Chapter 20: Flashbacks

546 28 1
                                    

"Anak, hindi mo kasalanan," sabi ni papa sa akin at nakangiti siya. Ang paligid ay napakaputi.

"P-pa, I'm sorry– sa mga inasal ko," sabi ko at ako'y umiiyak.

"Anak, ako nga pala dapat ang magsorry sa iyo. H-hindi mo kasalanan ang nangyari sa akin. Nakatakda na iyon," and he smiled at me. "Sige anak, pakabait ah? And believe and have faith on God. Papatawarin ka Niya kung lalapit ka sa Kanya at humingi ng tawad ng sincere ah?" At ginulo niya ng bahagya ang buhok ko.

"O-opo papa. I will miss you," at niyakap niya ako, at nilagay ko rin ang kamay ko sa likod niya.

"I love you 'nak. Paalam! Pasabi sa mama mo, mahal na mahal ko siya," and he waved at me.

•|||||||||||||•

Bigla nalang nagising ang diwa ko. Hindi ko muna binuksan ang mga mata ko dahil may naririnig akong boses na pamilyar sa akin.

Wala akong natandaan sa mga nangyari kanina. Bakit ba ako nakatulog?

"Tita, ito po ba– ang pangyayaring ito ang confidential thingy na nakalagay sa excuse letter ni Elisha po?" Si Janelle yun, I'm sure. Siguro kausap niya si mama.

"Oo e. Alangan namang ipagsigawan niyang namatay si papa niya. Bahala na lamang sila kung mababalitaan nila," sabi ni mama.

"T-tita, hindi ko po inaasahan na ganito– magpakatatag po kayo ha? Pray lang po– magtiwala lamang kayo sa Diyos," sabi ni Caleb.

Iginalaw kong bahagya ang mga paa at kamay ko.

"Mukhang gising na si Elisha, tita," narinig kong sabi ni Caleb at saka ko ibinuka ang mga mata ko.

Nakita ko silang tatlo– si mama, Caleb at Janelle. Napatingin ako sa paligid– at sa orasan na nasa dingding.

"N-nasa kwarto ka anak," sabi ni mama.

"A-anong oras na oh, Janelle at Caleb? Hindi pa ba kayo uuwi?" Tanong ko. 06:00 pm na kasi e nang huling tingin ko sa orasan kanina.

"Nagpaalam kami kanina sa parents namin tsaka malapit lang dito ang bahay namin, ilang bahay lang," pagpapaliwanag ni Janelle.

"Ehh baka gabihan na kayo?" Tanong ko.

"Okay lang. Hindi kami papagalitan– 'wag kang mag-alala. 'Wag mo muna kami isipin, ha?" Sabi ni Caleb.

Faith Academy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon