Epilogue

57.9K 993 128
                                    

"Love! Malilate na sila Raine at Enzo sa school." My wife shouted from the first floor of our house. Lumabas ako ng kwarto namin at nakita kong karga na niya si Enzo habang nakahawak sa kamay ng panganay namin, ung stroller naman nung kambal nasa tabi na niya.

Matagal siyang nakatitig sa kawalan, hindi nga niya napansin na nasa harap na niya ako. "Anything wrong?" I asked after giving her nose a pinch.

She shook her head before biting her lip. "Wala. I just love your daddy aura. Mas pumopogi ka sa paningin ko." She murmured.

Napatingin ako sa baby bag na karga ko. I smirked in satisfaction. "Glad to hear ako lang ang pogi sa paningin mo."

Antoinette's a fantastic mother to our kids. Hindi nabawasan ang pagmamahal niya sa mga anak namin after all these years. Ganoon din siya sa amin. The spark we have never dulled. It grew and grew with every moment we spend with each other.

Naihatid na namin ang mga bata sa school. Antoinette was busy barking her orders at me habang itinutulak ang stroller ng kambal papasok ng opisina namin. "Love, clear your schedule on the 25th okay? May school play si Enzo at kailangan andoon tayo. Tapos-"

Napatigil siya ng nakita niya ang opisina namin na puno ng bulaklak. I bit my lip, dreading for her reaction. Saka niya ako unti-unting nilingon.

"Heath?"

"Happy Anniversary." Sambit ko.

She looked bewildered. "Anniversary? Anniversary ba natin ngayon?" Tanong niya sa sarili niya. She looked at the calendar before she turned to face me. "Hindi natin anniversary ngayon."

Natawa ako sa reaksyon niya, "It's our anniversary. Anniversary of the first day we met, ung kamuntikan mo akong sagasaan ng Altis mo."

She bit her lower lip  before a smile spread on her gorgeous face. "Pinakaba mo ako! Akala ko nakalimutan ko ang anniversary natin." She said with a slight pout.

I locked her inside my embrace. "Ikaw pa? You're super OC when it comes to those type of things. Tapos ikaw ang makakalimot."

We are about to kiss ng narinig naming may umiiyak sa isa sa kambal. "Is my baby Hariette Lorené hungry?" Antoinette asked bago niya binuhat si René sa stroller.

Umupo siya bago niya inilislis ang blouse niya para mapa-breast feed ang tatlong buwan naming anak. Hindi pa tapos si René sinundan na ito ng iyak ni Rence.

I carried Adriel Lorence and swayed him to calm him down. "You are beautiful Mrs. Perfect." I said as I watched her breastfeed one of our twins. It looks like the most natural thing ever.

"Hindi mo na ako kailangang bolahin Heath. Nakalima na tayo." Natatawang sagot niya. Hindi ko na kailangang sumagot. She knew how much I love her. How much I love her and the kids.

I looked at my wife, satisfaction dawning on me. This is the room where she imprisoned me with her bright, enchanting eyes. The room that stretched the beginnings to one simple ever after. My happily ever after with my Antoinette Louvelle, my Mrs. Perfect.

--

Nalulungkot rin ako dahil kailangan ko ng i-let go si Heath at Antoinette. Huhu. Pero kailangan na natin silang pagpahingahin. Hahaha.

Salamat sa mga sumubaybay at nagabang ng updates. Kayo talaga ang rason kung bakit may Heath at Antoinette. Sa mga nagtatanong kung saan makakahanap ng lalakeng katulad ni Heath, hindi ko pa alam mga bessy! Pero kapag nagkataon na nalaman ko, sasabihan ko kayo. Hahaha.

P.S. Sana suportahan niyo rin ang story ni Paulo at Tara. Hihihi.

All the love.

- B I A N C A

Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon