Chapter 4

757 30 0
                                    

EMLA: Chapter 4- Stare

"You can't go outside without my permission. You can't have your phone without my permission. You can't have anything without my permission, understand?"

"What the hell! You can't do that kuya!" singhal ko sa kabilang linya. Napasulyap ako sa maid na nasa gilid ko. Hinihintay na matapos ang usapan namin ng kuya para kunin ang phone ko.

Fuck! This is my phone. Binili ko 'to at pati 'to ay kasama dahil lang sa ipinataw niya sa akin? It's unfair. Dapat ay iyong mga bagay lang na binigay niya ang pwede kong hingan ng permiso but what I bought with my own money ay dapat hindi kabilang! He's really unfair! At hindi ko matanggap na dahil lang sa kaibigan niya ay kaya niyang gawin ito! How can he even make me suffer just because of that bull? Kapatid niya ako! For pete's sake! Kaibigan niya lang iyon!

"I can, Emla, and I'm doing it right now!" I can hear him sighing on the other line. Marahil ay pagod na sa karirinig ng gusto kong sabihin.

Mas lalo akong pumadyak sa sama ng loob sa kanya. Wala akong pake kung masira ko man ang sahig. I want him to give me back my things.

I won't decline the call not unless bawiin niya ang ipinataw niya sa akin. I want him to give me back my freedom because dammit! I can't stay here all day with my pajamas and same people! Hindi niya ba alam kung gaano kahirap manatili sa tahimik na lugar na 'to? This is frustrating!

"I have to end the call now, Emla." Pagod na pagod na sabi niya.

"No!" sigaw ko at tumalim ang titig ko sa maid dahil sa inis. Bigla naman siyang napaatras at nanlalaki ang mata. Get the hell herself out of here at baka mabalinan ko pa siya ng inis.

"You have to listen to me kuya! It's not my fault--"

"It's you. I saw you!" putol niya.

"If he only entertained me first I'm sure as hell I won't do a scene but he didn't. Ni hindi niya ako pinansin. And this ground thing is unfair, kuya! I'm suffering from a thing I didn't do wrong! It's not my fault. It's his fault!" pagdidiin ko sa kanya. Ilang beses ko na atang nasabi 'to sa kanya but he doesn't listen at nakakapikon na. Mas kakampihan niya pa iyong pesteng lalakeng 'yon kesa sa akin? Ako! Ako na kapatid niya?! Seriously? Ganun na ba ako kawalang kwenta at kahit sa simpleng bagay na 'to ay hindi pa rin sila ang kakampi ko? Ano ko? Design lang dito sa bahay?

Narinig ko lalo ang mabigat na buntong hininga niya.

I don't care how he hates this conversation. Kung alam niya lang! Mas higit pa sa nararamdaman niyang inis ang meron ako ngayon!

"I can't watch. I can't call, Set. I can't even eat what I want. Bullshit!" napupuyos sa galit na giit ko habang nagbibilang sa kamay ko ng mga bawal gawin.

"Watch your mouth, Emla." Hamon niya. Sa bigat nun ay tila natahimik ako.

"Kuya sira na nga iyong ulo ko at sa ginagawa mo mas sisirain mo pa dahil lang sa pagkakamaling hindi naman ako ang may kasalanan!" huling sigaw ko bago ako na ang pumatay ng call. Iniabot ko ang phone sa maid at tumalon sa kama ko. I flooded my face with my pillows so I can just stop my tears from flowing but I can't. I failed.

Paano na ako nito? Kumusta naman ang buhay na tatahakin ko ng isang linggo? Ngayon ang schedule ko for spa but I can't go because I can't break what he wants. Ayokong mas lalong madagdagan ng isang panibagong linggo ang buhay impyerno ko!

Umikot ako para palitan ang posisyon ko ng sumakit na ang kaliwang bahagi ng katawan ko.

I sigh. This is totally shit!

Tumayo ako roon sa kama at bumaba na para madatnan lang ang mga maids kong kahit sa may pinto ay may nakabantay.

Lumapit ako sa bintana para masilayan ang tirik na tirik na araw.

Emla (SSB#2)Where stories live. Discover now