knees are shaking. Maging ang kamay kong nakahawak ng diploma ay nanginginig din. I don't care if it will shame the hell out of me. Wala akong pakeelam kung pag-usapan man nila ako. I will wait. I will wait for them here in the stage. Alam kong darating sila. They promised me. Darating sila. Nandito dapat sila.

Natapos na ang dalawang minuto ay wala pa rin akong makitang anino nila. Tila nadaganan ako ng milyu-milyong bato sa bigat na namumuo sa dibdib ko and that made my eyes became watery. It felt like the hardships I did was a waste of time. Walang kwenta ang pagod ko dahil wala naman sila rito. This should at least be important to them. It's my graduation day!

Tipid akong ngumiti sa kuya nang maglakad ito palapit sa kinaroroonan ko pagkatapos ko siyang senyasan at kinuha ang medalya para isabit sa akin.

"Congratulations!" bulong niya sa tainga ko bago nag-iwan ng halik sa aking ulo.

My body felt cold. I want to be happy but I cannot.

The cameras keep on flashing and light's too irritating now. Sa bigat ng nararamdaman ko ay hindi ko magawang ngumiti. Kumapit lang ang kuya sa bewang ko habang pinakikinggan namin ang pag-announce ng ilan pang nakakuha ng academic distinction mula sa ibang college department.

Hindi ko na magawa pang subaybayan ang nangyayari sa paligid ko. Ang alam ko na lang ay gusto ko nang umuwi at humilata sa kama ko. I want to just sleep and leave the pain for now. Hindi pa ako nasanay. They keep doing this. I should be ready for this pero hindi ko nagawa. It still pains me so much. Minsan na nga lang ang ganitong okasyon hindi pa nila maibigay sa akin.

Halos matrap kami sa buong gym pagkatapos ng program. Lots of reporters were heading our way. Panay ang tanong nila sa kuya at sa akin kaya nahirapang umusad ang mga taong palabas na. Kuya enveloped me using his arms. Niyakap ako nito para maiwasang mahatak ng ilang mga nais magtanong.

Hanggang sa inabot kami ng ilang minuto roon bago tuluyang makapasok ng sasakyan.

"You okay?" pag-aalalang tanong ni kuya nang maisara niya ang sasakyan. His guards entered the Nissan sentra kaharap ng sinasakyan namin at nauna nang umalis. Sumabay naman na kami.

"Yeah! I'm fine." I answered briefly, getting my mind be in its proper thinking.  Tinanggal ko na iyong toga at maging ang graduation gown. Sa kapal nun ay pawis na pawis ang likuran ko. Tinulungan ako ni kuya magpunas ng likod ko.

"Mom and dad will soon arrive. Hahabol daw sila." Aniya sa gitna nang pagpupunas ng batok ko.

"They won't." Napatigil ito at hinarap ako. I smiled to him to fully tell that I understand if they can't come. Okay na. Ayos lang sa akin.

I smiled as I heard my own words. Really? Who am I kidding?

"They're on a business deal, Emla." Seryoso niyang sabi. Tumango lang ako sa kanya at tipid na ngumiti.

"I know and I understand, kuya." Wala sa sarili kong sabi. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko kahit nalaman ko naman ang tamang dahilan kung bakit wala sila.

Nilingon ko ang labas ng bintana just for him not to see my eyes where my emotion will surely be evident.

Naiintindihan ko na wala nang mas mahalaga para sa kanila kung hindi ang negosyo nila. I understand why they don't attend my birthdays kasi nasa business meeting sila. I understand why they have to leave for Christmas and New Year kasi may business priorities sila.

Emla (SSB#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon