CHAPTER THIRTY FIVE

1K 32 0
                                    

**************
"Sabi na nga ba! Ito yung Jelle Tree!" Napangiti si Tyler ng marinig iyon

"May alam ka ba sa Jelle Tree ha Tyler?!"

Umiling sya at malungkot na ngumiti

"Wala wala...natuwa lang ako sa pangalan ng puno!"tumango ako at humarap ulit sa puno

" Alam mo ba dito kami laging naglalaro ni JT dito pero ngayon hindi nya maalala kung ano ang lugar na toh...itong Jelle Tree na toh ay pinaghalong pangalan namin hindi ko na gaanong maalala ang pangalan ni JT pero alam kong Jake Tyler sya four years old palang kasi ako non... namimiss ko na yung dati naming ginagawa..."malungkot kong tiningnan ang puno at may nagflashback sa akin

"Elle elle ang ganda nung puno!"

"Waahh oo nga JT! Sa atin na lang toh ha!" Tumawa si JT at ginulo ang buhok ko

"Hindi pwede Elle!" Bigla akong nalungkot at umiyak

"Shhhh wag ka ng umiyak...ganito na lang ha...aalagan na lang natin toh para lagi nating maalala ang isa't isa.." Tumango ako nginitian sya

"Namimiss ko na ang dating JT...miss na miss ko na.." Unti unti ako napaluha tumingin lang ako kay Tyler at ngumiti

Ngumiti na rin sya pero mababakas sa mga mata niya ang isang ekspresyon na maraming gustong sabihin pero hindi nya masabi

Maya maya ay bigla syang nagiwas ng tingin at biglang tumawa...

"Hahaha bigla kong naalala hindi pa tayo nakakapamili ng gagamitin mo.." Napatawa na rin ako dahil sa sinabi nya

Shheyytt nakalimutan ko pa...

************
"Sino daw ang makakalaban ng basketball team?" Tanong ko kay Tyler habang naglalakad papasok sa classroom nagulat din ako ng bigla na lang syang sumulpot sa tapat ng bahay tapos hinihintay daw ako

"Hindi ko kilala pero matatalo din yon... kami pa!" Hindi ko sya pinansin dahil nagiging mahangin na sya

"Sasali ka sa basketball diba?

" oo nga paulit ulit lang?"

PANAGINIP (COMPLETED)Where stories live. Discover now