Chapter 2

1.3K 38 5
                                    

Chapter 2- Guilt

Naramdaman ko na lang ang init sa kamay ko. Muli akong napapikit nang masilaw mula sa liwanag ng tirik na tirik na araw. Kasabay nun ang paghawak ko ng ulo kong pakiramdam ko ay mabibiyak sa sobrang bigat.

"Geez!" daing ko ng mas lalo iyong sumakit dahil sa ginawa kong pagtayo. I searched for my slippers and headed my way out of my room habang ang isang mata ay nakapikit pa. I got my share. Bakit pa kasi nakipagsabayan kagabi e! 'Yan tuloy.

"Good morning!" bati ko sa kuya na nasa hapag na at kumakain. He kissed me. Hindi naman siya nagreklamo sa amoy ko kaya ayos lang. Ang alak ang nanatiling naging pabango ko simula't pagkagising. Padabog akong sumalampak sa upuan.

"Is your head hurting?" malambing na tanong nito at hinilot ang sentido ko.

"Kind of pero kaya naman. Ya! Malamig na tubig naman!" utos ko sa kasambahay namin at umupo ng maayos katabi ng kuya. Hindi tulad ko ay nagawa niya pang magpalit gayung nakainom din naman siya kagabi.

"I told you to drink just the cocktail, you're stubborn!" giit niya nang makaupo na rin sa tabi ko.

Napairap ako nang maalala ko kung paano ako makipag-agawan ng baso ng jack smash sa bartender na 'yon. I wasn't allowed to drink one of the shots I requested kaya iyong jack smash na lang para sa mga kaibigan ni kuya ang kinuha ko. The cocktail's not good kaya sumubok ako ng iba. Pinagsisisihan ko tuloy kung bakit ako uminom ng jack smash. I felt like my head's gonna explode any minute by now.

"I'll be out later." Paalam niya at pinagpatuloy ang pagkain. Napasimsim ako ng malamig na tubig bago siya nilingon.

"Basketball. Pruss invited me, wanna come?" dagdag niya at nagngiting aso.

I smiled devilishly and answered him. "Of course!" I said joyfully, sa segundong iyon hindi ko naramdamang sumakit ang ulo ko. When it comes to Pruss, go na go ako. I really need to see him. Wala siya kagabi. Nakakapagtampo tuloy.

Napailing ito at ngumiti. Pagkatapos naming kumain ay nagprepare na kami. I decided to wear my leggings paired with my white sleeveless shirt. Nagrubber na lang din ako para kahit papaano ay hindi ako ma-out of place pagkasama na sila.

Pagkababa ko ay nadatnan kong naghihintay na ang kuya sa sofa. He's wearing his maroon jersey. Sa gilid ng paa niya ay ang kanyang bag.

"Let's go?" utas ko at naglakad na papalapit sa pinto. Narinig ko ang paghagikgik nito ng akbayan niya ako.

"Thank me I'm off to work! You can see him." Bulong niya at muling ngumisi.

"It's your duty as my brother!" I mocked and entered the car. Responsibilidad niyang pasayahin ako kasi kuya ko siya. Sana nga matagal pa siyang magkagirlfriend e. Ayoko pang mahati ang atensyon niya.

Humawak siya sa likuran ko para alalayan akong makapasok ng sasakyan. He's busy with his phone kaya hindi ko na siya kinausap.

He started the engine and I felt more silence. After few minutes, I saw myself staring at the street. The way's too familiar to me.

"Sa may plantation ba tayo, kuya?" utas ko hindi maikubli ang saya sa akin.

"Hmm, yeah. Why?" kuryosong tanong niya sa akin at bahagya akong sinulyapan. Ngumiti lang ako sa kanya. I grabbed my phone and texted Setra right away.

'Hey, my brother's going to be there soon. Basketball.' Mabilis kong sinend iyon sa best friend ko at muling nginisian ang kuya nang magsalubong ang kanyang kilay dahil sa hindi ko pagsagot. Ilang minuto pa ay narating din namin ang buong plantation. But before it ay narinig ko na ang phone kong tumunog.

Emla (SSB#2)Where stories live. Discover now