CHAPTER SEVEN

2K 59 0
                                    

*********
(Alarm clock rings)

Anaknang-- bakit ba tuwing may pasok tinatamad akong bumangon?! Arghhh many more hours pa.

"Brielle gumising ka na! You dont want to be late at school " Napabalikwas ako sa higaan ko at nagmamadaling pumasok sa banyo. Tsk kung hindi lang talaga nakakainis kausap yung Prof namin na babae n ayon eh magpapalate pa ako. Matalino kasi si Mam sa sobrang sa talino pakiramdam nya lahat bobo. Tsk pag yon nasampolan ko din hehe. Pero ayoko ring magkaroon ng kaaway ngayon naalala ko pa nung may minsang nalate sa subject nya agad nyang ipinadetention.

Wait ipinadetention nya...

Tvngina! This is a blessing, omygash hahahaha.

*********
Eyziel's POV

Nandito na ako sa classroom ngayon at hinihintay si Beshy kasi natatakot ako para sa kanya! Mas alam naman nya na terror yang prof naming si Mam Petrekov isang half human half bungangera as in yung pagkatao nya ay hindi mawawalan ng pagsasalita nya. Ano ba yan Brielle ako ang nanggigil sa iyo eh.

Ilang sandali pa ay may padabog na nagbukas ng pinto at pabagsak inilagay ang ilang mga libro at sandamakmak na chalk sa table nya.

"Ok we have a lots of exercises and quizzes na gagawin kaya open your book on page 103 now!!"  nagulat kami pero hindi na umangal dahil baka mapagalitan pa kami halatang bad mood ang lola nyo. Nakita ko na nagpaikot ikot ang mata nya kaya agad akong napayuko. Ang talas din ng mata nito eh, matanglawin.

"Nasaan si Ms. Zenon alam nyo naman na wala dapat ma late sa klase ko di ba??!" alam namin mam. Matagal na naming alam.

"Ms Perez?! Diba kaibigan nyo si Ms Zenon nasan na yung babaeng yon ano?!" paano ko malalaman mam? Magkasama kami ha?

"Grabe mam highblood parang laging may dalaw na dugo!!!!" Sigaw ko. Pero sa isip ko lang baka biglang ihampas sa akin yung teacher's table.Sasagot na sana ako pero may isa ring babaeng maangas na padabog ring pumasok, ayan na si beshy.

Makaramdam ka ng kabang langya ka. Late na late na itong babaing ito bwiset. Galit na galit at gusto ng manakit ni Mam pero si beshy wala namang reaksyon.

"Ms Zenon late ka sa klase ko alam mo naman na bawal ma late dito diba?!"

"Sorry po mam" hindi ko alam kung ako lang ang nagtataka kasi alam ko na hindi talaga sya kinakabahan at halatang natutuwa pa sa mga nangyayari. Siraulo.

"You will have your detention hanggang mag lunch! Understood?!" Galit na usal ni mam maya maya pa ay bigla siyang sumigaw.

"TAKTE AYOS!!" Parang bata niyang sigaw at muntik ng magtatalon dahil sa tuwa. WTF ano ba ang pinaggagagawa nito?!

Humanda ka sa akin mamaya Briellle sasabunutan kita mamayang lunch!

***********

Brielle's POV

"Mam nasan na yung detention slip ko??" alam kong maling matuwa pero bakit ba? Walang aawat sa akin

"Nakakaintindi ka ba Ms. Zenon?! Detention ang pupuntahan mo!!" kaya nga ako natutuwa mam eh kung hindi ako pupunta sa detention malamang ba hindi na ako papasok sa subject mo. Napangiti ako lalo nang ibigay nya ang detention slip kaya agad akong lumabas ng room, habang naglalakad ako magbibigay muna ako ng trivia.

PANAGINIP (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя