Chapter 54: Devotion/Journal

384 19 0
                                    

Note: Ang mababasa niyo sa chapter na ito ay pawang natutunan noon ng writer sa nakasalamuha niyang mga Born Again.

Sa kasalukuyan ay hindi na niya nakakasama pa ang mga ito.

____

Elisha's POV

Kakalabas lang ni Ma'am Grace. Kahit na hindi ko gano'ng kapaborito ang science, inaamin kong gusto ko rin ang asignaturang ito. Nag-e-enjoy din ako rito hindi lang halata.

Hindi ko namalayan dahil sa malalim kong pag-iisip, papasok na pala si Mommy. Ako na pala ang magli-lead ng prayer ngayon kaya wala sa sarili kong pumunta ako sa harap.

Nang matapos na ako, bumalik na agad sa kinauupuan. Nakahinga na ako nang maluwag. Ang saya pala sa feeling na ako naman ang mag-lead– kahit nakakakaba talaga. Bigla nalang nagpa-flashback sa aking isipan ukol sa unang mga panahon ko sa school na ito. Hindi ko namamalayan na unti-unti na pala akong nagbabago sa tulong ng ating Panginoon.

"Good morning class!" Nakaugalian ni Mommy na prayer muna bago bumati sa 'min. Binati na namin siya pabalik.

"Nagdala kayo ng pinapadala ko bago ang inyong napakahabang bakasyon?" Hindi ko mawari kung sarkastiko o inaasar niya kami dahil sa aming bakasyon.

"Yes Miss!" sabay-sabay na sabi namin.

"Mabuti kung ganoon. Ilabas niyo muna ito," Dahil sa sinabi niya, kanya-kanyang kuhaan sa bag ng dala-dalang notebook. "Dito niyo na rin i-lecture ang mga mahahalagang impormasyon na aking ituturo para sa araw na ito."

Kaya eto, nilagyan ko muna ng pangalan ang aking notebook. Bagong bili ito kaya mas mabuting lagyan ko na. Napapatingin ako sa paligid, 'yong iba, ibang klase ng notebook at may ordinary gaya ko.

"Alam niyo ba kung para saan ang notebook na pinadala ko? Any guess? Any idea?" tanong ni Mommy sa lahat. Kung ako ang tatanungin, wala talaga akong ideya kung para saan pa ang bagong notebook.

Nakita kong kaunti lang ang nagtaas, ngunit si Caleb ang natawag. "Hmm a-ang hula ko po'y para sa devotion o journal ito?"

"Tumpak Caleb!" wika ni Mommy. "Ang magiging sentro ng inyong 3rd quarter para sa R.W.G. subject ay ang devotion. Sino ang may ideya sa salitang devotion?"

Si Aaron ang natawag. "Ito ay ang pag-aaral mo ng Salita ng Diyos in private o sa lugar na matahimik sa gabay ng Espiritu Santo. Isinusulat sa notebook. Ito ang quiet time natin sa Diyos. Privately praising our God." At marami pang tinawag si Mommy including si Janelle. Karamiha'y kagaya ng sagot ni Aaron, inibahan lang ng words.

Si Mommy ay naglilibot habang nagtuturo. Kaya hindi kami nabo-boring dahil na rin sa taglay niyang boses na gigising sa diwa naming estudyante. 'Yong lulutang na ang utak ko, pero mapapabalik niya ako in reality. Isama pa ang pagsabay ng kumpas ng kanyang mga kamay.

"Alam ko napapaisip pa kayo kung para saan pa ang pagde-devotion. Naiisip mo na okay naman na ang makapagbasa ng Word Niya sa araw-araw. But first we'll discussed about this word 'devotion'.

"Hmm, una sa lahat, ang salitang devotion ayon sa dictionary ay love, loyalty or enthusiasm for an activity or cause. Sa wikang Filipino, debosyon, pagmamahal, dedikasyon at panalangin. In short, ito ay ang quiet time natin sa Diyos.

Faith Academy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon