Chapter 31: Oral Report

534 27 1
                                    

Caleb's POV

"Good– what's happening? Bakit ka nakaupo sa sahig– at mukhang itinulak? Hmm?" balak sanang bumati ni ma'am Rowena subalit 'di natuloy dahil nakita niya akong nakaupo sa sahig. Pakiramdam ko nakita niya ang pagkatulak sa 'kin.

Hindi ko rin alam na itutulak ako ni Lorraine. 'Di ako naging aware. Bakit ba kasi hinayaan ko 'tong mangyari? Baka mamaya makarating na naman kami sa principal office. 'Wag naman na sana.

"N-Nakita niyo ma'am?" nauutal na wika ni Lorraine. Nagpalit-palit ng tingin mula sa akin at kay ma'am.

"Sa palagay mo?" mukhang hindi naging maganda ang aura ni ma'am. "Una si Elisha, tapos si Caleb? Sinong isusunod mo? Baka mamaya lahat na ng mga kaklase mo itulak mo na dahil sa pagiging bully mo. Tsk. Usap tayo sa harap," seryosong sabi ni ma'am. "Lahat kayo na nasa likod, sabihin niyo ang tunay na nangyari!"

Wala na kaming ginawa kundi ang sumunod kay ma'am. Siyam kaming pumunta, including me, Elisha, Janelle, Lorraine, Sarah, Theresa, Cristiny, Shannia, at Joane.

"Sabihin niyo ang tunay na nangyari," kalmadong sabi ni ma'am at tinitignan kami ng isa-isa. "Mukhang may bago? Bakit kasali silang tatlo ngayon sa away na 'to?" siguro nanibago si ma'am. Tinuturo niya sila Cristiny.

"New friends po kasi sila ni Lorraine," narinig ko ang sagot na nagmula kay Elisha. Bakit pinangdidiinan niya ang word na friends?

"Ano ba ang nangyari habang wala ako?" tanong niyang lahat sa amin.

Sinabi ni Elisha ang lahat ng mga nangyari at nagkunot-noo si ma'am.

"Grade 10 na kayo for heaven's sake! Parang elementary ang mga asal niyo! Tila mukhang 'di nag-aaral sa Christian School! Daig pa kayo ng mga non-Christian Schools sa mga ugali niyo! Hindi ko na alam ang gagawin sa inyo," mukang suko na si ma'am sa kanila. Kasi nga naman, Principal na ang nakausap noon, pero tila nangyayari na naman uli.

"Sila po ba ang bagong ali– tuta– ay I mean po mga bagong kaibigan ni Lorraine. Pakiramdam ko nga po na siya ang nag-utos na gawin ang mga ikinwento ko. Tsk," turo ni Elisha sa tatlong bagong nangbu-bully sa kanya. Ang lakas ng loob niya ngayon na sabihin ang lahat. Si Lorraine ay nakatingin nang masama sa kanya.

"What do you mean by ali and tuta na nautal ka pa?" nako, ang sama na talaga ng tingin niya. Kung nakakamatay ito, baka kanina pa pinaglamayan si Elisha– tsk! Ano ba 'tong pinag-iisip ko?

"Mind on your own business. Pwede naman na ikaw ang gumawa sa akin ng mga 'yon, 'di ba? Ang laking duwag mo naman–" napatigil siya dahil akmang susugod na si Lorraine sa kanya, hinawakan nga lang siya agad ni Theresa at Cristiny upang pigilan.

"Stop this! Nai-interrupt ang klase natin. Ayoko nang maulit 'to okay? Kung hindi–"

"Ano?" matapang na saad at pagputol sa pananalita ni ma'am si Lorraine.

"Don't dare to stop my thoughts!" nakatingin nang seryoso si ma'am sa kanya. "At bumalik na kayong lahat sa inyong kinauupuan dahil magkaklase na tayo at baka maraming magpa-excuse ngayon dahil sa intramurals next next week."

Sinunod na namin ang sinabi ni ma'am. Ang mata ng mga kaklase ko ay nakatitig sa amin– tila parang center attraction. Si Lorraine at 'yong mga kasama niya ay tila hindi makomportable dahil siguro sa nangyari pagkahuli sa kanila. Naroon na si ma'am sa harapan at magsisimula nang magturo.

"Ang schedule ng first quarter test niyo must be August 11-12, pero, napag-usapan kahapon na bago nalang intramurals para hindi na rin stress ang students. Hirap muna, 'yong tests tapos t'saka ang pagre-relax o 'yong gaganapin sa August 8,9 and 10. August 4-5 is your new schedule on quarter test– is it okay?" pang-intro muna ni ma'am bago magsimula. Announcement muna kasi siya bago sa lessons.

Faith Academy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon