Chapter 56: Open Forum

277 21 11
                                    

Elisha's POV

"ANONG DATE na ngayon? I-se-set ko lang sa cellphone ko," tanong ko kay Caleb. Tinanggal ko kasi ngayon ang battery nito dahil nag-hang tapos nawala ang date and time.

"December 15, 07:12 am. Ayan kumpleto na ah?" sabi niya habang nakatingin pa rin sa phone niya. Hindi man lang ako nito tapunan ng tingin para kiligin naman ako. Char lang.

"S-Salamat," sabi ko.

"Welcome." At 'yon, nagpatuloy na siya sa pagse-cellphone.

Ewan ko ba kung bakit habang tumatagal ay unting-unti akong nahuhulog sa kanya. Wala e, ramdam ko at hindi ko na alam kung paano pipigilan ito.

Hindi ko namalayan ang sarili kong nakatitig sa kanya habang nagse-cellphone siya. "Matunaw 'yan." Napatalon ako sa gulat- kung sinuman ang sumira ng malalim kong pag-iisip, lagot sa akin.

"J-Jona?!" naiinis kong wika at napahawak pa ako sa dibdib. "Buti nalang wala akong sakit sa puso."

"Wala nga ba talaga?" pang-aasar niya at sinamaan ko ng tingin. "Paano kung nagmahal ang puso mo na hindi ka mahal?" makahulugang wika niya. Kinusilapan ko at tumawa siya.

Seriously, anong nakakatawa?

Biglang dumating si Janelle kaya tumigil sa pagtawa si Jona. Nakatingin ako sa kanya at siya naman ay nakatingin kay Janelle.

Umupo siya sa tabi ko at pinagmamasdan ko siya. Kung noon ay binabati niya ako, ngayon hindi na. Parang wala ako sa tabi niya. Ang pinapansin niya ay sina Jona, Ella at Caleb. Naiiyak na ako dahil mahigit isang buwan na siyang nanlalamig sa akin. Sa pagkakaalala ko'y wala naman akong ginawang masama sa kanya.

Magbabakasyon na naman niyan next week dahil Thursday na ngayon at Christmas party na bukas. Christmas vacation na pero hanggang ngayon ay hindi niya ako pinapansin.

Pinipiga ko ang utak ko sa kakaisip kung ano ba iyon, ngunit walang lumalabas na ideya! Simula November 7, Lunes, nang mulang nanlamig siya. Kinakausap ko pero parang hangin ang kausap ko. Ang sakit-sakit.

Ang hirap pala talaga kung best friend mo ang maging ganito, 'no? 'Yong nasanay ka na palagi ka niyang binabati, ngayon hindi na. 'Yong nasanay kang magkasama kayo pero nang-iiwan na siya ngayon.

Ano ba talaga ang nagawa ko para ganituhin niya ako?

Ayoko na. Ang hirap mag-isip.

Napapatingin nalang ako sa kanya. Nadudurog ang puso ko sa tuwing pinagmamasdan ko siya. Hindi ko talaga lubos maisip kung ano ang pinag-ugatan nito.

"Baka kailangan lang niya ng space," May ligaw na naman na boses sa aking isipan.

"C-Caleb?!"

"Pansin ko kasi na kanina ka pa napapabuntong-hininga at ang lalim ng iniisip mo kaya ko 'yon sinabi."

"Don't tell me na you're reading my mind?" mataray kong wika at natatawa siyang tinitignan ako.

"Hmm, nope, hindi ko sinasadya. T-Tama ba ang h-hula ko na si Janelle ang iniisip mo?" bulong lang niya sa tenga ko. Ramdam ko ang kanyang hininga sa aking leeg. Nangingilabot ako.

Hindi nalang ako nagsalita.

"So pwede na akong kumuha ng course na psychology?" sabi niya sabay tawa.

"Ewan ko sa 'yo," sabi ko. "Huwag kang parang kabute sa isipan ko."

"Eto lang naman ang para sa akin e," Tinignan niya ako sa mata at hinawakan sa may bandang kanan na braso ko. "Huwag kang sobrang mag-over think kasi mas lalong hindi mo mahahanap ang kasagutan."

Faith Academy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon