CHAPTER FOURTY TWO

998 24 0
                                    

***************
Hinanap ko kung saan nanggaling ang palakpak at nagulat ako ng makita sya

"Nagdadramahan sa gitna ng laban?! Ikaw ba yan Dark?"malamig ko syang tiningnan habang si Terrence ay gulat pa rin

" Teka Kier?!"yumuko pa ito matapos banggitin ang pangalan na parang naaliw pa..

"The one and only..gusto ko lang sabihin na pinatatapos na nya kayo" nagsmirk na lang ako...

Kahit na gusto ko syang sapakin at sabihing hindi ikaw yan....

Tinuring ko syang kaibigan pero sa tingin ko kaya ko lang sya naging kaibigan ay dahil sa plano niya

"Ikaw ang laging nagpapahamak kila Eyz.." Umiling siya at ngumiti pa sa akin

"Hindi ako Dark...bakit ko naman gagawin yon?"

"Simple lang Traydor ka"
Nawala ang ngiti niya at seryosong tumingin sa akin

"Ni minsan ay hindi mo ko naging kakampi Dark malaki ang kasalan nyo sa akin.."

"Montez?! Kalaban ka talaga?!"biglang nagsalita si Terrence kaya tumingin sa kanya si Kier

" Ikaw pala yan Terrence! Isang Cadwell! May ibubuga ka kaya kung ikaw ang kakalabanin ko?!"nakangising sabi niya at naglabas ng baril seryoso rin namang tumingin si Terrence sa kanya ...

"Hindi naman sya ang kalaban mo.." Nagulat si Terrence ng pumunta ako sa harap niya pero ngumisi lang si Kier

"Hindi ko alam na nagmamalasakit pala ang Heiress ng Dark Blood Palace ang nangungunang gang sa buong mundo..." Hindi ako nagsalita at nanatiling nakatingin sa kanya

"Heiress?Gang?" Malakas na tumawa si Kier ng marinig ang sinabi ni Terrence

"Oo Terrence! Isa syang gangster! Gangster na ang mga magulang ay mamatay tao!"

Bigla ko syang sinugod ng dagger ko pero naiwasan nya lang yon huminto ako at sinipa sya pero naiilagan pa rin niya

"Ulitin mo ang sinabi mo!" Sinubukan ko syang patamaan ng dagger at nasugatan sya sa kaliwang pisngi may tumulong dugo dito pero pinunasan lang nya ito

"Hahhaahah Dark walang katotohan ang nakapalibot sa iyo...kasinungalingan ang lahat...Isang malaking kasinungalingan" sinuntok ko sya kaya bigla syang napaupo tumalon ako sa likod nya at sinipa sya ...akmang susugod sya pero nahawakan ko ang kamay nya at pinulupot iyon at sinaksak sya sa balikat

"Wala akong kinanti maski isa sa myembro ng pamilya mo Montez....wala...." Tumayo lang ito kahit iniinda na nya ang sakit nakahawak sya sa braso nya habang may dugo pang tumutulo dito

PANAGINIP (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon