Venisse's POV
NATAPOS NA ang performance ng tatlong grupo. Ang plot ng pangalawang grupo ay tungkol sa isang anak na nagrebelde at 'yong pangatlo naman ay lumaki sa pamilyang walang paniniwala sa Diyos. Na-amaze ako sa mga performances nila.
"Palakpakan niyo ang inyong mga saliri!" masayang lahad ko sa kanilang lahat. Nagpalakpakan sila nang malakas at maging ang mga huradong kinuha ko ay pumalakpak at nakangiti.
"Any closure statements, judges?" tanong ko sa kanila. Nag-usap-usap sila kung magbibigay sila.
"Sige, ako na ang una," pangunguna ng isang guro sa MAPEH. Tumayo t'saka nagsalita. "Nagustuhan ko ang inyong presentasyon. Halatang pinaghandaan niyo 'to. Kaya, ang masasabi ko, very good ang inyong performance. Keep it up!" at umupo na siya.
Sumunod naman ang katabi niyang isang teacher din, R.W.G. subject din gaya ko. We're the only teachers na nagtuturo ng asignaturang ito. "Hmm. Ano ba ang sasabihin ko? You can use your talents in many ways. Na-touch ako sa kwento na ginawa niyo. Sana maulit pa 'yong ganito. Ako kasi 'yong taong mahilig sa inspirational stories kaya malakas ang epekto nito sa 'kin. Maraming matututunan kung isasabuhay mo. Nice job, students!" at umupo na siya.
Si Daniel ang sumunod. "I'm just a outsider. Hindi ako taga-rito. Thank you, Miss Alfonse for inviting me here. So, ang tanging sasabihin ko ay ipagpatuloy niyo lang 'yan at magaling kayo. Effort and determination, plus your desire and dreams will give you a positive outcome. Kung magiging magtiyaga, masipag at lakas ng loob lang tayo, walang imposible. Kaya, keep it up!"
Tumayo naman si Matt, ang last na magsasalita. "Thank you for the impressing performance. Thank you for inviting me, Ven. Improve lang ng improve sa bawat bagay. Gaya ng pag-unlad ng teknolohiya, dapat gano'n din tayo. Paunlarin natin ang mga saliri. I liked this activity you've given to your students. You're a best teacher," tila may humaplos sa puso ko nang sinabi 'yon ni Matt. The best teacher? Tumingin pa sa 'kin ng deretso si Matt at nakangiti ng todo.
Nagpalakpakan sila nang sabihan akong the best teacher. Inaasar ako ng mga estudyante ko. "Yie!"
"Shut up!" pagpapatigil ko sa kanila kaya mas lalo nila akong naasar. "Yie!" "Kyyaah!"
"Kinilig ka naman?" nang-aasar na wika niya kaya mas lalo akong nainis. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Ven."
"Tse! Change topic. Sige, ibababa ko ang grade niyo 'pag tuluyan niyo 'kong inasar pa- sige!" pananakot ko sa kanila kaya tumigil na rin sila.
"Ang grade niyo ay sa 'kin na lamang at hindi ko na sasabihin. Basta, ang masasabi ko lang ay mataas naman at konti lang ang difference ng bawat isa."
"Ma'am!" pag-angal pa nila.
"Ito ang consequence ng pang-aasar niyo sa 'kin kanina. Kaya, accept it," sabi ko kaya wala na rin silang magagawa. "Anyway, this is your project."
Kaya hindi na sila nagpilit. After no'n, kami'y nag-picture kasama na rin ang mga judges. Pero no'ng una ay kaming apat lang tapos napagtripan ulit ako ng students ko dahil kami lang ni Mattias ang nag-picture. Hilig mang-trip. Maraming pose alam ang mga estudyante ko kaya nangawit ang panga ko sa kakangiti. Kabataan nga naman. Ang lalawak talaga ng pag-iisip nila.
NANDITO NA AKO sa faculty ng teachers. Ako'y kumakain na. Ang isip ko'y naglalakbay habang kumakain. Naalala ko pa rin kung paano ako nagulat sa muli naming pagkikita ni Mattias. Nagulat pa nga ako na siya pala ang lalaking ka-chat ko ng halos anim na buwan sa Facebook.
Flashback...
"I-Ikaw si Mattias na ka-chat ko?" nagugulat kong sabi sa kanya. Naalala ko pa rin ang lalaking 'to. Kakarating lang niya sa faculty namin. Ako lang mag-isa dahil may klase ang mga ka-faculty ko. Napatulala ako sa kanya at hindi makapaniwala sa nakikita.
BINABASA MO ANG
Faith Academy (Editing)
SpiritualAre you a God's child? Would you like to enroll in a school where you could make friends with Christians? What are you waiting for? Be with them, learn with them, share your life with them, and have a mission to share good news with other people. E...