Kabanata 7

541 36 15
                                    

Para sakin noong nakaraang Christmas Day at New Year, yun na yung pinakamagandang araw na nangyari sa buhay ko. Magkasama kasi kami nila Mama at Papa. Nung Christmas Day, kumain kaming tatlo sa labas. Yung parang usual dinner ng magfamily. Siyempre, ang dami ko nanamang kinain dagdag mo pa nung New Year na nagkaroon pa ng celebration lahat ng relatives ko dito sa bahay namin. Hindi na kami masyadong nagkita ni Stephen during Christmas break kasi I know, busy din siya spending time with his family. Hay. Sana maging maganda ang pasok ng bagong taon sakin at sa family ko. I know na, through GOD, makakaya ko ang lahat ng ‘to. 

Ang hirap lang tanggapin na pagkatapos ng masasayang nangyari noong nakaarang linggo, nandito na ’ko ngayon, naglalakad papunta sa gate ng paaralan namin. Oo, minsan naiinip din akong pumasok lalo na kung galing ka sa mahabang bakasyon. Para bang ayaw mo nang bumangon sa kama tuwing umaga kasi nasanay ka nang gumising ng tanghali.

Pagkadating ko sa classroom, nagulat ako sa nakita ko. Si Stephen. Maaga yata yung salta. Siyempre, kasama niya si Alisa. Tinignan ko siya at napaisip ako na ang laki talaga ng pinagbago ni Stephen. Mula sa pagiging wala pakialam sa buhay, ngayon parang bawat gising niya ata sa umaga nagkakaroon na siya ng dahilan kung bakit niya idinidilat ang mata niya araw-araw.

Binati ko silang dalawa, ganun din sila sakin. Umupo ako sa sarili kong upuan at nagsimulang making ng music. Di katagalan, napansin ko na lumabas ng classroom si Alisa. Pagkalabas ni Alisa, agad-agad na tumakbo papunta sakin si Stephen. Hindi ko alam kung ano nanaman ang gagawin niya pero may kutob ako na meron naman siyang kwelang gagawin.

"Oh, parang nagmamadali ka yata" Sabi ko sakanya habang inaalis ang earphones saking tenga.

Agad siyang umupo sa tabi ko. "Grabe! May tatanong lang naman ako sa'yo eh. Eto kasi yun, monthsary kasi namin bukas ni Alisa. Ano kaya yung mga magandang gimik.... ? Di kasi ako sanay eh."

"Magandang gimik? Sus. Kung gimik lang ang pag-uusapan, sigurado ako na madaming kang alam diyan”

"Hindi yung mga kung ano-anong gimik. Sa'yo ko gustong malaman kung ano ang magandang gawin. Siyempre babae ka, babae din si Alisa kaya siguro alam mo kung ano ang gusto niya."

"Wala akong maisip na maganda ngayon eh. Pano ba ‘to. Ikaw naman kasi eh, kung saan bukas dun mo pa gagawin. Tsaka kung sakin mo ipapaorganize ang event niyo bukas ni Alisa, magiging hassle yan sa oras ko” Sabi ko sakanya.

“Tsk. Sige nalang. Salamat nalang. Punta lang ako sa labas” Sabi niya na tila yata nagtatampo. Akma sana siyang tatayo kaso pinigilan ko. Alam ko kasing hindi madaling suyuin ang isang Stephen. Kahit na alam kong mahihirapan akong maghanap mamaya ng lugar for event, kakayanin ko ‘to para sakanya.

“Eto naman.. Parang ganun lang, magtatampo ka kaagad. Sige, huwag kang mag-alala. Gagawan ko ng paraan yan” Sabi ko sakanya. Bigla naming napalitan ng malungkot niyang mukha sa isang masayang ngiti. 

"Oh talaga? Salamat talaga Nics! Iba ka talaga! Hindi talaga ako nagsisisi na nakilala kita sa buhay ko! Salamat na salamat talaga!” Kinuha niya ang wallet niya sa bulsa niya at biglang hinablot ang credit card niya. “Oh eto, bigay ko sa'yo credit card ko. Ikaw na bahala ng lahat. Gawin mong romantik ha. Na pagkakita niya ng lugar, mas lalo pa siyang maiinlab sakin. Naks. Oh Sige, labas muna ako. Hahanapin ko lang si Alisa baka kasi kung saan pa pumunta yun" Nagmadali siyang tumayo at agad na lumabas ng classroom.

Bukas na pala monthsary nilang dalawa, ni hindi ko man lang alam. Ni hindi man lang nagpasabi sakin. Grabe ang bilis lang pala ng panahon no, bukas mag-iisang buwan na sila. Parang nakakapanibago lang kay Stephen.

As usual, ako nanaman ang mag-aayos ng monthsary nila bukas ni Alisa. Gusto kasi ni Stephen na espesyal at napakamemorable lahat pero kung saan bukas, dun niya pa sasabihin sakin. Kahit na hassle sa time, okay lang.

I Will Never Leave You [On-Hold]Where stories live. Discover now