CHAPTER THIRTY EIGHT

1K 30 0
                                    

Author's POV

Isang lalake ang nakaupo sa isang couch sa isang malaking mansyon habang nilalaro ang baril na hawak nya....

Nakatiim ang bagang nito habang nakatingin sa isang pangalan na nasa gilid ng lamesa niya....





Zien Clare

Napatigil sa pagiisip ng lalake ng biglang pumasok ang isang magandang babae sa loob ng silid

"Ano ang ginagawa mo rito?" Yumuko ang babae bilang paggalang bago nagsalita

"Matalino siya nagutos sya sa akin na magpakalap ng impormasyon tungkol sa kapatid nya..."

Isang malakas na halakhak ang bumalot sa buong silid na galing sa lalake

"Tulad ng inaasahan bigyan mo na lang sya ng pekeng inpormasyon gusto kong sya ang umalam ng katotohanan nakaabang na rin ang susunod na plano gusto kong gawin nyo iyon ng maayos..."

Tumango lang ang babae ng may lalakeng humahangos na pumasok sa silid

"Ipagpaumanhin nyo po...pero napasok na po ang kuta natin ng kalaban!" Isang kalmadong ngiti lamang ang binigay ng lalake at kinasa ang baril nya

"Huwag nyo silang patayin gusto ko muna silang makausap" isang nakakakilabot na ngiti ang binigay ng lalake bago lumabas ng pinto...

**************
Brielle's POV

Naglalakad lakad ako sa loob ng court habang hindi pa nagsisimula ang game ng nakita ko si Kurt pati yung mga lalaking nambastos sa akin noong maganda yung mood ko...

"Dar--" tinakpan ko ang bibig nya ng bigla syang magsalita

"Tangna ka Kurt pag may nakarinig sa yo!" Napatango na lang siya at ngumiti ng nakakaloko

"Nagawa mo na ba yung pinagagawa ko sa iyo?"umiling sya at ngumiti paano ba yung gagawin ko?!

" Kurt sabi ni-- woah Dar--!"hindi na ako namapagpigil at sinapak ko sya

"Ta* ka! Kanina pa kayo pag may nakaalam nito malilintikan kayo sa akin!" Haissttt pano ba toh! Si Fade si Kian si Shane at ang Falcon gang ay alam na ang istura ko....

"En tumahimik ka na nga nabangasan tuloy ang panget mong mukha!"

"Concern ka dre?! Pakiss nga!" Napatikhim ako kaya tumigil sila

"Tama na ang paglalampungan maglaro kayo ng maayos" napa iwas sila ng tingin kaya umalis na ako...

PANAGINIP (COMPLETED)Where stories live. Discover now