CHAPTER TWELVE

1.7K 51 1
                                    

*******
(Alarm clock rings)

Tamad akong bumangon sa kama ko at agad namang naghanda para pumasok ng school.

Pagkababa ko sa kusina ay wala man lang akong nakitang pagkain at tao.

Nasan ang mga maids? Si Mang Tony tsaka si Kuya?

"Tss nagaway kami kagabi pero hindi ibig sabihin non ay iiwan nya akong magisa sa bahay ng walang chibog. Badtrip naman oh"

Kahit gutom ay sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot ito papuntang school.

Nakakapanibago dahil halos naman lahat ng estudyante ay nakatingin sa akin at lahat ay masasama ang tingin.

Problema ng mga toh?

"Beshy!!" napatingin naman ako kay Eyz na kumakaway papalapit sa akin. Paglapit nya ay agad kong napansin na namumula ang mukha nya at halatnag hindi sya nagsuklay.

"Okay ka lang ba Eyz?" nagaalalang sabi ko pero ngumiti sya

"Okay lang ako" ngumiwi naman ako at hinawakan ang pugad nyang hairstyle

"Hindi ba uso ang suklay sa inyo? Gusto mo bang bilhan kita?"

"Gaga! Late na kasi kaya nagmamadali na rin akong pumasok"

Hindi na ako muling nagtanong pa dahil halata naman na masama ang pakiramdam nya

Ako pa ang lokohin nya? Tss

Mabilis na umusad ang oras at nalagpasan na non ang oras ni Mam Petrikov. Hindi pumasok at tumataas daw ang anit este tumataas daw ang presyon.

"Beshy dyan ka lang ha? Ako na bibili ng kakainin natin" tumango naman ako kay Eyz tutal naman ay tinatamad din akong pumila. 

Nasan ba si JT?

Kanina ko pa rin hindi nakikita ang kupal. Mukhang absent naman. Tsk bakit ba nya ginagaya ang H-boys? Absent din kasi yung lima.

"You b1tch!" lumingon ako sa biglang sumigaw pero yun ata ang pinakamalaking pagkakamaling ginawa ko.

Binuhusan nya ako ng juice!

Anak syang ng nanay nya! Galit na galit at gustong manakit na ni Tracey habang madiin pa rin ang hawak nya sa baso.

"Diba ang sabi ko umalis ka?! Why the hell you are still here?! Kinakalaban mo talaga akong malandi ka!"sigaw ni Tracey sa mukha ko habang may konting laway pa ang tumalsik dito.

Yuck! Kadiri ng babaeng ito. Ganda ganda mukha syang bubuyog! Pwe!

Tinapon nya yung baso sa sahig na naging dahilan para magsigawan yung mga tao malapit sa amin. Ang OA ng mga lintek.

Kaya lang napaatras ako ng kumuha sya ng ulam sa table na malapit sa kanya. Iilag sana ako pero huli na nabuhos nya s aakin yung ulam na may sabaw at sobrang init non.

Langya talaga ang babaeng ito! Walang magawang ikasasaya ko rin.

Lumapit ulit sya sa akin at pinagsasabunutan ako pero parang nanatili lang akong nakatayo at hindi maigalaw ang katawan ko, Parang wala akong lakas...

Kaya ginawa ko ang bagay na hindi ko akalaing gagawin ko sa harap nila.

"Tama na !! Tama na!!!"

PANAGINIP (COMPLETED)Where stories live. Discover now