Kabanata 4

680 53 13
                                    

Pagkaharap ng babaeng kasama ni Stephen, nagulat ako. Kaklase naming dalawa ni Stephen si Alisa. Although na nakakasabay niya ang ibang barkada, pero kahit ni minsan hindi ko siya nakausap man lang. Actually kaming dalawa ni Aubrey. Ewan ko pero ayoko lang talaga siyang kausapin. Sa pagkilala ko kasi sakanya, napakamaldita niya sa ibang kaklase namin; kahit nga sa dalawa niyang kaibigan.

Habang patakbong pumupunta samin si Stephen, si Alisa naman naglalakad lang papunta samin. At tila yatang naiinis pa siya.

"Nics. I'm sorry. Hindi ko kasi namalayan yung oras. Sorry talaga" Nakita ko naman sa kanyang mukha na sising-sisi siya sa ginawa niya. 

Akala ko kung ano na ang dahilan kung bakit pinahintay ako ng husto dito ni Stephen, ipapakilala niya lang pala si Alisa. Naexcite pa naman akong malaman kung sino ang babaeng dadalhin at ipapakilala ni Stephen. Tapos malalaman ko nalang na si Alisa lang pala. Eh matagal ko naman siyang kilala.

Magsasalita na sana si Kael sa sinabi ni Stephen pero bigla ko nalang siya pinutol. Alam ko kasing pagsasabihan niya si Stephen. Baka kung saan pa mapunta yung sabi-sabi na yan.

"Hindi naman masyado. Tsaka okay lang naman yung paghintay ko kasi kasama ko din naman si Kael. Sige ano.. Uhmm.. Sa tingin.. aalis na kami.." Sabi ko naman at akmang sanang aalis kasama si Kael pero pinigilan niya 'ko

"Sandali. Maiba lang ako, oh ano na ngayon? Naniniwala ka na ba sakin?" Umoo nalang ako at ngumiti sakanya. Pagkatapos nun, ni isa sa apt samin, walang nagsasalita. Alam kong naiinip na si Kael at kating-kati na magsalita, kaya hindi na niya napigilan magsalita

"Uhmm.. Sige na Stephen. Mauna na kami ni Nica. Hatid mo nalang si Alisa." Sambit naman ni Kael

“Sige, dito nalang kayo sumakay sa sasakyan ko para sabay nalang tayong umuwi" Pagiimbita naman ni Stephen.

Hindi pumayag si Kael na sumakay kami sa sasakyan ni Stephen pero ako gusto kong sumakay dun. Ayoko kasing may sasabihin sakin si Stephen tungkol kay Kael.

"Sige Kael, ano.. uhmm.. mauna ka nalang. Dito nalang ako sasama kay Stephen" Sabi ko naman kay Kael. Tinignan niya lang ako na parang sinasabi niya na "Bahala ka" Sumakay siya sa sasakyan niya agad itong ipinatakbo. Kami namang tatlo, naiwan pa ding nakatayo. Nagkatinginan kaming tatlo hanggang sa tinanon kami ni Stephen kung pwede na kaming sumakay sa sasakyan niya. Tumungo nalang kaming dalawa ni Alisa papunta sa sasakyan niya. 

Sumakay ako sa likod ng sasakyan malapit sa bintana ako umupo at nasa harapan naman sina Alisa at Stephen. Habang nasa biyahe, wala lang akong ginawa kundi tumingin sa bawat lugar na madaan namin. Samantala sina Alisa at Stephen naman nagkakaroon ng kanilang "sweet moments" Kunwari hindi lang ko lang sila namamalayan, parang nakakahiya naman kapag panay tingin ng tingin ko sakanila. Tsaka hindi naman kami malapit ni Alisa para tuksu-tuksuhin silang dalawa. 

"Grabe talaga Stephen, ang sarap-sarap talaga ng pagkain na kinain natin 'no? Thank you nga pala, napagastos ka pa" Malinamnam na sabi ni Alisa kay Stephen. Si Stephen naman napangiti lang sakanya habang nagmamaneho.

"Siyempre, ganun talaga kapag mahal ka, lahat ginagawa para mapasaya" Malinamnam na sabi din ni Stephen kay Alisa. Napaubo naman ako sa likuran nung sinabi ni Stephen yun. Tumingin naman si Stephen sa maliit na salamin nakasabit sa kanyang kotse na nakaanig sakin.

"Huh? Anong sabi mo?" Kunwari hindi ko narinig yung sinabi niya kahit na rinig na rinig ko naman. Wala ng ibang sinabi sakin si Stephen kundi ngiti nalang sakanyang labi. Yung ngiting na tilang yatang nakakaloko. 

Naunang inihatid ni Stephen si Alisa Pagkababa ni Alisa. Sinabi sakin ni Stephen na tumabi na daw ako sakanya.

"Huwag na, dito nalang ako. Sige na magdrive ka na." Sabi ko naman sakanya habang ngisi ng ngisi.

I Will Never Leave You [On-Hold]Where stories live. Discover now